Chapter One

69 2 0
                                    

"I'm Sorry Mhel!" habang nakaupo si Arnold sa kama at nakaharap kay Mhel na umiiyak. Malungkot ang mukha ni Arnold na na nakatingin kay Mhel gusto man niyang hawakan man lang ang balikat nito upang kahit papaanu ay maibsan ang nararamdaman ng kanyang asawa. Pero ayaw niyang dahil sa nahihiya siya rito.

" Dad? bakit anu bang nagawa ko para gawin mo sa akin ito? " Habang nakatitig sa asawa ay tuloy pa rin pag agos ng luha. Samantalang si Arnold ay hindi makatingin sa kanya.

" Wala kang kasalanan, Mhel... ako ang ang may kasalanan! Noon pa man alam kung hindi na ito magwowork out... Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya Mhel...Hindi nawala ang pagmamahal ko kay Jean." Na lalong ikinasakit ng puso ni Melody na halos ikamatay niya yung sinabi ng kanyang asawa nung oras na iyon...Na gusto niyang magwala... magsisigaw...

"Kelan mo planung umalis?" tanung ni Mhel na umiiyak pa rin. "Daddy paanu mga bata?" Na halos pulang pula na ang mata hindi na mabanggit dahil sa hindi pag tigil sa pag-iyak..

"Huwag kang mag alala susuportahan ko pa rin sila. Bukas siguro after breakfast para makapag paalam pa ako sa mga bata. Mhel... I'm so sorry... " Na halos lalong ikinahiya ni Arnold kaya tumayo siya papuntang pintuan ng kwarto." Silipin ko lang ang mga bata" Naglakad palabas ng kwarto pupunta sa kwarto ng mga bata

upang makaiwas sa susunod na sasabihin ni Mhel.

Paglabas ni Arnold tsaka lumabas lahat ng nararamdaman ni Mhel na kanina pa niyang gusto ilabas...umiyak siya ng umiyak... buong Gabi siyang umiyak...

ArnoldPOV

Hindi ko alam kung paanu ko sasabihin kay Mhel na, halos isang taon na kaming may relasyon ni Jean, Si Jean Buenaventura, kaklase namin ni Mhel sa college sa isang subject magkaibigan kami ni Mhel since highschool pa kami, mabait siya at maalalahanin may angking ganda naman siya pero nung unang kita ko pa lang kay Jean alam kung gusto ko siya at alam ni Mhel yun. Naging masigasig ako sa panliligaw kay Jean pero ilang beses din akong nabasted. Hindi daw ako ang tipo niya. Hanggang sa minsan nakita ko siya sa hallway ng school namin na umiiyak nilapitan ko siya, Chance ko na yun, shoulder to cry on, hanggang sinabi niya na nag break na sila ni Brent boyfriend niya na basketball player sa school. Hanggang naging maging close kami at sinubukan ko ulit siyang ligawan at this time sinagot niya ako... tumagal naman ang relasyon namin ng dalawag buwan pero bigla na lang...

"Arnold, we need to talk!" Habang naglalakad kami palabas ng campus ni Jean.

" Yes Love? may problem ba?" tanung ko habang napatigil kaming dalawa.

Sabay tango ni Jean at hinatak ako pabalik ng campus at umupo sa bench ako nun medyo nagtatanung ang tingin sa kanya.

"Mukhang seryoso to ah?" habang paupo na sila sa bench at seryoso si Jean.

"I'm sorry Arnold but we need to end this?" habang nakatingin sa akin "Na approve na yung petition sa amin ng dad ko, dun na kami titira sa states. Actually naka ayos na ang mga papers at naka schedule na ang alis namin." tuloy tuloy na paliwanag ni Jean samantalang ako naka tingin lang at namanhid ata ako sa sinabi niya." Pero Jean, paano tayo?" Ang tanging nasabi ko.

"Love sorry...." seryoso si Jean habang tumatayo na siya sa pagkakaupo at tumalikod at umalis...Samantalang ako naiwan at tulala parin sa sinabi niya feeling ko hindi ko pa agad natanggap ang sinabi niya pero ayoko naman siyang habulin at magmakaawa kahit alam kung mahal ko siya... Pride ang pinairal ko.

Pagkatapos ng paguusap na yun umiiwas na si Jean at ako din yung isang subject na magkaklase kami hindi ko pinapasukan ng dalawang linggo.

"Hoy Tsong!" tawag sa akin ni Mhel sabay batok narin."Sisirain mo ba grades mo at hindi mo pinapasukan yung subject ni Ms. Gomez? sa ibang klase pumapasok ka nman." Tanung ni Mhel. Ako nman nangamot ng ulo kasi hindi ko masabi kung bakit.

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon