Habang nagdadrive si Mathew...napangiti ito.
Mathew POV
Hay naku Mathew Saavedra... niloloko mo sarili mo nu???...sabi mo may ka meet kang barkada sa UP...e sa totoo naman wala naman talaga... sinung siraulo mo na barkada ang mag jojogging ng UP e! nasa Paranaque kayo lahat nakatira???....
Pero nag jogging naman talaga ako, ako lang mag-isa.. at sobrang napaaga ata ako sa excited kaya naboring din ako..mag breakfast talaga ako sa isang fastfood chain kaya lang bigla kung naisip na magdahilan na lang, na kila Mhel na lang mag almusal at sana naman hindi nahalata yun.
Pagdating ko dun sa kanila siguro mga 20 mins na akong nasa labas nag iisip kung itetext ko na lang ba or tatawagan ko na lang...hanggang sa narinig ko ang mga boses ng mga anak niya.
Pagbukas niya ng pinto..naka pantulog pa siya...nahiya ako pero kinapalan ko na lang ang mukha ko..tutal Matt ito ang gusto mo di ba??? Gusto mo siya na mas makikila pa siya.
Nung nakilala ko ang mga anak niya... ang gaan ng mga loob ko sa kanila, masasayahing bata at mukhang maayos ang pagpapalaki ni Mhel sa mga ito. At yung kasama na si Naty, mukhang mabait din.
Bigla akong nagalala na puro babae lang sila sa bahay...
Kaya naisipan ko na isama na ang mga bata para mas makilala ko din sila.
Habang nasa byahe..mas natuwa ako sa kanila magiina.. kaya naisip ko na bakit naman iiwan ng asawa ni Mhel ang ganitong kasayang pamilya??? Kahit dumaan ang mga bata sa medyo hindi magandang sitwasyon dahil sa kanila ama, hindi mo makikita sa mga mata nila ito.
Sa buong araw na ito..sulit ang pag cancel ko ng mga nakaschedule kung trabaho, nag enjoy talaga ako..
Pero mas natuwa ako nung nakita ko sa mga mata ni Mhel na masaya siya sa kung anung mayroon sa kanya ngayon nung nasa balcony kami habang nagkakape kami.
Naramdaman ko na masaya siya.. at dahil dun masaya na rin ako..
Ayan ka na naman Matt... sira ka ba??? May asawa na yun???...hiwalay naman na di ba? Iniwan nga e...Nag aaway sa isip ko ang mga bagay bagay...
Pero isa lang ang alam ko... gusto ko pa siyang makilala... si Mhel...
Mhel POV
Nakaalis na si Mathew pero parang nasa ulap pa rin ako...ang saya ng araw na ito..nakita ko sa mga anak ko na sobrang nag enjoy talaga sila.
Matagal tagal na rin kasi nung huling nakita ko ang mga bata na sobrang nag enjoy..siguro na miss nila Daddy nila kaya ganun na lang sila ka bait kay Mathew.
Pumunta ako sa kusina para ayusin ang mga dinala naming pagkain. Habang inaayos ko ang mga ito.. may nakita ko yung ballot ng ice cream kanina, na nakalagay pa sa plastic
Natawa tuloy ako kasi naalala ko yung hitsura ni Mathew nun ginagaya ang mga bata na nanghihingi ng approval na kumain ng ice cream.
Pagkatapos kung ayusin ang mga gamit.
Dumating na si Naty. At nagkwentuhan muna kami ng kaunti sa nangyari kanina.
At niloloko niya ako kay Mathew... sabi ni may gusto raw ako dito... pero ako sabi ko Hindi.. Boss ko yun eh...
Maya maya pumunta ako sa kwarto ng mga bata sinilip ko sila at mahimbing ang tulog. Pumunta na ako sa kwarto para maglinis at magpahinga.
Mga 10:00pm
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
RomanceAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...