Chapter Twenty

6 0 0
                                    



Matapos ang dalawang linggo... medyo naging maayos naman ang buong linggo niya. Nakabalik na rin ang mga bata sa bahay nila at si Naty.

Hanggang sa, may tumawag sa phone ni Mhel

Si Arnold gustong makipag usap sa kanya, pero pinagbigyan na rin niya since medyo humupa naman na ang emosiyon niya pagkatapos ng pagkikita nila ni Jean.

Tinext din niya na lunch time na lang sa malapit sa office niya. At pumayag naman si Arnold

Nagkita sila sa isa sa mga restaurants na malapit sa GDM, nandun na si Arnold nung dumating si Mhel.

"Mhel." tumayo si Arnold at pinaupo si Mhel

"Thanks." Seryosong sabi niya habang umuupo.

Bumalik na si Arnold sa upuan niya.

"Mhel, sorry sa last time na paguusap natin. Kaya kita pinuntahan nun ng umaga para kausapin ka tungkol sa balak namin na magfile ng annullment." Paliwanag ni Arnold ng mahinahon at halata naman na sincere ito

Samantalang si Mhel ay seryoso na nakatingin kay Arnold. Iniisip niya kung anong dahilan at minahal niya ito ng sobra sobra dati.

"Mhel, Alam mo naman na magkakaroon na kami ng anak ni Jean." Paliwanag ni Arnold

"At nakalimutan mo na may dalawa ka pang anak? Arnold?" madiin na sabi ni Mhel sa kanya

"I'm sorry.. Wala kasi akong trabaho, pumunta kasi kami sa New Jersey umuwi lang kami dito para ayusin ang mga documents at ang annulment." Hiyang hiya na sabi ni Arnold dahil alam niya ang responsibilidad niya bilang ama nila Andrei at Atasha.

"At ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na magfile? E ikaw nga ang nangiwan?" sabi ni Mhel.

"I'm so sorry... May kakilala daw kasi si Jean na makakatulong para ma-annull agad ang kasal natin." Pahina na ng pahina na sabi ni Arnold.

"And paano ang child support ng mga bata?" sabi ni Mhel na seryoso na nakikinig sa mga isasagt niya.

"Nag kausap na kami ni Jean tungkol dun. Next na usap natin kasama na niya ang abogado na tutulong sa atin, sabi niya wala na daw appearance ito." Sabi ni Arnold na halata naman na sincere siya.

"Mhel pwede ko ba makausap ang mga bata? Sa phone? Namimiss ko na kasi sila?" nangingilid na pakiusap ni Arnold kay Mhel.

Dinial ni Mhel ang phone at nung nasa linya na ang mga bata, binigay ni Mhel ang phone sa ama

Andrei: Hello Daddy?

Arnold: Hello kuya na miss ko na kuya ko ah! Kumusta na?

Andrei: Okay naman po ako, Atsaka ginagawa ko yung promise ko saiyo na aalagaan ko si Atasha. Daddy kailan ka uuwi?

Arnold: (Halos maiyak na) Hindi pa ako makakauwi kuya, kaya ipagpatuloy moa ng pagaalaga sa baby girl natin at kay Mommy ah?

'Andrei: Yes Daddy, si Atasha naman Daddy

Atasha: Hello Daddy! I miss you! Uwi ka na Daddy? Miss ka na namin e...

Arnold: (Nagumpisa ng umiyak si Arnold at pati si Mhel na nakikinig lang) Baby hindi pa makakauwi si Daddy e. Hayaan mo minsan pag pwede na mamasyal tayo ah?

Atasha: Yehey!

Arnold: I need to end this call na ha? Bye... I love you and si Kuya...

Atasha: I love you too Daddy... Bye...

Pagka baba ni Arnold ng phone nag umpisa nang umiyak si Arnold at Mhel, ngunit hindi maingay. Binigyan pa nga ni Mhel ng tissue si Arnold.

Nung nahimasmasan na.

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon