Chapter Eleven

8 0 0
                                    

Event proper around 6:00 pm

Final na pinag usapan nila na sa event na lang sila magkikita kasi may emergency meeting si Mathew at si Mhel naman ay galing ng bahay nila.

Mathew Calling to Mhel..

Mathew : Hello Mhel I'm on my way sa event, saan ka na?

Mhel: Papunta na rin ako Sir medyo matraffic lang po pero bago mag 7pm nandun nap o ako.

Mathew: Okay just text me.

Mga bandang 6:35 nasa Lobby na si Mathew ng Hotel ng pagdadausan ng event. Tumawag ulit sa Mathew at sabi ni Mhel na malapit na siya. Ayaw kasi ni Mathew na late dumarating sa event. Umupo muna siya sa lobby habang may kausap na tao sa cellphone.

Nakatalikod siya sa main door kaya hindi niya napansin na papalapit na si Mhel, wearing the yellow dress at red shoes na binili niya, naka lugay na pinakulot ng kaunti ang buhok, naka makeup na lalong nagpalutang ng ganda niya, Pagpasok niya ng main door napansin agad ni Mhel ang amo at lumapit siya dito, since may kausap ang Boss niya hinintay niya matapos at sakto naman na humarap na ang amo..Medyo napatigil si Mathew habang may kausap pa rin sa phone, tiningnan si Mhel mula paa hanggang ulo, nakalimutan niya na may kausap pala siya. Samantalang nahihiya naman si Mhel na nakatingin sa kanya.

"I call you back after the event, bye.." At binaba na ang phone na nakatingin pa rin kay Mhel.

"Good Evening Sir, late na po ba ako?" Tanung ni Mhel,

"Nope, You're just in time, Let's go?" inarko ni Mathew ang braso niya. At inilagay naman ni Mhel ang braso niya.

Pumasok na sila sa event medyo marami na rin ang tao, At sinalubong si Mathew ng organizer ng event, pinakilala siya na "My date for the night... Melody Fernandez.." Hindi pinakilala as his secretary.

Kaunting kwentuhan at nung kainan na sa isang round table, may mga waitier na nag serve ng food.

After ng dinner nagkaroon ng mga singers sa stage at kumanta ng jazz songs, nagpaalam si Mathew sandali kasi may kakausapin siyang tao, si Mhel naman pumunta muna sa may balcony para magpahangin,

"Miss can I have you something to drink?" Isang pamilyar na boses ang narining ni Mhel na lumapit sa kanya may dalang dalawang drinks, isang hard at isang lady's drink.

"Thank you..." Sabay kinuha ni Mhel ang dalang lady's drink ni James.

"Nandito ka rin pala sa event na ito?"na ikinatuwa ni Mhel, dahil sa wakas may kakilala siyang makakausap.

"Yup... " sab ni James na nakangiti sa kanya.

"Kasama ko si Sir Mathew, kasama sa duties ni Abby.. you know being a proxy secretary" Habang nagpapaliwanag si Mhel.

" Bakit ikaw okay lang na ikaw pumunta sa event, Bakit si Sir Mathew kailangan may kasama?" Curious na tanung ni Mhel.

"Hahahaha..." Tawa lang ni James.

"There you are Honey...Would you like me to introduce to your friend?" Biglang lumapit ang isang napaka gandang babae sa kanya, mukhang modelo. Biglang pumulupot kay James at halatang naiirita si James sa ginagawa ng babae.

Inilapit ni Mhel ang kamay sa babae

"Hi, I'm Melody Fernandez" Pagpapakilala ni Mhel sa babae

Inilapit naman ni Rica ang kamay na medyo nang iinis pa.

"Rica Jones... James's girlfriend.." Pagpapakilala ng babae.

"Rica will you stop saying that... you're not my girlfriend..." Inis na pagsasaway ni James kay Rica.

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon