Chapter Eight

10 0 0
                                    

Mhel POV

This is it.... Unang araw na wala na si Abby...kinakabahan ako nasa table niya ako.. maaga akong pumasok para maayos yung mga files na kailangan pirmahan.. inayos ko yung table niya.. ang sabi ni Abby wag gagalawin ang mga gamit sa table kasi alam niya kung may gumalaw nito. Tsaka mas matatandaan ng amo kung saan nilagay..Nag init na ko ng brewed coffee  sa pantry , tiningnan ko yung orasan ko. 7:46am, sabi rin ni Abby madalas mas maaga pa sa 8:00 am dumadating na si Boss..

Bumalik ako sa table ni Abby at ginawa ko muna yung report ko.

Maya maya may tumawag sa phone..."Thank you for calling GDM, This is Melody Fernandez, How can I Help you?" Sabi ko na medyo kinakabahan ako...

Hindi sumagot ang nasa kabilang line, "Hello??" Sagot ko naman."Mhel this is Matthew... Can you please call Dr. Artadez to go to my house...And also tell him that is urgent.. Thanks.." At binababa na ang phone.

Medyo nataranta ako... teka hinanap ko muna ang phone book ni Abby.. hinanap ko yung Dr. Artadez at tinawagan ko. Sinabi ko na pinapupunta siya sa bahay ni Boss Matt at urgent. Okay punta daw siya sakto at maaga pa makakadaan pa siya. Teka anu ba number ni Boss sa bahay? Teka ???... Mhel.. wag kang mag panic...Hinanap ko ulit sa phone book pero wala dun.

Narining ko may tumatawag sa phone ko number lang.. sinagot ko.

"Hello??? " halatang busy ako.

"Is this Mhel? Matt again..(inuubo) Can you also go here to give the documents that I need to sign?"I will instruct our driver to fetch you at the office" (ubo ubo ubo)..

"Okay Sir...Right away Sir.." Sabi ko

Anu ba naman yan.. bakit ngayon pa. unang araw ko na proxy secretary tapos ganito pa nangyari. Inayos ko na yung mga papeles at after 40 mins ata dumating na yung sundo ko.

Naka sakay na ako sa sasakyan ni Boss Matt, Ang nagsundo sa akin ay medyo may edad na mga 45-50 na ata siya na lalaki pero naka poloshirt na damit at slacks na pantalon.

Medyo tahimik siya at seryoso kaya hindi ko siya matanung, halatang nagmamadali magmaneho. Kaya pinakiramdaman ko muna, hindi ko namalayan pumapasok na kami sa isang subdivision sa Paranaque.

Ang lalaki ng bahay dito nakakamangha... para mga palasyo... medyo malayo na kami mula sa gate pero parang malayo pa rin ang pupuntahan naming.. mukhang walang tricycle palabas at puro sasakyan lang na pribado mayroon, at walang pipitsugin ah...

Tumigil ang driver sa isang malaking gate na luma.. pero nung binuksan  nung guard mas lalo akong namangha sa laki... malawak ang bakuran bago mag bahay.

Tumigil kami sa main door at Nagpasalamat ako sa Driver. Pag baba ko may babaeng medyo may edad na rin na nakangiting lumapit sa akin.

"Ikaw ba si Mhel? Ako si Auring kasambahay ni Matthew at siya naman (Tinuro si Manong Driver) Si Felipe ang Driver ni Matthew at asawa ko."  Pagpapakilala niya. Binalikan ko si Mang Felipe at nginitian ko at tumango lang siya.

"Tara na Iha.. kanina ka pa hinihintay ng amo mo...nandito na rin si Lance, (Dr. Artadez) nag uusap na sila sa kwarto.

Malaki ang bahay as in sobrang laki.. ilang living room na ba dinaanan naming... Isa sa may Main Door, Tapos sa may malapit sa pool at sa 2nd Floor na kami.

"Siya lang po ba magisa dito "Hindi ako makatiis na magtanung.

"Oo.. kasi nasa ibang bansa na ang mga kapatid niya, Tapos yung magulang niya mag kanya kanya ng pamilya.." Sabi ni Manang.

Nung nasa  pinto na kami. Kumatok na si Manang, at pumasok na kami. Nakita ko Boss nasa kama pero nakaupo naman at kinakausap ng Doctor, binibigyan ng mga iinuming gamot, at tiningnan ako.

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon