A day before the event...
Habang nasa bahay pa si Mhel, tiningnan niya ang closet niya kasi naisip niya na bukas na yung event "COCKTAIL PARTY" 7:00 pm nakalagay sa Invitation at ang usapan nila ni Mathew sa office na lang sila magkita or somewhere na malapit sa lugar ng event. May mga ilang damit na cocktail dress naman siya na maganda, pero naisip niya mukha naman kahiya hiya si Boss niya. Dapat presentable siya kasi malamang pinaghandaan ni Mathew ang damit niya dito kasi according to him mga kilalang tao ang mga nandito, may mga ambassadors ng iba't ibang bansa, at mga kilalang tao ng bansa.
Naisipan niya na bumili na lang, kaya dinala niya ang ATM niya pag pasok sa office.
Naging maayos naman ang buong araw nila Mhel at Mathew kasi hindi na masyadong nagpa meeting si Mathew at kaunti rin lang ang pinagawa sa kanya. Sinubukan niyang mag check sa online ng mga damit. At nagtanung din siya kay Rica ng mga pwedeng mabilhan ng magandang kalidad na mga dress.
Tiningnan ni Mhel ang orasan.. 5:00 pm
Kaya pala isa-isa ng nag aalisan ang mga kasama niya sa opisina. Kaya nag ayos na rin siya ng gamit.
"Mhel buti na lang at nag-aayos ka ng gamit mo, samahan mo ako bumili ng damit for tomorrow event?" Tanung ni Mathew na nasa pinto na ng office niya na dala na ang gamit niya.
"Po? Sir?" na ikinagulat ni Mhel.
"I said, samahan mo ako na bumili ng damit?" Inulit na sabi ni Mathew.
"Okay po.." na gulat pa rin si Mhel pero inaayos na niya ang gamit niya.
"Mauna ako sa labas kasi para makuha ko na yung kotse ko." Sabin i Mathew.
Mhel POV
Ha????? Nagulat ako dun ah? Kasama pa ba sa Job Description ko iyun? Inusisa ko ang sarili ko mga naalala ko na sinabi ni Abby, Pero wala talaga ako ng maalala. Sabagay okay lang naman siguro yun kasi baka nga wala talaga siyang makakasama..sabagay ako rin naman bibili para malaman ko yung taste niya sa damit at mabagayan nang bibihin ko.Relaks kalang Mhel..natetense ka naman e..
Nasa mall na sila sa may Makati. Nauuna maglakad si Mathew tapos nakasunod si Mhel. Tapos pumunta sila sa loob ng department store.
Nag umpisa nang pumili si Mathew ng damit, samantalang si Mhel nakasunod sa kanya. Pumili ng iba't - ibang klase ng polo si Mathew at necktie.
" Mhel wait lang sukatin ko lang." Sabi ni Mathew at pumunta sa dressing room
"Okay po" at siya naman umupo sa upuan na malapit sa dressing room
Naka ilang beses din na lumabas ng dressing room si Mathew para itanung kay Mhel kung bagay yung necktie sa polo. May mga binigay na suggestions si Mhel na pwedeng i-partner mga 2 klase at pinili ni Mathew yung isang klase na sinang ayunan naman niya na mas okay nga.
"Miss siya rin pakihanap ng dress na pwedeng ipares sa color ng damit ko.?" Seryosong sabi ni Mathew sa sales lady.
"Ahh Sir???" Napatingin si Mhel kay Mathew..
Naging mabilis na ang sumunod na nangyari tumingin sa kanya si Mathew ng medyo seryoso at ngumite at nag umpisang maghanap ng dress kasama ang sales lady. May ilang dress na napili si Mathew at ang sales lady samantalang si Mhel medyo tulala pa sa pwesto niya. Tapos dahan dahang naglakad papunta sa pwesto nila Mathew at nung saleslady kasi tinawag na siya.
Hindi alam ni Mhel kung anu ang magiging reaksiyon niya nung mga panahon na iyun basta sunod na nalang siya ng sunod kay Mathew.
Tapos nung may mga damit na siyang napili sa mga damit na napag pilian nila Mathew pumunta siya sa dressing room para magsukat, si Mathew naman nasa labas para maghanap pa ng iba.
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
RomanceAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...