● CHAPTER ONE ●

2.9K 22 0
                                    

° DALAWANG MAG MAGKAPATID °

JEONGHAN

Kanina ko pa hinihintay yung kapatid ko, umalis sya kasama ang eomma namin na tutungo daw sila sa isang supermarket sa mall anong oras ay wala parin sila at ako'y nag aabang lang na patingin tingin dito sa pinto at hinihintay na lang bumukas at may pumasok sa loob.

Kakalipat lang namin nang bahay nung isang linggo, wala pa kaming nakatabi na mga pagkain kaya umalis sila para bumili kaya hihintay ko yung kapatid ko dahil nagugutom na ako at gusto ko sya magluto, kakalipat lang namin asahan nyo na wala pang pagkain sa maliit namin kusina kundi mga tubig lang sa refrigerator kaya naiinis ako nang konti kasi ang tagal nila at yun na din pala ang dahilan nila para umalis bumili din ng mga kailangan sa bahay.

Pagod pala ako kasi inaayos ko din yung mga gamit namin sa dati naming bahay kaya eto ako ngayon nakaupo nag papahinga lang muna, ang dami dami pa namin aayusin hindi ko din naman kaya ito na ako lang ang mag isa kaya yung iba hindi ko pa ginagawa

Mag iisang linggo na pala kami dito nung lumipat kami pero hanggang ngayon di pa kami natatapos sa mga ligpitin, pero di na naman ito kadami kagaya nung unang araw, litong lito pa kami kung saan pwesto o ilalagay yung mga bagay bagay at kung paano pa sya aayusin

" eomma, na saan ba si mingyu?" Ayan agad ang bungad ko ng tumayo kaagad ako sa maliit na sofa nung makita ko si eomma binuksan yung pinto habang sobrang daming bitbit at eto nga yung mga pinamili nila na agad agad kong kinuha para matulungan na din sya.

" diba nga kasama ko, salamat anak, nandoon sa labas may kinukuha at binababa pa yung ibang mga pinamili ko bakit mo ba hinahanap?" Sabi nya nang maibaba nya yung iba nyang bitbit at ako naman diretsyo sa kusina para ilagay doon yung ibang mga dala nya

"Wala naman akala ko kasi hindi kayo tinutulungan, ang dami kasi nang mga dala nyo" sabi ko at kinuha ko yung inilagay nya sa lapag at agad na inilagay ulit doon sa kusina at agad na bumungad sa aking ang kapatid ko na patungo dito na ang dami din palang mga bitbit.

Talagang ang dami nilang binili mukhang dito na nga ata kami talaga titira at hindi na babalik pa sa dati naming bahay, akala ko kasi baka mag kaasyos pa sila appa at eomma pero wala na ata at malabo na din talaga mangyari ang mga bagay na iyon.

Bakit kami lumipat may problema kasi yung mga magulang namin matagal na sila laging nag tatalo at laging madalas na mag away gabi gabi tungkol sa pera nung mga bata pa kami yan nalang lagi namin naririnig pati hanggang ngayon
at nung isang linggo nag disisyon na si eomma na bumukod hindi dahil sawa na sya sa bunganga nang appa namin dahil sa madalas nilang pag away sa pera kundi, dahil nahuli namin ito na may kinakasama palang ibang pamilya mas pinili nya pa yung babae nya kasya sa amin kaya umalis na kami doon at hindi na ata babalik sa lugar na iyon, maski ako ayoko na bumalik pa doon.

"Mukhang hinahanap mo ata ako hyung?, alam mo naman sinamahan ko si eomma na mamili nang grocery sa mall diba rinig ko sa labas" sabi nya habang inaayos na nya sa lamesa yung bitbit nya kanina at ako kumuha na nang tinapay at agad na kinain sa sobrang gutom ko.

Paano nya na rinig di naman ako sumigaw kanina minsan kakaiba itong kapatid ko.

"wala, nagugutom na kasi ako kaya kita hinahanap" sabi ko bigla naman tumungo si eomma dito at binuksan ang refrigerator at tila tumingin sa akin at naka tingin lang ako sa kanya

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now