° PANGALAWANG TAHANAN °
JOSHUA
Ginigising ko na nga sya pero di parin sya magising gising pinilit nya talagang matulog sa kama ko at tabi pa daw kami matulog kagabi, wala naman akong magawa kaya hinayaan ko na sya nag kwentuhan kami kung ano nang yari at bakit sila umalis at nasabi nya nga na nahuli daw nila yung appa nila na may kinakasamang iba kaya lumayas na sila doon sa dati nilang bahay tutal sa appa naman nila iyon at sya daw ang nag hanap ng bagong bahay na nilipatan nila, at sinigurado nya na malayo layo kung saan ang dati nilang bahay para na din sa eomma nila.
Matagal na noon o minsan nakakarinig na ako ng mga pagtatalo at away ng mga magulang ni jeonghan sa tuwing tumutuloy ako sa kanila at nag stay ng isang gabi, alam kong alam nila na alam ko iyon dahil naririnig ko din minsan na nag tataasan ng boses ang mga magulang nila pero hinahayaan na lang nila at hindi pinapansin at maski ako hinayahaan ko nalang.
Alam nyo sa tuwing naririg namin iyon na aawa ako kay jeonghan dahil kita ko kung paano sya matakot at pilit nya tinatakpan ang tenga ni mingyu ng unan para dimarinig yung mga pagtatalo ng magulang nya, si mingyu naman nakikita ko naiiyak nalang minsan sa gilid at nalulungkot kapag minsan nakikita nya na nag aaway ang mga magulang nya.
Naiintindihan ko sila kasi bata palang ako masasabi ko na magisa lang ako at talagang magisa ako dito, pero ang totoo broken family din kami, masasabi kong parang ganun kami dahil hindi na kami nagkikita nila mom saka ng dad ko, at hindi din naman sila madalas ng mag kita kahit nasa iisang bahay sila sabihin na natin nakasalubong pwede o kapag kinamusta ni dad si mom hanggang doon lang iyon.
hindi sila nag hiwalay dahil sa ibang karelasyon o ibang kinakasama nag decide lang silang mag hiwalay kasi puro sila trabaho, may mga iba't ibang inaasikaso ang mom ko at may ibang inaasikaso ang dad ko at ako may sariling buhay dito at wala naman inaasikaso, walang inintindi problema, pero kahit wala kaming time sa isat isa mahal na mahal naman namin ang isat isa at nag kakamustahan parin naman kami kahit papaano.
" oy jeonghan tanghali na!" sigaw ko pero walang epekto hindi naman sya ganito na tulog mantika at alam kong nagtutulog tulugan lang ito at gusto na naman ako netong pagtripan.
Konting galaw o kaluskos maiinis na sya kapag maingay, kaya nga kapag natutulog sya ayaw nya yung may magugulo kasi nga di sya makakatulog kaya hindi nya na ako maloloko kasi alam na alam ko na yan.
" nag usap tayo kagabi na lilibot mo ako sa bago ninyong bahay kaya bumangon kana dyan at maghilamos at pupunta na tayo sa inyo, akala ko ba jeonghan na ipag yayabang mo sakin iyon" sabi ko at tila binato ko na sya ng unan
Ang yabang nya kagabi habang nag kwentuhan kami gustong gusto nya talaga ipakita sa akin ang bagong bahay nila.
" maya maya na muna maaga aga pa " napakamot na lang ako sa ulo ko anong mamaya baka ang mamaya nya hapon na kami makaalis nyan at makapunta doon.
"Diba sasamahan pa kita sa inyo na kunin yung sasakyan mo doon sa bahay ng appa mo kasi wala kang magamit at ayaw kang pahiramin nang kapatid mo" sabi ko pero labas talaga sa tenga nya dahil wala naman sya sinabi na tanong ko pala kung paano sya naka punta dito na walang sasakyan.
Oo alam kong sumakay sya pero itong si jeonghan hindi ito sasakay ng bus o train na mag isa kailangan mo pa sya samahan at gusto gusto nitong laging mag pahatid at magpasundo kaya naka pagtataka.
YOU ARE READING
IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG )
FanfictionSEVENTEEN TAGALOG BOY LOVE STORY FANFICTION JOSHUA JEONGHAN DOKYEOM STORIES STATUS: [ ON GOING! ] ACTIVE UPDATING FINISHING~ DOUBLE CHECKING PARA SA CHAPTER~ WRITTEN BY: THELSTORIES PUBLISH: June 25 2024 ( firts publish ) END OF PUBLISH: ©ALL RIGH...