° PASASALAMAT °
DOKYEOM
"HYUNG!!" mahina pero pasigaw kong sabi nandito parin ako sa ospital at ito na yung pangatlong araw ko gusto ko na umuwi pero, maghihintay pa ako ng dalawang araw para makaalis dito kasi hindi pa talaga ako pwedeng lumabas ng ospital at si hyung jeonghan parin ang nag babantay sa akin saka hindi parin ayos yung pakiramdam ko kahit sa tingin ko ay parang ayos na talaga ako makikinig na lang talaga ako sa sinabi ng doktor
Tutuusin ang kulit ko talaga tanong ako ng tanong sa doktor sa tuwing titignan nya ako kahit alam ko naman na sinabi nya na, sila ang magsasabi kung pwede na akong umalis at makalabas nang ospital naiinis na nga sakin si hyung jeonghan dahil paulit ulit daw ako at nasabi nya na manahimik na ako dahil di lang daw nag sasalita ang doktor pero tingin nya naiinis na din sakin kaya simula ngayon kapag dumating ang doktor na tumitingin sakin di na ako magtatanong
"Ohh?" Bigla syang napa bangon ang totoo ayaw ko syang gisingin naka yuko pala sya sa lamesa at nakatulog doon gusto ko sana syang yayain na tumabi sakin para maging maayos ang tulog nya pero ayaw nya at dyan nalang daw sya sa lamesa maiiglip at sa upuan natutulog o minsan sa lapag nahihiga kapag masakit na daw ang kilod nya
Natutuwa ako kasi sya na talaga ang nagbabantay sa akin at talagang sinasamahan nya ako magdamag dito sa ospital medyo nahihiya na din ako
"Kasi naiihi na ako" tila napakamot sya ng ulo
" iihi ka na naman?, sus" sobra na yung pagaasikaso nya sakin kaya sobrang saya ko talaga kasi hindi ko talaga maiisip na magagawa nya sakin ito kaya ang sarap sarap sa pakiramdam na may hyung na nag babantay sa akin
"Dali tumayo kana dyan" sabi nya at sya yung unang tumayo at ako naman ay agad na bumangon sa higaan ng dahan dahan dahil nahihilo parin ako lumapit sya sa akin at agad agad nya akong inalalayan, labis talaga ako nag papasalamat sa lahat ng ginagawa nya sa akin sa tutuusin naiinis na din sya at paulit ulit na daw din akong nag pasalamat nakakasawa na at naiirita na daw yung tenga nya sakin para daw akong sira
" dahan dahan lang yung paghakbang baka madapa kapa kasalanan ko pa, at baka tumagal kapa dito kaya mag ingat ka dahil baka di na ako makauwi pasalamat ka talaga ako nag babantay saiyo" kaya naman dahan dahan lang talaga ako hanggang nasa pinto na kami at sabay kaming nagulat sa biglang pumasok
"Kyeom may dala ako para saiyo!!" sigaw nya kaya napabitaw si hyung sakin at na wala ako ng balanse kaya bigla akong natumba at nakita kong hinampas ni hyung si mingyu gamit ang kamay nya at tumama sa pinge kaya napahawak si mingyu doon at ako napahawak sa balakang at pwetan ko dahil napaupo akong na baksak sa sahig
"Bwiset ka!!" Si hyung nang mahampas nya si mingyu ng hindi sinasadya dahil sa gulat
"Aww~" mahinang inda ko at napa hawak ako sa upuan at tila pilit akong tumatayo
"Ang sakit nun hyung , pero pasensya na talaga hyung, dokyeom itatayo na kita pasensya na nako po~" agad naman akong inalalayan ni mingyu at inupo kaagad sa upuan
"Akala mo ba nasa bahay ka lang?, buti nga saiyo na sampal pa kita papasok pasok ka nalang kasi, di ka kasi man lang kumakatok buti nga saiyo yan" si hyung na sinermonan si mingyu
" diko naman kasi alam" napakamot sya ng ulo habang ang isa nyang kamay ay nasa pingi nya ng maiupo nya na ako
Tila ang daming sinasabi ni hyung kay mingyu na kung paano kung may ibang tao nandito yung nurse o doktor paano daw kung meron taong may sakit sa puso edi namatay na daw at kung ano ano pa
YOU ARE READING
IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG )
FanfictionSEVENTEEN TAGALOG BOY LOVE STORY FANFICTION JOSHUA JEONGHAN DOKYEOM STORIES STATUS: [ ON GOING! ] ACTIVE UPDATING FINISHING~ DOUBLE CHECKING PARA SA CHAPTER~ WRITTEN BY: THELSTORIES PUBLISH: June 25 2024 ( firts publish ) END OF PUBLISH: ©ALL RIGH...