● CHAPTER THREE ●

403 4 0
                                    

° UNANG KABABATANG KAIBIGAN °

DOKYEOM

Tila napaunat ako nang katawan nang maringin ako ng ingay kaya doon din ako nagising, agad akong bumangon at agad na muli nag unat sabay hawak sa aking likod at humikab sabay kamot pa sa aking ulo.

"A~~ray" itatayo ko na sana yung aking mga paa nang magsimula na itong mamanhid dahil ata sa ngalay.

Hindi lagi komportable ang tulog ko dahil wala naman akong maayos na higaan nakahiga lang ako sa sahig at naka sapin lang nang karton na may konting tela para di ako pasukan nang lamig at syempre ayoko naman mang yari iyon dahil alam ko kung gaano kahirap magkasakit.

Habang pinapawala ko yung pamamanhid nang aking paa, habang naka upo sa sahig kung saan ako nahihiga napatingin ako sa paligid isang tingin lang makikita mo na agad ang maliit na sala maliit na kusina at maliit na walang tubig na banyo gusto ko sana magkaroon nang isang kwarto hindi yung isang buong bahay na kasing laki lang nang isang kwarto.

Ano ba namang buhay eto natatawa nalang ako at iniisip ko nalang na ang mahalaga ay buhay pa ako at syempre nakakasama ko pa ang lola ko naalala ko dadalawin ko pa pala sya mamaya nang maramdaman ko na parang kaya ko nang igalaw ang mga paa ko ay tuluyan na akong tumayo at nag tungo agad sa maliit na lamesa at bumungad sa akin yung nasira kong celpon.

" bigay na nga lang nasira ko pa ano na gagamitin ko ikaw talaga dokyeom magagalit na naman saiyo si mingyu" sabi ko sa sarili ko at tinawanan nalang yun agad kong kinuha yung tiwalya na naka sabit sa upuan at agad na akong lumabas para kumuha nang tubig at makapag hilamos

"maganda umaga sa inyo" bati ko sa lahat nang mga nakakasalubong kong dumadaan na kakilala ko at kahit di ko kilala binati ko na din at binabati din nila naman ako pabalik kaya ang saya at napapangiti ako.

Agad na akong nag tungo kung saan ako nag iigib nang tubig swerte dahil walang gaanong nag iigib nang tubig ngayon pero sa bagay maagang maaga pa

" kyeom ikaw na muna ang mauna alam kong nagmamadali ka na naman" napatingin ako sa likod ko

"ikaw na po wala naman akong trabaho ngayon dadalawin ko lang si lola mamaya sa ospital" sabi ko at pinadaan ko na sya

"ganun ba o sige ako na muna" sabi nya at napa tingin ako sa langit dahil kita ko na sisikat na talaga ang araw

" dokyeom sabi na nga ba nandito ka hinahanap ka nung may ari nang tinutuluyan mo, buti nahanap kita ang ingay nya kasi doon ang aga pa at marami pang natutulog na tao baka may magalit na naman saiyo" sabi nang katapat kong bahay kaya iniwan ko muna yung dalawang timbang pagiigiban ko at tumakbo papunta doon.

"saan na yang binata na yan isang linggo na syang huli sa pagbayad at sabi nya mag babayad sya!" Rinig ko palang sa di kalayuan

" mag patulog naman kayo"

"Ang iingay naman nagising tuloy yung mga anak ko, ano bang kaguluhan yan"

"Huminahon muna kayo darating din yun, huwag kayo mag sisigaw dyan"

Rinig ko habang papalapit ako doon

"Ayan kana pala, saan kaba galing" nang makita ako agad syang sumugod sa akin at hinagis sakin yung papel kung saan nakalista ang mga bayaran at babayaran ko

"hindi ba sinabi mo sakin na martes ka magbabayad at pinagbigyan kita ano na iho!, linggo na ngayon saan na ang yung pangbayad mo?" Agad ko yung kinuha at tinignan ang bayarin masyadong malaki na kasi mag iisang buwan ko na ito hindi nababayaran at nadagdagan pa kapag hindi ako nakakabayad kahit konti

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now