° MGA NADARAMA SAIYO °
MINGHAO
Tapos na yung oras ni mingyu tutuusin di na talaga ako nag oras hinayaan ko na lang pero tingin ko matagal tagal na rin iyon kaya nag tungo na kaagad ako kung saan ang kwarto ni dokyeom at naabutan ko nga sila doon at napa tingin ako sa mga na nakalat sa kama ni dokyeom, kaya pala sya nag punta dito para ibigay ang mga tsokolate
Totoo ayoko talaga kay mingyu sa simula na nakita ko sya at nakilala ay grabe na ang inis ko sa kanya, naiinis ako sa tuwing nakikita ko sya o marinig nga lang ang boses nya ikinaiinis ko lalo na kapag lagi nya pang tinawag ang pangalan ni dokyeom
Palagi ko pala syang nakikita sa school kasi mag ka same level lang kami nasa arts class lang ako at sya naman ay nasa culinary room
" minghao, tignan mo binigyan ako ni mingyu nang tsokolate ang dami, sabi nya umuwi daw yung kaibigan ng hyung nya sa ibang bansa, ano gusto mo ba?" bigla syang lumapit sa akin na may dalang ilang chocolate at tila ibibigay nya sa akin
Gusto pala nya nang mga yan bakit hindi sya nag sasabi sakin kaya ko pa na damihan ang mga chocolate na nasa kama nya kung gugustuhin lang nya
" Ayos lang dokyeom, bigay nya saiyo yan kaya saiyo lang yan" sabi ko pero ang totoo ayoko talaga kunin kasi galing kay mingyu ang mga yan kahit na sa kaibigan ng hyung nya
Nakatingin lang si mingyu sa akin na tila alam kong naiinis din sya sa akin si dokyeom naman na masaya kasi alam kong masaya talaga sya kapag kami tatlo ang magkakasama pero sakin at kay mingyu alam ko na parehas kami na hindi masaya na magkakasama kaming tatlo kahit noon pa
" sige, pero sigurado kaba?, ayaw mo talaga?" Nagtatanong pa sya
"Oo sigurado ako" sabi ko habang naka ngiti
" ah sige na kyeom uuwi na ako tutal parang pinapalabas na ako dito, nga pala wag kang mag-alala pupunta ulit ako dito kapag wala akong pasok at sana lang papasukin ako" sabi nya kay dokyeom at tila lalagpasan nya na ako ng agad ko syang pinigilan
" sandali lang mingyu, mag uusap pa tayo" sabi ko kaya napalingon sya sa akin
" hao, nandito ka lang pala kung saan saan ako nag hahanap saiyo" biglang dumating si jun na agad na lumapit sa akin
" mag uusap lang kami ni mingyu" sabi ko kay jun at wala naman syang sinabi tumango lang sya
" tara doon na muna tayo" naka sunod lang sila sa amin nag tungo kami dito sa isang kwarto sa bahay na hindi ko pinapasok si jun at si dokyeom gusto ko kasi na kaming dalawa lang ang mag usap, ito ang unang beses na pumayag syang makipag usap sa akin na kami lang ang dalawa kahit naman ako ayoko na kausapin sya kapag hindi tungkol ang usapan kay dokyeom at akala ko di sya susunod sa akin
Naka upo na kami dito at sya ay hindi nakatingin sa akin at hinihintay ata na mag salita ako kaya hindi ko na naman patatagalin pa ito
" kaya gusto kita makausap kasi may sinabi sakin si dokyeom, nung isang araw" sabi ko at bigla naman syang nag salita kaya hindi ko na tapos ang sasabihin ko
YOU ARE READING
IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG )
FanfictionSEVENTEEN TAGALOG BOY LOVE STORY FANFICTION JOSHUA JEONGHAN DOKYEOM STORIES STATUS: [ ON GOING! ] ACTIVE UPDATING FINISHING~ DOUBLE CHECKING PARA SA CHAPTER~ WRITTEN BY: THELSTORIES PUBLISH: June 25 2024 ( firts publish ) END OF PUBLISH: ©ALL RIGH...