● CHAPTER TEN ●

95 2 1
                                    

° ANG LASING NA LALAKI °

DOKYEOM

Maaga ako na gising pero di naman sapat yung tulog ko kasi anong oras na din naman akong nakaiglip kakaisip ng kung ano ano kaya di ako nakatulog ng maayos ang sakit panga ng ulo ko at ng mga mata ko

Narito pala ako sa banyo nagsisipilyo nang may narinig akong ingay sa labas na tila kay aga aga may nag uusap kaya kahit nag sisipilyo ako agad agad ako lumabas para tignan kung sino at kung ano iyon

Nga pala malapit lang yung kwarto ko kung nasaan malapit yung hardin ni minghao na inaalagaan ko at kung saan naman tapat nito yung tinatawag nilang guess room mga kwarto daw iyon ng mga bisita na pupunta sa kanila

" oo naman eomma pasensya na hindi ko napigilan napadami yung inom ko nag kayayaan lang kasi kagahapon, papasok parin ako mamaya hihiram nalang ako kay minghao nang uniform wag kana mag alala ayos ako medyo masakit lang konti ang ulo ko, si appa nag alala din ba?, sabihin mo ayos lang ako nandito ako kila minghao" tila bumungad sa akin ang lalaki na tila may kausap sa celpon ng makalabas ako sa kwarto pinag masdan ko lang syang may kausap sa celpon.

" sige eomma ibaba ko na ito kita na lang tayo mamaya, pasensya na talaga" kita kong pinatay nya na yung tawag at tila humarap na sya dito at papasok na dapat sya sa loob nang bigla syang napahinto at tila pa tingin tingin sa akin na sinisingkitan ako

" sino ka? " Tanong nya at tila lumapit sya sa kinaroroonan ko at ako naman unting unting umatras habang naka hawak pa ako sa sipilyo

" bakit ka nandito?, trabahador kaba?" Tila ngayon nasa harapan ko na sya na takot ako at bigla kong nalunok yung bula sa bibig ko dahil seryoso syang nakatingin sakin di ko alam ang gagawin ko at tila di ako makagalaw sa pwesto ko

" alam ko hindi nag papasok si minghao ng mga trabahador dito, saka ngayon lang kita nakita dito bagong driver kaba nila? O baka naman driver ka ni jun?" sabi nya at tila ako naman napatingin ng isuot nya yung kanyang salamin at nakita ko ang kabuuan ng mukha nya.

Teka artista ba sya? ganito pala sya ka gwapo diko akalain na may gantong gwapong hihiga sa hita ko kagahapon bigla akong nahiya

" ah.. eh ano kasi, oo nag tratrabaho ako dito, tama ka doon, pero di ako driver, kasi di naman ako sanay mag maneho ng sasakyan" sabi ko tila nakatingin parin sya sa akin tila nahihiya na ako

" ahh.. doon ang kwarto ko, doon ako pinatuloy ni minghao" sabi ko saka tinuro ko talaga yung kwarto kung saan ako pinatuloy para di na din sya maka tingin sa akin, saka lasang lasa ko parin sa bibig ko yung toothpaste na nilunok ko at gusto ko na mag mumog

"Totoo ba?" Tanong nya tumango na lang ako at umalis na kaagad sya at tila pag alis nya agad agad ako pumasok sa loob

Napahakaw ako sa dibdib ko sa kaba sayang naman yung gwapo nyang mukha kung lagi syang seryoso, punta agad ako sa banyo at agad nag mumog naghilamos at eto pinupusan nalang ang mukha gamit ang damit na hinubad ko di ko kasi alam kung saan yung tiwalyang bigay sa akin ng katulong

Hanggang sa ayos at handa na ako mag trabaho nakakain na din ako dahil pinadalhan ako ni minghao ng pagkain
At eto ako ngayon tamang dilig lang ng mga halaman at konting putol

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now