● CHAPTER SEVEN ●

165 3 1
                                    

° MGA KAKAIBANG KILOS MULA KAY HYUNG °

MINGYU

Etong pauwi na ako galing paaralan maghahapon na at biglang tumawag sakin si eomma kanina na gusto nya pumunta kila hyung joshua, buti ay di pa ako nakakaliko sa pupuntahan ko kundi ay sasabihin ko kay eomma na hindi ko sya maihahatid doon

Wala naman akong magawa pupunta sana ako kay kyeom para kunin yung numero ng sim na nilagay ko doon at naisipan ko na bukas ko nalang kunin saka marami pa naman araw para pumunta doon at dalawin sya.

Nandito na ako at tanaw ko si eomma sa di kalayuan na may kasamang lalaki at tila nag uusap sila sa harap nang malaking bahay malapit lapit lang sa tapat ng bahay namin

" eomma!" sabi ko nang hininto ko ang sasakyan at tumapat sa harapan nila at binuksan ang kabilang bintana para tuluyan nila akong makita sa loob

" tamang tama anak, halika dalian mo may ipapakilala ako saiyo lumabas ka muna dyan dali bilisan mo" kaya ako naman ay lumabas at lumapit kay eomma at kita ko na hinawakan nya ang balikat ng lalaki kaya napa tingin ako sa lalaki at nagtataka kung sino ito

" ay eto pala yung isa kong anak at kapatid ni jeonghan, anak magpakilala ka dali, naalala mo yung gabing may dala akong pagkain eomma nya ang nag bigay nun lahat, sayang kasi nakapunta na sya sa bahay kaso wala nga lang ikaw kaya di mo sya nakilala" si eomma na ang saya nang mata at ako naman ay di na sasayahan at wala sa mood para magkipagkilala.

" mingyu kim pala " sabi ko at itinaas lang yung kamay tipong parang sasagot lang sa guro " tara na eomma" dagdag ko pa aalis na sana ako pero

"cheol nga pala, scoups nalang o hyung tutal alam ko naman na matanda ako saiyo" sabi nya tumango na lang ako at pumasok na agad sa kotche

" nako pasensya kana cheol di kasi sya pala kaibigan, parang lang din yan si jeonghan pero mabait yan , sige na kamustahin mo ako sa eomma mo, alis na kami" rinig ko bago ko isinara yung bintana kasi habang sinasabi ni eomma ang mga salita na yan tumitingin tingin sya sa akin

" tara na baka kaganina pa din tayo hinihintay ng hyung mo doon nasasabik na din ako ano kaya mga uwi ni joshua " sumakay na sya at agad ko naman na pinaandar ang sasakyan at tila naka tayo parin ang lalaki at kumakaway kaway kay eomma

" Mag ingat kayo" sabi nito at tila nag oo naman si eomma

" ikaw talaga mingyu nakakahiya ka, di mo pa kilala yun tao, di ka dapat ganun kay cheol, alam mo ba pamilya nya may ari nang village na ito, saka sa kanya pala yung bahay na tinitirhan natin grabe ang bata na iyon, saka alam mo ba binigyan nya ako nang malaking awas para mahulugan lang yung bahay sa susunod na mag babayad ako baka bawiin yun dahil sa pinakita mo ikaw talaga!!" Nakatanggap ako ng pingot sa tenga kaya napa hawak ako doon grabe ang sakit kapag galing kay eomma

" sa susunod wag kanang ganon, hayts! napakabait pa naman talaga nang bata na iyon talagang nagulat ako sa ginawa mo wag kang bastos minsan narinig mo ba!!" napa hawak sya sa ulo nya

" alam ko eomma, pasensya na" sabi ko di na ako nagsalita kasi iniinda ko lang ang sakit na napala ko kasalanan ko din naman

"Pero grabe gaano ba sila kayaman?"

Naka tuon lang ako sa pagmamaneho at nakikinig lang ako kay eomma sa mga sinasabi nya para tuloy nag mumukha syang parang manunuyong tao o sipsip o magaling ba mang uto o nanguuto sa mga sinasabi nya.

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now