● CHAPTER SIXTEEN ●

96 1 1
                                    

° PAG BALIK SA NAKARAAN °
hindi at masaya na alala

DOKYEOM

" Lola may mga kaibigan na po ako " salubong ko sa kanya kapag narinig ko na kasi tumutunog ang gate na pabukas ay aabangan ko na si lola papasok sa pintuan

"Sino naman yung mga kaibigan mo?, ikaw talaga baka nag iimahinasyon ka na naman hahaha~" Tanong nito at kinuha ko naman yung supot na dala nya ng tumawa sya nag kwe-kwento kasi ako minsan sa lola ko ng mga bagay na kakaiba tulad ng may kalaro ako pero ang totoo wala naman dahil imahinasyon ko lang talaga

" Meron na talaga, yung bata na sinaulian natin ng laruan kaibigan ko na sya lola" sabi ko ng masaya dahil gusto gusto ko talaga sabihin kay lola yun ito ang unang beses na nag katotoo na ang iniimahinasyon ko

"ganun ba?, edi mainam masaya ako para saiyo apo, saka mabuti yan dahil may kaibigan ka na hindi kana mag isa kapag gusto mo mag laro, nga pala kyeom ilagay mo na sa pinggan yan at kumain kana, saiyo lahat yan" sabi nya at naupo sa upuan at ako ay kumuha kaagad ng pinggan at agad na inilagay at kumain na ako ng hindi nagsasalita

Turo ng lola ko na bawal kumain na may laman ang bibig tapos magsasalita masama daw iyon kaya tahimik lang akong kumain pero napaka dami kong gustong sabihin

" tapos na po ako" sabi ko at dali ako kumuha ng baso para uminom at inilagay ko na ang pinagkainan ko doon sa maliit namin lababo

" lola kapag lumaki na talaga ako, ako na mag trabaho para sainyo, tapos kayo naman ang dito sa bahay at pag uwi ko ako naman yung may mga dalang pagkain para sa inyo " sabi ko naka tulala lang sya habang nakatingin sakin kaganina, kaya para mawala ang pagiisip nya kinausap ko kaagad sya

" oo naman kapag malaki kana ikaw na ang mag tratrabaho at ako naman ang aalagaan mo" sabi nya na naka ngiti kaya napapangiti na din ako

" aalagaan ko kayo lagi, ako na din gagawa ng lahat para di na ikaw mahirapan" masaya akong naka tingin sa kanya

" o sya matulog na, ilatag mo na yung karton at lagyan mo ng sapin, at ako ay pagpapahinga na"  kaya agad agad ko naman inasikaso ang hihigaan namin dalawa at ng maayos ay nahiga na kami ng sabay

"Lola na miss ko si lolo sana nandito sya para kapag wala ka may kasama ako dito" tumingin sya sa akin habang pinapaypayan nya ako gamit ang piraso nang karton dahil mainit at malamok dahil walang ilaw sa loob

"Ako din na miss ko lagi ang lolo mo, saka wag kana mag-alala sa kanya kung na saan man sya ngayon hindi na sya nahihirapan pa saka magugutom, nasa mabuti na syang lagay at balang araw mapupunta na din ako doon at ikaw baka matagal pa, pero alam ko kung buhay pa ang lolo mo sasamahan ka lagi nun buong mag hapon" sabi nya hindi ko naman maintindihan yung mga sinasabi nya na mapupunta sya saan? 

" lola diba may kaibigan na ako, baka pwede na ako lumabas labas sa bahay at pumunta sa kaibigan ko, paano kapag niyaya nya ako pumunta sa kanila at maglaro doon pwede ba ako?" Tanong ko

"Papayagan kita pero doon ka lang pupunta, wag kang sasama sa hindi mo kilala at umuwi ka sa bahay kapag tapos na" bigla akong napangiti at napayakap sa kanya

"Yehey~, salamat ,gagawin ko po ang mga yan" sabi ko todo talaga ang ngiti ko dahil sa narinig ko at napa tawa ko pa si lola kaya lalo tuloy ako nagiging masaya at gusto ko na mag umaga

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now