● CHAPTER FOUR ●

260 4 1
                                    

°  AKING MATALIK NA KAIBIGAN °

DOKYEOM

Narito na kami sa loob ipinarada nya na ang sasakyan nya at ako naman bumaba na sa sasakyan, ang ganda maliit lang simple pero malaki parin talaga ang dating bahay nila saka ang ganda labas palang ito.

"Pasok wag kang mahiya, tuloy tuloy teka saan kaya si hyung?, eomma nandyan kaba?, saan kayo?" napalingon ako sa paligid tama nga dinala nga nila lahat nang mga gamit nila talagang hindi na ata sila babalik pa doon at dito na talaga sila titira napaisip ako kung anong dala nilang sasakyan at nadala nila ito dito lahat

Bigla akong nagtungo sa kusina at may nakita akong bukas at nakatakip lang na noodles, napalunok ako bigla at tila nagutom ako.

"Nasa kwarto ata si hyung tulog ata sya, sasabihin ko pa naman na kasama kita ngayon, si eomma di ko alam,teka gusto mo kumain tayo magluluto ako" sabi nya kaya tumango nalang ako dahil gutom at gustong gusto ko na talaga kumain.

" alam mo nung umalis kami nag text na talaga kagaad ako saiyo nasira pala ang celpon mo bigay ko pa naman yun saiyo" sabi nya habang nakatingin sa ref nila ako naman patingin tingin lang sa paligid sinusuri ang mga bago sa akin paningin

"Ano bang gusto mong iluto ko?, kahit ano kayang kaya ko yan" sabi nya ako naman kahit ano naman okay sakin basta pagkain saka lahat naman ng niluto nya masarap

"Ikaw na bahala kayang kaya mo naman yan" sabi ko na nakangiti at biglang napa upo na lang ako sa upuan

"Sige ako na nga" sabi nya at nag labas nang karne mukhang mag priprito sya nang bagoy

"Pwedeng akin nalang itong noodles?" Sabi ko at sinisimulan na nyang magluto mapatingin sya sa akin at ako naman kanina ko pa talaga tinitignan yon.

" itapon mo na yan kanina pa ata yan kumuha ka nalang doon kung gusto mo" sabi nya na hindi na nakalingon sa akin at may tinuro

" wag na sayang ito" sabi ko at hindi nya na ako napigilan dahil kinain ko na turo ng lola ko wag mag sayang ng pagkain dahil lahat ng mga pwedeng kainin ay pinaghihirapan

hanggang nagulat ako nandyan na si hyung jeonghan at tila hindi ko alam kung saan sya lumabas bigla nalang syang sumulpot dito

" hyung kakain kaba?, ikuha kita nang pinggan" hanggang kinuha ko sya nang pinggan at kutsara at ng tinidor

Kumakain lang ako matapos nang pagbibiro ni hyung sa akin, alam ko naman na biro nya lang iyon kaya tinatawanan ko nalang, hanggang sa  dumating nga si tita simula kasi na lagi akong nasa kanila noong bata ako tita na ang tawag ko sa eomma ni mingyu halos araw araw ba naman ako nasa kanila at sya na din naman na nag sabi na ganon ang itawag ko sa kanya.

nakaakyat na si hyung jeonghan kaya kami nalang ang natira ni mingyu dito nagliligpit sya kasi tapos na kami kumain at ako nga ang naghugas ng mga ginamit at pinagkainan namin nakakahiya naman at lagi naman ako nahihiya sa kanila sa mga bagay na binibigay nila sakin sa mga tulong at syempre alam ko naman na binibigyan nila ako nang pagmamahal at nakikita ko iyon kay tita dahil naiintindihan nya daw kasi ako na lumaking walang mga  magulang, si mingyu laging nandyan sakin pero minsan nakakainis.

"pasensyahan mo na si hyung" nagulat ako bigla na lang nagsalita sya agad ng ganyan habang ibinigay sakin yung isa baso kaya agad ko naman iyon kinuha at sinabon

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now