° ANG PAGBABALIK °
JOSHUA
Nagising ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iyon lang palang katulong ni eomma para dalhan ako dito sa kwarto lagi nang pagkain tuwing umaga
" good morning sir " bati nya sa akin tinignan ko yung celpon ko tila parang naninibago ako dahil wala akong natatanggap na chat at pangangasar mula kay jeonghan baka sya na ngayon ang abala pero ayos lang naman para naman mapayapa kahit papano ang buong isang araw ko.
Bakit tuwing nag babakasyon ako dito sa america ay namimiss ko din sya sa mantalang kapag nadoon ako naiinis ako sa kanya, dahil panay ang kulit nya sa akin sigurado ako ngayon tulog na iyon alam ko na maaga kung antukin iyon at lagi syang inaantok.
"Gising na kaya si mom?" Tanong ko sa katulong dahil gusto ko kasi na ako ang unang babati sa kanya tuwing umaga kapag nan dito ako sa kanya, nangako ako sa sarili ko na itotodo ko yung bonding namin dalawa, pero kahit pala talaga nandito na ako busy parin talaga sya at maraming ginagawa inaasikaso at ibat iba ang kinakausap sa telepono
Malayong malayo talaga kami ng mga magulang ko simula bata pa ako, lagi sila umaalis at iniiwan nila akong mag isa kasama yung mga katulong namin at yung mga taong nag-aalaga sakin noon sa malaking bahay ay tila ganun sila kakampanti at magtiwala sa mga kasambahay tingin ko nga noon parang mas mukhang importante pa sa kanila ang mga trabaho nila kasya sa akin
Pero kahit noon pa man di ko na kailangan pa maging malungkot na para bang isang tuta na nangungulila at kailangan na lagi nandyan ang magulang para maalagaan, pinalaki nila ako wala sila sa tabi ko kaya sanay ako kahit na ako lang mag-isa kahit di kailangan nang kung sino pa.
Naging matured bigla ang pagiisip ko at unti unti ko nauunawaan ang buhay at realidad nung naging walong taong gulang ako yung parang na manage ko na ang lahat kasi pati yung mga tao o katulong namin noon napapasunod ko at sumusunod sila sa lahat ng ipautos ko.
Pero ngayon ako nalang mag isa ayoko na yung may kasama simula nang nag highschool ako at labing dalawang taon gulang ako nun, nag decide ako na sabihin kay eomma na hindi ko na ata kailangan nang kung sino kasambahay o katulong sa bahay at saka pumayag naman kaagad sya kasi alam nila na kaya ko at may tiwala sila sakin at sa mga disisyon ko sa buhay.
pero aaminin ko noon man o ngayon minsan naiiyak ako nakakalungkot din yung mag-isa kaya pasasalamat ako nung nakikila ko si jeonghan na hindi madalas hindi din mayat mayat kundi araw araw lagi na sa bahay minsan masaya pero hindi madalas kundi araw araw laging nakakabanas.
Matatawa nalang ako hindi ko naman masisi yung sarili ko dahil ako na din naman yung mismo yung nakipag kaibigan sa kanya kaya wala akong karapatan para mainis dapat masaya ako kasi may nakilala akong tulad nya na laging nandyan para sirain ang isang buong araw ko.
" hindi ko po alam sir, pero nalalaman lang po namin kapag gising na sya kung naka bukas nang kaunti ang pintuan ng kwarto nya, hindi naman po kasi namin sya medyo, nakakausap sa tuwing may ipapautos lang sya, lagi po syang alaba sir" sabi nito nang mailagay nya na sa table ang breakfast ko
" salamat ako na bahala dito" sabi ko at agad na syang umalis sa kwarto ko kita ko pa na dahan dahan nyang sinara ang pinto at agad ko na kinuha ang tasa doon sa lamesa at tinignan ang almusal
Tila pati mga katulong nya dito sa bahay ay hindi na nya na kakahalubilo sa dami nyang inaasikaso at ginagawa alam ko naman na para sakin lahat ng iyon mga paghihirap nya at alam na alam ko iyon dati pa, sinasabi ko na nga minsan ipaubaya na yan sa iba na pwedeng pagkatiwalaan pero mas gusto nya daw sya na ang aasikaso.
YOU ARE READING
IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG )
FanfictionSEVENTEEN TAGALOG BOY LOVE STORY FANFICTION JOSHUA JEONGHAN DOKYEOM STORIES STATUS: [ ON GOING! ] ACTIVE UPDATING FINISHING~ DOUBLE CHECKING PARA SA CHAPTER~ WRITTEN BY: THELSTORIES PUBLISH: June 25 2024 ( firts publish ) END OF PUBLISH: ©ALL RIGH...