● CHAPTER EIGHT ●

163 3 1
                                    

° DI INAASAHANG MAKIKILALA °

DOKYEOM

Matatapos na pala ako nang gagawin ko kasi eto nagliligpit ligpit nalang ako ng mga gamit dito, pagod na pagod ako kinuskos ko kasi yung tatlong sasakyan na hindi naman nagagamit dahil wala ako magawa kanina, tapos balak ko sanang isunod mamaya linisin yung upuan malapit sa tinatawag nilang paliguan

Habang ako ay nag liligpit may nakita akong pusa na naligaw at nakapasok dito sa loob, di nya alam kung saan sya pupunta at tila takot na takot na makita ako kaya pinuntahan ko kasi naawa ako kawawa naman sya, magisa na lang at gutom at walang atang nag aalaga sa kanya halata dahil payat na payat ang pusa.

Tinatawag ko sya para lumapit sa akin pero tila lumalayo sya sa akin kaya dahan dahan akong lumalapit para di sya makalayo at matakot

" kamusta ka?, ayos ka lang?, wag kang matakot sakin, ako lang ito si dokyeom" mahina kong sabi at lalapit na sana ako nang biglang mabilis syang naka takbo papalayo at ako naman agad syang sinundan

" sandali lang pusa san ka pupunta" hingal kong sabi dahil tumatakbo na ako para mahabol sya pero wala din dahil bigla syang umakyat kung saan at siguro ako na doon sya dumaan para makapasok dito sa loob.

" sayang " sabi ko at bumalik na muli doon para ipagpatuloy ang ginagawa
sayang dahil kung lumapit sa akin iyon bibigyan ko sya ng maraming pagkain na narito

Hanggang sa maya maya wala akong  magawa, tapos ko na din linisin yung mga upuan malapit sa pool yon pala ang tawag sa paliguan pool natanong ko sa mga katulong, sabi ko pala linisin ko na yung sa likod bahay ng bahay na ito tutal nakapag pahinga ako at nakakain na din naman.

dumating na nga si minghao at si jun galing paaralan binati ko silang dalawa kinawayan nya ako at naka sunod lang sa kanya si jun dala yung gamit nya at ako panay punas dito, sabi ng katulong wag na ako mag linis sa likod tulungan ko nalang sya mag walis sa harapan

" sige na, salamat sa pag hatid, ingat ka" napalingon ako si minghao tila nag papaalam na kay jun na lagi pala syang hinahatid at sinusundo nakakatatuwa dahil may tao ng gumagawa nun kay minghao na aalala ko dati ako at kami ni lola minsan ang nag hahatid at sundo sa kanya kapag nandito ako.

"dokyeom!" nagulat ako bigla, at di na ako makahinga, kasi agad nya akong niyakap naka upo ako at tila parang  dinadaganan tila may hawak pa akong walis tingting at bigla kong nabitawan

" doon kana di maganda dito kasi , maalikabok, saka madumi, at pawis ako, malapit na naman matapos ito, ano ba kailangan mo?" Sa pagkakataon na ito binitawan nya na ako sa wakas, di na ako makahinga ang bigat nya kasi naka patong pa sya sa likod ko saka naka yakap para tuloy akong tumakbo ng malayo bigla akong hiningal

" anong sabi mo, hahaha pinapaalis mo na ba ako" sabi nya tila nag bibingi bingihan

" di lang kasi ako makahinga" sabi ko minsan talaga napakaharot nya sakin

" pasensya na dokyeom, gusto lang kita yakapin, tara mag miryenda na kaya tayo, itigil mo na yan ibigay mo na sa kanila yan saka ikaw ang kailangan ko samahan mo na ako" kukunin nya na dapat yung pinulot kong walis dahil nga nalalag kanina.

" hindi pwede, tapusin ko na ito sige na magbihis kana muna doon, pag tapos ko saka dadalian ko nalang talaga saka sasamahan talaga kita mag miryenda" tila nabitawan ko ang hawak ko at bigla nya ako hinila kung saan.

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now