° PAG BALIK SA NAKARAAN °
unang pagkikitaJEONGHAN
Nag aayos ako dito ng gamit sa kwarto ko habang si eomma naririnig kong tinatawag tawag yung pangalan ni mingyu ng maraming beses at tila hindi sya mapakali
" Jeonghan, nakita mo ba kapatid mo saan ba nag pupunta yon?" tanong nya sakin ng pakapasok nya sa kwarto ko
"Eomma sabi nya may kukunin lang daw sya sa ibaba" sabi ko nag paalam lang naman sya na naiwan nya yung kotcheng binigay ko nung isang araw dahil kaarawan nya at iyon ang regalo ko sa kanya kaya lagi nya itong hawak hawak kasi talagang nagustuhan nya ang bigay ko na binili namin ni eomma sa isang mall
"Ano?, wala sa ibaba si mingyu, nilibot ko na yung buong bahay pati yung likod nako po saan ba galing yung kapatid mo na iyon!" at tila lumabas na si eomma at ako ay biglang kinabahan dahil saan naman pupunta ang kapatid ko at hindi lalabas ng bahay iyon kung wala syang kasama at lalong hindi nya ako kasama kaya napapaisip ako kung saan iyon tutungo
Hinanap ko sya sa buong bahay at tila diko na kaya dahil naiiyak na si eomma at hindi na nya alam ang gagawin kaya tumulong na ako sa paghahanap at baka diko na din kayahin dahil nakakabatang kapatid ko iyon
Mayamaya..
Bigla ko syang nakita sa kwarto nila eomma at appa na kakalabas lang nya sa ilalim ng kama nagulat pa nga ako dahil akala ko na may naka pasok na malaking pusa sa bahay at nag tago doon sa ilalim ng kama nila eomma at appa
" hindi yan nakakatawa, si eomma kanina kapa hinahanap!, ano ba kasi ginagawa mo dyan?" Agad ko syang pinagalitan at baka nagtatago lang sya dyan kaganina pa at baka akalain nya na naman na nakikipag biruan kami, napa kamot pa ako ng ulo dahil nandito lang pala sya ay kanina ay nag tungo na ako dito para tignan bakit diko pa naisipan na pwede magtago si mingyu sa ilalim ng kama
" Hyung kasi yung kotche ko na punta sa ilalim, bakit?" lumapit sya sa akin at pinagpag ko naman yung damit nya dahil ang dumi dumi at tila mayayari na naman sya kay eomma
" lagot ka kay eomma, ang dumi dumi mo pa!, ikaw talaga!, sana sinabi mo sa akin at ako nalang dapat ang kumuha" sabi ko at hinatak sya palabas at sakto naman kakaakyat lang ni appa
" nako anak ko!" sabi nito at biglang niyakap si mingyu ng mahigpit
" san kaba galing?, kami ng eomma mo na taranta na kakahanap saiyo, saan ka ba pumunta?" sabi ni appa na kita ko na nag aalala sya kay mingyu di na ata natiis ni eomma na sabihin kay appa na kanina pa nawawala si mingyu kaya siguro napa aga ang uwi nito
" ikaw kung ano ano talaga ginagawa mo dyan sa kapatid mo, hindi mo kasi tinitignan, ayan tuloy mababaliw na ang eomma mo sa kakahanap sa kapatid mo, paano kung mawala na talaga sya, saan natin sya hahanapin!" sabi ni appa na tila ako naka yuko lang, pinagalitan na naman ako lagi akong pinapagalitan lalo na pag dating kay mingyu
" appa kasi yung kotche ko napunta sa ilalim, kinuha ko lang doon nasa dulo sya" sabi nya at tinuro turo nya yung kwarto nila eomma
" ganun ba, hayts sasusunod jeonghan tignan mo na lagi itong kapatid mo, ayan tuloy ang eomma mo lumabas para hanapin ang kapatid mo nandito lang pala sa loob" parang syang inis ng sabihin nya sakin ang mga iyan pero nagagalit na talaga sya sa akin
YOU ARE READING
IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG )
FanfictionSEVENTEEN TAGALOG BOY LOVE STORY FANFICTION JOSHUA JEONGHAN DOKYEOM STORIES STATUS: [ ON GOING! ] ACTIVE UPDATING FINISHING~ DOUBLE CHECKING PARA SA CHAPTER~ WRITTEN BY: THELSTORIES PUBLISH: June 25 2024 ( firts publish ) END OF PUBLISH: ©ALL RIGH...