● CHAPTER TWENTY ●

59 3 1
                                    

° BULAG NA KATOTOHANAN °

JOSHUA

" hyung kalmahan mo lang sarili mo relax ka lang, kapag tinanong ka nya sabihin mo lang yung sasabihin ko ha! huwag kang kabahan, hindi mo ito firts time kaya wag kang ano-ano dyan!" ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko para pumayad ako sa mga kalokohan na ito pero kanina natutulog lang ako na punta na kaagad ako dito at gustong gusto ko ng umalis ngayon

totoo wala talaga akong alam ni hindi ko nga alam na gantong araw kung kailan pa naman gusto ko mag stay sa bahay at matulog lang na mag damag nagulat ako pag-gising ko nasa kotche na lang ako at nandito na kami sa isang restaurant na ito, na naka pantulog pa nga ako talagang di ko man lang nakita at naramdaman yung pangyayari kung paano ako na punta sa lugar na ito, dahil napaka bilis naman ata na hindi man lang ako nakaramdam, pinababa ako ni seungkwan agad at binigyan ng damit sinamahan at hinatak nya ako patungo sa banyo at doon nag bihis at nag hilamos at doon ko inayos ang sarili ko at doon ko lang din napagtanto na nasa ibang lugar ako akala ko pa nga nanaginip lang ako

ganito lagi iyong pinsan kong si seungkwan gusto ko na nga talaga magsalita ng hindi maganda sa kanya sa pinag-gagagawa nya ngayon, pero kasi..?, nako! kung hindi ko lang talaga sya pinsan baka mapuno na talaga ako sa kanya at talagang planong plano nila itong mag jowa kaya pati kay vernon naiinis na din ako

Ngayon nakakatawa dahil nakikinig lang ako sa tawag nya naka suot ako ng earphone ngayon at susundin ko ang mga sasabihin nya at sa mga gagawin ko para tuloy akong robot na utos utusan lang dito, nga pala sinama nya pa talaga ang boyfriend nya sa mga kalokohan nya na ito, kung ganito lang magiging jowa ko ay wag na lang di ko alam kung bakit gusto din ni vernon ng mga ganito nasa kabilang table lang pala sila sa di kalayuan kaya kitang kita nilang ang mangyayari mamaya at lalo na kung saan ako ngayon naka pwesto

Tinignan ko talagang nag pa reserve sila ng upuan para dito hayts., nandito nga kami sa isang restaurant di ko alam pero iba ito sa unang blind date na pinuntahan namin ni seungkwan kung titignan para na talaga itong isang date at yung tipong kapag meron aniversaryo ng mag mag-asawa dito kumakain ganon ka sosyal ang lugar at sana hindi ako ang pagbayarin dahil wala naman sa usapan na ako ang gagastos ng date na ito saka teka bakit nga ba ako gagastos? tutal hindi ko naman ito ginusto saka di parin ako makapaniwala at lalo na sa kalokohan ni seungkwan ay nilang dalawa pala

"Hyung, ayan na humanda ka padating na daw sya, kaya ikalma mo lang sarili mo, huwag kang magwawala" rinig ko kaya ako naman patingin tingin sa paligid baka kasi mamaya nandyan na sya at hindi pa nya alam kung saan ako naka pwesto

" saan na daw ba sya?" tanong ko napa hawak pa ako sa mic ng earphone na suot ko at tila napa tingin pa sa akin yung waiter na patungo malapit sa katabi kong table nakakahiya, siguro akala nya na baliw na ako kasi parang kinakausap ko ang sarili ko dito

" nasa parking hyung, hawakan mo yung celpon mo tapos kunyari nag cha-chat ka para malaman nya na ikaw talaga yung kausap nya, baka kasi mag reply ako makita nya, tapos makita ka nya na walang hawak na celpon edi wala na uwian na ayoko naman mangyari iyon" kinuha ko yung celpon ko at tila nag chat kunyari habang hindi naman bukas ang screen ano ba itong ginagawa ko, ito na ata yung araw na parang gusto ko ng mawala sa mundo pakiramdam ko lahat ng tao dito nakatingin sa akin

" hyung heheh~ ayan na sya umayos ka" rinig ko na lahata sa boses nyang sabik

" saan?" Lingon ko sa kung saan

" yung lalaking papalapit na saiyo naka blue na polo" napa tingin ako sa likod at tila nakita ko nga yung lalaki na pinakita sakin ni seungkwan syang sya nga ang lalaki kaya inilagay ko agad yung celpon ko sa bulsa at inayos ko yung sarili ko at ngumiti ng pilit

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now