● CHAPTER SIX ●

156 2 1
                                    

° KAPATID KONG SI JEONGHAN °

MINGYU

Napamulat ako nang mata nang makatanggap ako nang hindi naman kalakasang hampas nang unan sa mukha ko para ako magising at mainis hindi na nga maganda ang tulog ko dahil kagabi panay kagat ako nang lamok at panay hampas ko at kamot sa binti ko at braso etong ako naman dito yung mahahampas ngayon na parang isang lamok

" Hyung bakit??" Napasigaw ako sa gulat ikaw ba naman bigla biglang hampasin nang unan habang tulog ka di ka ba magugulat saka ang himbing na nang tulog ko paganda na nga din ang panaginip ko

" ginagawa mo dyan?, bakit dyan ka na tulog ngayon?, kaya nga may kwarto para tulugan at may sala para may mapag-upuan hindi yan hinihigaan b*liw kana ba o tang* kana,,na pokpok ba ulo mo" habang sinasabi nya yan agad na akong bumangon, hinding hindi talaga maganda yung tulog ko sasabay pa si hyung na hindi maganda ang mood? ewan ko ba baka ako wala sa mood kasi di maayos ang tulog ko at sya etong maganda at himala maagang nagising.

" ano kasi si kyeom doon ko muna pinahiga sa kwarto ko kaya nandito ako ngayon nahiga sa sofa, mainam na ito kaysa sa lapag diba?, saka di ako sanay sa lapag na matulog kung sanay ako baka sa ibaba sa tabi ng kama ko ako nahiga habang si kyeom sa kama" sabi ko sa kanya tapos pakamot kamot ng ulo alam ko na maiinis na naman sya o baka magalit sa pinagsasabi ko pero nag sasabi lang naman ako ng totoo

" alam ko kaya nga may kama ka, kung sanay ka sa lapag sana di ka binili ni eomma ng kama at baka bilhan ka lang ng sapin na mahihigan mo, saka teka ano sabi mo?" Eto sinasabi ko na nga ba maiinis sya sa akin na naman.

" Mingyu hindi ko alam kung anong meron saiyo o sainyo nang tinuturing mong kaibigan na si dokyeom at nag kakaganyan kana, alam mo simula talaga nung nakilala mo yan si kyeom, parang lahat ata sa kanya mo binubuhos yung walang kwentang panahon mo, di ka nalang mag-aral nang mabuti puro ka kyeom wala ka naman mapapala sa tao na yan!" mainis inis nyang sabi sa akin eto na naman sinisermonan na naman nya ako wala naman akong masamang ginagawa at lagi syang inis pikon galit minsan sakin paulit ulit na lang ito.

Sa mga oras na ito natatakot ako at kinakabahan din tutuusin kagahapon pa dahil ang totoo yung pinang bayad ko kasi para sa apartment ni kyeom ay kinuha ko sa saving account nya, kaya kapag talagang nalaman nya mayayari talaga ako neto.

Hindi lang yun bago ko sinara ang pinto kagahapon at nag paalam kay kyeom pumunta ako sa kabilang kwarto doon sana ako matutulog pero di pa pala ayos ang mga gamit doon, aalis na sana ako nang may nakita akong kahon kaya tinignan ko at doon ko nakita yung isang celpon at alam kong kay hyung iyon kinuha ko at inilagay sa bulsa tutal wala naman kasing celpon si kyeom kaya iyon nalang ang ibinigay ko, sigurado naman ako di na naman na iyon ginagamit kasi may dalawang celpon na si hyung kaya sigurado ako na di nya din ito hahanapin saka kapag hinanap nya sabihin ko nalang na wala akong alam.

Bumaba na ako at natulog na nga sa sofa pero bago dumaan muna ako sa kwarto ko at kita ko na mahimbing na natutulog si kyeom bago ko i charge yung celpon buti gumagana pa agad ko na din nilagyan nang data card at muli kong tinignan si kyeom at umalis na doon.

Kumuha ako ng bagay na hindi sa akin kaya kapag nalaman nya pa iyon ay talagang magagalit sya ng husto sa akin kaya halo halo yung tumatakbo sa isip ko paano kaya ako magpapaliwanag sa kanya yan ang pinoproblema ko.

" kaibigan ko sya, nakababatang kaibigan, matalik na kaibigan, lagi kong sinasabi saiyo yan diba, sa tuwing lagi mong tinatanong yan, alam mo naman sya lang yung taong nakakasundo ko sak--" sabi ko at tumayo at napahinto ako

IT WAS ALWAYS YOU ( BL TAGALOG ) Where stories live. Discover now