Malakas na batok ang natanggap ni Warang ng pakawalan nila si Thida.
Aray naman...... Daing ni warang habang kunot ang noo.
Kulang pa yan.... alam mo bang hindi ko nagawa yung mga kailangan kong gawin ngayon dahil kinulong mo ko dito lintis ka.... Inisi paring wika ni Thida.
For fun lang naman eh wag ka ng magalit sambit ni Warang habang naka ngisi ah for fun ikaw kaya ikulong ko dyan akala mo ha! saad ni Thida habang tinutulak si Warang papasok sa Jail booth upang ito naman ang ikulong ngunit bigo siya mapapasok si Warang dahil sa laki at tangkad nito.
G-gyo tulungan mo nga ko ipasok tong babaeng to utos niya ngunit hindi siya sinunod ni Gyo dahil ayaw niyang madamay.
Ayoko baka mamaya ako pa ikulong niyo dyan saad niya napatingin naman si warang at Thida sa kanya na tila ba'y naka kuha sila ng idea.
Wag niyo kong tinititigan ng ganyan ha! Wika ni Gyo, ng tatangkaing lumapit ng dalawa ay mabilis na tumakbo si Gyo palayo sa dalawa.
Natsumi nakita mo ba si Janna? kanina ko pa hinahanap yun eh takang tanong Naow habang nag kakamot ng kanyang ulo.
Kanina parang nakita ko siya sa Merienda Booth kasama sina Luktan bakit mo ba siya hinahanap? - Natsumi.
Eh kasi iniwan niyang walang bantay yung booth ko nakisuyo ako sa kanya kanina bago ako umalis na pakibantayan muna kasi gagawin namin ni Warang yung plano ko para kay Gyo pero pag balik ko wala naman siya duon - Naow.
N-naow...... Hinihingal na tawag sa kanya ng kanilang kaklase.
Sina Janna Luktan yung mga kaibigan mo nag aaway dun sa may kabilang building..... Utas na wika ng kanilang kaklase.
Mabilis na tinungo ni Naow at Natsumi ang sinasabi ng kanilang kaklase natagpuan nila sa bagong building na ginagawa ito mga nag aaway.
Janna, Luktan, Zai, Riza anong ngyayari dito bakit kayo nag aaway valentines na valentines eh hindi ba kayo nahihiya? sambit ni Naow.
Ito kasi si Luktan sinabuyan ng juice si Zai sambit ni Riza paanong hindi ko siya sasabuyan ng juice eh ang plastik niyan at tsaka walang ginawa kundi mag parinig sa facebook na alam ko namang ako ang pinaparinggan niya gigil na sambit ni Luktan.
Sinabi ko na nga sayong hindi ikaw yun bakit ba ang kulit ng apog mo? bahala ka nga dyan sambit ni Zai saka mabilis na pinulot ang bag hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng haklitin ni Luktan ang kanyang buhok.
Dahilan upang mauwi iyon sa sabunutan Luktan ano ba tama na..... Awat nilang lahat ngunit ni isa sa dalawa ay walang nag papatinag.
Ano ba bitawan niyo nga ako...... Sigaw ni Zai hindi naman niya sinasadyang naitulak ng malakas si Natsumi tumama ito sa scaffolding na nasa likuran nito.
Narinig nilang lahat ang pag tunog ng mga bakal sabay sabay silang napa tingala at lumayo ngunit sa lakas ng pagkaka tulak kay Natsumi ay hindi nito nagawang tumayo.
Mabilis na lumapit si Naow sa kanyang kaibigan wala ng Chance upang tulungan ang kaibigan niyang tumayo kaya't niyapos at tinakpan niya ang ulo ni Natsumi upang hindi iyon tamaan ng mga bakal na nag babagsakan.
Naow........ Natsumi....... Sigaw ng mga kaibigan nila.
Kitang kita ng lahat ng naroroon kung paano bumagsak at natakpan sila Naow ng mga bakal at plywood tila lahat sila'y natuod sa kanilang kinatatayuan dahil sa nangyari.
Mabilis na rumisponde ang mga construction worker na naroon.
Gyo sandali naman ang bilis mong tumakbo reklamo ni Thida habang tumatakbo paakyat ng hagdan kasunod si warang.
Saglit silang nilingon ni Gyo na naging dahilan naman ng pagka sala ng paa nito kaya siya natisod at tumama ang noo sa hagdan.
Gyo..... Sabay na sigaw ng dalawa at mabilis na nilapitan.
D-dumudugo yang noo mo wika ni Thida ng makalapit siya kay Gyo, ng makalapit din si warang ay agad nila itong tinulungang tumayo at dinala sa office.
Oh napaano si Gyo? Bakit dumudugo ang noo niya alalang tanong ni Dexter ng makapasok ang tatlo sa office.
Eh kasi nag hahabulan kami sa hagdan eh nilingon niya kami kaya nag sala ang paa niya kabadong sambit ni Thida.
Ano banaman kayo sa laki ng oval sa baba sa hagdan niyo pa napiling mag habulan paano na lamang kung hindi lang ito ang ngyari sa kanya reklamo ni Dexter kinuha naman ni Pure ang First aid kit na nasa cabinet.
N-naow....... Sambit ni Gyo ng naka pikit habang ginagamot nila Thida ang kanyang sugat sa noo.
Naow....... Umiiyak niyang wika g-gyo may iba pa bang masakit sayo? Muling tanong ni warang ngunit imbis na sagutin ay pangalan lang ni Naow ang binabanggit ni Gyo.
N-naow........ Humihikbi na niyang wika habang hinahabol ang kanyang hininga na naging dahilan naman ng pag panic ni Thida.
A-anong ngyayari kay Gyo dalhin na natin siya sa hospital.... Sigaw ni Thida na halatang na nginginig pa ang kanyang kamay.
Bubuhatin na sana ni Pure si Gyo ng dumating si Janna.
Thida Warang nasaan si Gyo? Bungad na tanong nito sa kanila.
B-bakit? Gulat na tanong ni Thida.
Naaksidente si Naow at Natsumi sambit ni Janna pagkasabi ni Janna noon ay bigla namang nawalan ng malay si Thida.
Buti na lamang ay nasalo siya ni Warang

YOU ARE READING
Crazy Love ( Andalookkaew)
FanfictionYour memory feels like home for me - Manaow Whenever my mind forget you, My heart always find it's way back to you - Gyoza