Hi everyone by the way nakalimutan ko kayong batiin kasi nakalimutan kong valentines pala ngayon hindi ko kasi dama walang ka date eh char, happy valentines sa lahat ng taken sa mga single kaway kaway lets buy katol para hindi tayo lamukin hahaha charot lang HAPPY VALENTINES EVERYONE ☺🥰.
This chapter is Dedicated to Miss @niah022 hindi ka po yata naka follow sakin kaya hindi kita ma imention but thanks for giving me an idea😊.
Napa balikwas ng upo si Warang ng biglang bumalikwas ng bangon si Gyo at nag palinga linga upang suriin kung nasaan siya.
bakit ako nandito sa hospital? takang tanong ni Gyo habang hinihintay ang sagot ni Warang.
Naalala mo ba nung nag hahabulan tayo kanina sa hagdan na accidente ka tumama yang ulo mo kaya may sugat dahan dahan namang kinapa ni Gyo ang kanyan noo.
Dinala ka namin dito sa hospital kasi parang nag papanic attack ka paliwanag ni warang muling tumitig si Gyo sa kanya.
Nakaka alala na ko na aalala ko na ang lahat naka ngiting wika niya talaga? Manghang tanong sa kanya ni warang.
Oo naaalala ko magkausap kami ni Luktan hindi ba't kasama kita nung tatagpuin ko siya pero nag paalam ka din? Tinawagan ko pa nga si Manaow para marinig niya yung mga sasabihin ni Luktan tapos nung tumawid si Luktan sinundan ko siya kaya lang nabangga ako sa mahabang litanya ni Gyo.
Lumapit sa kanya si warang at mahigpit siyang niyakap kailangang malaman ni Naow na nakakaalala na ko sigurado akong matutuwa yun tara..... masaya niyang sabi at mabilis na sinuot ang kanyang sapatos.
Ngunit nag taka siya na tila hindi na iinggli si warang at tahimik lang siyang pinag mamasdan nito.
Huy.... Tara na masigla niyang bati ngunit hindi parin naiingli si warang nag away ba kayo ni Prang kanina?
Hindi.... seryosong turan niya oh hindi naman pala eh bakit parang ang tahimik mo kung hindi naman kayo nag away ni Prang sunod sunod na tanong ni Gyo.
Gyo si Naow.....
Ano? Muling tanong niya sasagutin na sana ni Warang ang tanong ni Gyo ng biglang pumasok si Thida.
Gyo ok ka lang ba? Grabe pinakaba mo ko kanina akala ko kung napaano kana sambit ni Thida nakaka alala na ko Thida na e-excite akong sabihin kay Naow nawala ang ngiti ni Gyo sa labi ng tila nanahimik din si Thida.
Teka nga nakakahalata na ko hah bakit kayo nananahimik kapag nababanggit ang pangalan ni Naow? Part ba to ng surprise sakin ni Naow? - Gyo.
Hindi Gyo..... N-na a-aksidente si Naow at nandito siya sa hospital kabadong sambit ni Thida.
Wag kang nag bibiro ng ganyan Thida..... Prank lang to part lang to ng surprise sakin ni Naow alam kong may surprise siya sakin kasi narinig ko silang dalawa ni Janna kanina na nag pa plano kasali nga din sa plano si warang diba? Saad niya habang naka titig kay warang ngunit kagaya ng kanina ito'y tahimik lamang.
Unti unti ng na ngingilid ang luha ni Gyo kahit pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili at muling tumingin kay Thida.
Kung ayaw mong maniwala halika..... Sambit ni Thida saka niya hinila si Gyo papunta sa kinaroroonan ni Naow.
Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili kahit alam niya sa sarili niyang kinakabahan na siya na baka totoong naaksidente si Naow.
Halos tumigil ang pag tibok ng kanyang puso ng buksan ni Thida ang pintuan, ang nakaratay na katawan ni Naow ang bumungad sa kanya.
N-naow....... sambit niya habang nag uunahang tumulo ang kanyang mga luha N-naow... anong ngyari sayo? kanina magkasama lang tayo bakit ngayon naka higa kana dyan humihikbi niyang sabi ng tuluyan na siyang makalapit.
Nag aaway sina Luktan at zai kanina sa bagong building na ginagawa pilit namin silang inaawat ngunit ni isa sa kanila ay ayaw mag patinag aksidenteng naitulak ni zai si Natsumi tumama siya sa scaffolding narinig namin ang pag tunog ng mga bakal dahilan upang mapatigil kaming lahat pag lingon namin nag tutumbahan at nag babagsakan na yung mga bakal tutulungan sana ni Naow si Natsumi pero..... huli na ang lahat tinakpan ni Naow si Natsumi para hindi ito matamaan ng mga bakal ang ending si Naow lahat ang napinsala mahabang kwento ni Janna.
Mag papatuloy pa sana sa pag kukwento si Janna ng marinig nilang lahat ang pag tunog ng ventilator na naka kabit kay Naow.
Tumawag kayo ng doctor bilis.... Sigaw ni Thida NAOW PLEASE HOLD ON WAG MO KONG IIWAN.... LUMABAN KA....... malakas na sambit ni Gyo habang hawak ang kamay ni Naow hindi ka pwedeng mawala sakin Naow mga katagang saad ni Gyo.
Ng dumating ang doctor ay pinalabas silang lahat.
Clear...... sigaw ng doctor.
Halos malagutan silang lahat ng hininga dahil sa nagyari kay Naow Kamusta si Naow alalang tanong ni Luktan ng makita ang mga kasama na nasa labas ng Emergency room.
Walang pasabing tumayo si Gyo narinig na lamang nila ang malakas na sampal na natanggap ni Luktan mula kay Gyo.
Kung hindi dahil sa inyo ni zai hindi mangyayari sa kanya to Luktan nag aagaw buhay si Naow ngayon..... Bakit sa tuwing may lumalapit sayo may napapahamak una ako ngayon naman si Naow... Ano ba talagang gusto mo ha!!? galit na sigaw ni Gyo.
YOU ARE READING
Crazy Love ( Andalookkaew)
FanfictionYour memory feels like home for me - Manaow Whenever my mind forget you, My heart always find it's way back to you - Gyoza