Chapter 9

248 6 6
                                    

Chapter 9

Ngayon lang ako ginanahan makapag grocery dahil may kasama na ko. May taga buhat lalo na kapag karton karton ang dala mo. Dati kasi nagcocommute lang ako tapos nakakahiya dahil karton ang mga dala ko kapag sasakay ng jeep.

Namili na rin sya ng kakailanganin nya sa condo nya. Bumili rin sya ng mga bagong plates at utensils. Tinanong ko sya bakit sya bumili ulit eh sya lang naman nandon.

Yung platong pinili nya ay color white na may pink sa gilid.

"Bakit pink?" Takang tanong ko sa kanya.

"For you and sakin ay kulay blue"

Humalakhak ako. Grabe pala kapag in love no nagiging corny minsan. Kulang nalang pati kutsara at tinidor pink na rin eh.

Sya ang nagtutulak ng cart namin. Pinag isa na namin ng cart ang mga pinamili namin naka bukod lang ang pag ayos. Habang ako sinusundan nya na namimili na pwedeng idagdag pa.

Mas maganda raw kasing mamili ng gabi dahil kaonti nalang ang tao para hindi na pumili ng mahaba kapag magbabayad na.

Sya na rin ang nagbuhat ng dalawang carton at nagsakay sa sasakyan nya.

"Are you hungry already? Shall we grab something to eat first?"

"Sa bahay nalang siguro. Meron pa akong stock ron ubusin nalang muna natin" Sumang ayon naman sya agad sakin.

Pagkarating namin sa apartment merong nakaparadang sasakyan sa labas. Iniisip ko na baka may bisita lang si Zie.

Pagpasok namin. Walang tao sa sala kaya dumaretcho ako sa kusina kung nandoon si Zie. Pero hindi ko natuloy ang paglalakad ko dahil kahit ako natulala sa nadatnan ko.

Naknampucha may kahalikan si Zie!

Napaatras ako saka tumabi kay Kai na naghihintay sa sofa.

Pang aasar ang binungad ko kay Zie buong umaga pag kagising nya palang. Kaya ang ending sa labas kami kumain ni Kai. Pag kauwi ko kasi mukhang tulog na ang gaga.

"Talagang dito nyo ginawa ah"

"Hoy mali yung iniisip mo ah, hindi pa namin ginawa!"

Bakit laging sa kusina? Bakit hindi rito sa sala? Yung samin rin kasi ni Kai. Sa kusina rin yon.

Kai: I have a meeting :(

Me: Okay, meron pa namang dinner.

Sabay sana kami mag lalunch ni Kai sa likod pero may biglaang meeting sya. Sayang naman.

Ayoko talaga sanang sabay rin kami dahil baka may makakita rin samin. Kahit na sa likod man yon hindi pa rin kami sigurado.

Ganon ang nangyari halos araw araw. Nag sisilayan lang kami tuwing lunch time. Pero kapag uwian sya na yung kasama ko. Sabay rin kami kumakain paminsan ay sa condo nya.

Tanghali ang klase ko ngayong araw kaya nag gayak na ko ng mas maaga dahil minsan ay traffic papunta ng school. Mas maganda ng maaga kaysa naman late.

Palabas na ko ng bahay saka naman biglang dumating ang sasakyan ni Kai. Wala kaming usapan na pupunta sya rito ng gantong oras.

Binaba nya ang salamin ng kotse nya. Naka bihis sya at naka suot pa ng salamin. Mukhang papasok na ng school. May schedule nga pala sya ngayon pareho ng schedule ko pero hindi sya yung prof namin.

"Sabay na tayong pumasok"

Umikot ako hanggang sa pasenger seat. Saka sumakay ron.

"Sakto yung dating ko" Tinawanan ko na lamang sya.

Sleeping with My ProfessorWhere stories live. Discover now