PROLOGUE

1K 8 1
                                        

"San ka pupunta? Mukhang uulan oh," pigil sa'kin ni Zie.

Tumingin ako sa langit. Madilim na at mukhang uulan nga, siguro dahil maggagabi na.

"May bibilhin lang ako. May pinapabili yung prof namin bukas. Saglit lang ako. May ipapabili ka ba?" tanong ko sa kanya.

Nag-isip siya sandali, pero umiling lang habang nakangiti.

Nagpunta ako sa malaking tindahan ng school supplies na malapit lang sa amin. May naabutan din akong ibang mga estudyante na may binibili. 

"Meron po kayong bandage para sa sugat? Tsaka isang Betadine na rin po at cotton," sabi ko sa nagbabantay.

Wala akong ideya kung anong project ang gagawin namin bukas. Siguro ilalagay lang iyon ng professor namin sa braso niyang may sugat.

"Salamat po." Kinuha ko ang mga binili ko at paglabas ko, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti na lang at may dala akong payong. 

Halos 30 minuto rin akong naghintay bago umalis. Kahit may payong ka, kung ganon kalakas ang ulan, mababasa ka pa rin. Baka mabasa rin ang bandage na dala ko. Sa lakas ng ulan, mukhang may paparating na bagyo.

Medyo humina na ang ulan nang umalis ako sa tindahan. 

Ambon na lang ang maririnig sa payong ko habang naglalakad ako. Binagalan ko ang lakad ko bago makarating sa kanto dahil may narinig akong sigawan. Parang may nagtatalo.

"One year! Ipapalampas mo lang 'yon dahil lang sa lalaking 'yon?" sigaw ng isang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit ako huminto at hindi na itinuloy ang paglalakad.

"Ano bang meron sa gagong 'yon!"

Napatingin ako sa paligid, pero mukhang ako lang ang tao sa lugar na iyon. May iilang sasakyan lang ang dumadaan. 

May nakita akong sasakyan na huminto malapit sa nag-aaway at napansin kong sumakay ang babae roon. Para tuloy akong chismosa dito, bakit ba kasi ako huminto pa?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang makaalis ang sasakyan.

"S-Sir?"

Tumingin siya sa'kin at pinunasan ang luha niya. Nagulat ako nang makita ko ang kamay niya na may sugat at may dugo. Siguro nasuntok niya ang pader dahil sa galit.

"Anong ginagawa mo dito? Nakikinig ka sa usapan ng may usapan!" pagalit niyang sabi sa'kin.

"H-hindi ko po sinasadya na marinig at ma-witness ang break up n'yo—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tiningnan niya lang ako ng masama.

Napatingin ako sa kamao niyang may sugat at tumutulo pa ang dugo. Kinuha ko agad ang bandage at Betadine.

""Anong ginagawa mo?"

Kinuha ko agad ang kamay niya at tiningnan iyon. Ang lala ng sugat niya. Kumuha ako ng cotton at tinanggal ang dugo roon. Buti na lang may kasamang alcohol ang binili ko kanina.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi mo kailangan gawin 'yan," sabi niya habang inaalis ang kamay niya.

Pero pilit ko pa rin itong hinawakan at pinunasan.

"Maiimpeksyon 'to kapag hindi agad nilinis," sabi ko.

Pagkatapos kong linisin, ibinaba ko ang kamay niya sa tuhod ko at kumuha ng tamang dami ng bandage.

Doon ko lang napansin na nakahawak pala ang kamay niya sa hita ko. Bigla akong kinabahan at nahiya.

Sabay kaming napatingin sa sasakyan na pumarada hindi kalayuan sa amin. Bumaba roon ang babae kanina, kasama ang ibang lalaki, at sabay silang pumasok sa isang hotel.

Tumingin ako sa kanya at nagulat ako nang bigla siyang tumayo, parang susundan ang dalawa.

"Sumunod ka sa'kin."

Hindi ko rin alam kung bakit sumunod pa ako. Tama nga si Zie napaka-chismosa ko talaga. Mukhang madadamay pa ako rito sa love triangle na 'to.

Nakita namin sila sa counter habang nakatayo kami sa likuran. Kasama niya ako papasok sa hotel na ito.

Tiningnan ko ang lalaki, pero wala siyang mabasang emosyon sa mukha. Hindi ko rin maiwasang maawa sa kanya.

Niloko siya ng ex-girlfriend niya. Lumalabas na pareho pala kami ng sitwasyon. Ako rin, nahuli ko ang ex ko na may ibang babae at siya pa 'yung babaeng dati kong kinaiinggitan. Dalawang buwan na ang nakalipas, wala akong ibang ginawa noon kundi umiyak buong araw. Ngayon, tinatawanan ko na lang kapag naaalala ko.

Kitang-kita ang gulat sa mukha ng babae nang makita niya ang lalaki, saka siya tumingin sa'kin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, na parang naiirita. Shorts at flip-flops lang ang suot ko.

Hindi ko rin naman alam na mapupunta ako sa ganitong magandang hotel.

Tumingin ako sa kasama kong lalaki. Nakatingin siya sa babae, saka siya lumingon sa'kin.

"Do you want to sleep with me?"

"Sure, bakit hindi."

Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa braso niya at tumingin sa babae.

Hindi na namin sila nakita pagkatapos noon at sumakay na kami sa elevator. Binitawan ko ang braso niya dahil kaming dalawa na lang ang nasa loob. Huminga ako nang malalim at hinarap siya.

"Anong plano mo ngayon? At saka bakit tayo sumakay?" tanong ko.

Biglang bumukas ang elevator at sumunod ako sa kanya.

Napahawak ako agad sa kanya nang makita ko ang babae na naroon din sa parehong floor. Napilitan akong ngumiti sa kasama kong lalaki at pumasok sa room na ibinigay sa amin.

"Ang daming nangyari," sabi ko habang napahawak sa ulo ko. "Bumili lang naman ako ng bandage, tapos napunta na ako sa ganito." 

"Teka, yung sugat mo."

Kinuha ko ang kamay niya dahil tumagos na sa benda ang dugo mula sa sugat niya. "Palitan na natin," sabi ko, saka ko siya dinala sa kusina para hugasan iyon at lagyan ulit ng bago.

"Tara, bumaba na tayo. Nakaganti ka na rin naman sa ex mo," sabi ko.

Tumingin lang siya sa'kin matapos kong sabihin iyon.

Doon ko lang napansin na gwapo pala siya. Ngayon ko lang siya nakita nang maayos dahil madilim kanina nang una ko siyang makita. At ngayon, siya rin pala ay niloko ng ex niya.

Lumapit siya sa'kin nang hindi inaalis ang tingin niya.

"Sure? Bakit hindi?" bigla niyang sabi habang nakatingin sa'kin.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa lobby. Oo nga... pumayag pala ako kanina.

Unti-unti siyang lumapit at hinalikan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero tumugon ako sa halik niya. Tumingin siya ulit sa'kin, at lalo akong napatigil sa sarili ko. Parang hindi ko rin napigilan kung bakit ako nagpadala sa kanya.

"May I?"

Tumango ako.

At agad niya akong hinalikan ulit.

Nagising ako na nakahiga. Mabilis kong pinulot ang mga damit ko sa sahig at nagbihis. Hindi ko na hinintay na magising siya at agad na lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko sa elevator, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Bakit ako sumama sa lalaking 'yon? Hindi ko nga siya kilala... kahit pangalan niya, hindi ko alam.

I hope I never see him again. 

Professor After DarkWhere stories live. Discover now