Chapter 13
Naglinis ako ng bahay dahil ngayon ang dating nila Zaira. Tinext ko sa kanila ang address dahil mag ttrycicle raw sila papasok.
May bumusina sa labas at sinundo ko sila sa gate.
"Ang ganda. Nandyan ba si ate zie?" umiling ako sa pagsagot. Maagang umalis si Zie dahil pumasok. Gusto nya nga sana mag rest day eh kaso double pay raw nila.
Tawanan at kwentuhan sa buong sala namin. Hindi na ko nagluto dahil magdadala na lang daw sila ng mga pagkain. Sagot ko naman ang inumin.
Sa kalagitnaan ng tawanan namin nakarinig kami ng busina sa labas.
"May pinapunta kapa?"
Naalala ko bigla si Nicy na pinapunta ko rin sya. Lumabas ako para sunduin sya baka sya na nga yon.
Pagbukas ko ng gate tumambad sakin ang kotse ni.. Sir?
Nasa loob ron si Nicy saka bumaba. Oo nga pala magkapatid nga pala sila. Hinatid sya.
Saka naman may dumating na trycicle at bumaba ron si Sean.
"Thank you kuya.. Sa paghatid" Sabi nya kay Kai. Tumingin lamang ito samin at saka sakin. Kinawayan nya na ito saka umalis.
"May dala ako" Sabay pakita nya sakin ng naorder nyang spaghetti at bucket na chicken.
"Nicy!" Salubong nila samin.
"Hoy Sean ikaw mag ambag sa yelo"
Nanood kami ng movie sa netflix at huli na namin pinanood ang series na Vincenzo. Hanggang episode 20 pa naman to baka hindi rin namin matapos. Pwede naman namin ituloy next time.
"Hoy sumabay kana saamin umuwi. Bitbitin mo to" Sabi ni Jeska saka abot ng mga bag nila kay Sean. Wala naman karekla reklamo si Sean na binitbit ito.
Hinatid namin sila sa labas para mag abang ng trycle. May kalayuan kasi kapag lalakarin mo gabi na rin. Hinintay ko sila na makasakay bago ako pumasok sa loob dahil nandon pa si Nicy. Susunduin daw kasi sya ulit.
"Bat daw kayo lumipat agad?" Tanong ni Nicy.
"Uuwi na kasi yung may ari ng bahay na tinirhan namin. Biglaan nga eh"
Niligpit ko ang iba naming kalat. Hinugasan ko rin ang ibang baso na nagamit kanina.
Pagtapos ko maghugas, nagpunta ako sa sala. Hindi ko napigilan na mapasigaw dahil nasa pinto si Sir. Nasa labas lang sya pero kita ang anino nya. Bigla ako kinabahan akala ko kung sino na ang nakapasok.
Lumapit ako sa pinto at binuksan yon. Nakita kong nakabukas ang gate.
"I'm sorry for entering. It was left open. Why didn't you lock the gate?"
Hindi ko na ata nalock kanina. Sumilip ako sa sala pero wala ron si Nicy baka nag banyo lang.
"P-Pasok ka"
Ang awkward sa pagitan namin dahil ang tahimik. Ang tagal lumabas ni Nicy sa CR. Walang nagsasalita samin. Nagkukunwari nalang ako na may tinitingnan sa phone ko. Nabuksan ko na ata lahat ng apps ko don.
"Nice house"
"Salamat Sir"
Sir na syempre hindi na kami tulad ng dati. Feeling ko nga hindi na kami close.
"Oh kuya. Ang aga mo naman"
Mga 9pm pa raw kasi sya papasundo at 8pm palang. Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
YOU ARE READING
Sleeping with My Professor
RomanceHyacinth Aramine Villa, a graduating student eager to explore life beyond academia, crosses paths with Danel Kai Anderson, a professor renowned for his intellect, As they share a night of passion, unexpected emotions and complications arise, challen...