Chapter 14

201 7 6
                                    

Chapter 14

"Hindi na daw mag klaklase si Ma'am Lai" Bungad na sabi ni Sean pagkapasok nila ng library.

"Tara sa bilyaran" Pag aaya ni Jeska

"Sumama ka ah Nicy. Si Ara na daw mag papaalam sa kuya mo" Sabi naman ni Zaira. Tinawanan lang ito ni Nicy.

"Bat tulala yan?" Tanong ni Crissie kay Nicy dahil sya ang kasama ko kanina pa.

"Tara na" Pag aaya ko at nauna ng lumabas sumunod naman sila sakin.

Pag bukas ko ng pinto ng library saktong bumukas rin at nandon si Sir.

"Nicy, I forgot to give you back your ballpen."

"Kuya, kay Ara yan. I borrowed it from her." Tumingin sakin si Sir saka inabot ang ballpen na tinaggap ko.

"Kuya sasama muna ako sa kanila sa bilyaran sa tapat ah. Sunduin mo nalang ako ron mamaya"

"Okay, I'll just come there" Saka sya umalis.

Pagkarating namin ron si Sean ang nagbayad kasi sya daw ang nag aya. Pincturan ko silang apat na nakatayo saka minay day yon at nakatag sa kanila.

Nag notif sakin ang message ni Zai sa instagram.

Zie: May klase kapa ba? Si Molly kasi hindi ko mahanap.

Tumayo ako sa pag kakaupo. Nawawala ba si Molly? Tinawagan ko si Zie pero hindi nya sinasagot kaya nagpaalam ako na mauuna na akong umuwi.

Paglabas ko sakto na nakasalubong ko si Sir sa labas at mukhang papasok na sa loob.

Ang aga naman nya ata sunduin si Nicy?

"N-Nasa loob sila" Nilagpasan ko na sya.

"Wait, where are you going? Are you going home?" Tanong nya. Lumingon ako sa kanya saka tumango

"Nawawala si Molly kailangan ko na umuwi" Sagot ko na kinagulat nya. Kilala nya si Molly binigay nya sakin yon.

"Come on, I'll take you home. Hop in" Wala akong choice at agad na sumakay na ron. Baka matagalan pa ako makarating ng bahay kapag nag hintay pa ko ng bus.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay saka ako lumabas at ganon rin sya. Iniwan ko ng bukas ang gate saka pumasok sa loob.

"Zie nasan si Molly?"

"Nakita ko na, nasa ilalim sya ayaw lumabas kanina pa. Hindi pa nakain" Tinuro nya ang ilalim ng sofa sa sala. Sinilip ko yon don at nakita ko sya agad. Mukhang nasa masikip na pwesto sya.

"Baka naipit sya kaya hindi makalabas"

Inangat ni Zie ang sofa at lumapit naman si Kai ron sa kabilang gilid at dahan dahan inangat yon.

"Molly come here" Tawag ko sa kanya. Kinikilala nya ko at maya maya pa ay lumapit na sya sakin.

"Molly naman eh, pinag alala mo ang parents mo" Sabi ni Zie at tumingin ito samin ni Kai. Sinamaan ko sya ng tingin at natawa sya ron.

Sleeping with My ProfessorWhere stories live. Discover now