Chapter 10

226 5 1
                                    

Chapter 10

"Nakipag break ka sa kanya?" Tanong sakin ni Zaira. Nandito sila bahay hindi kasi muna ako pumasok ng dalawang araw after nangyari nong gabing yon. Mabuti nalang ay wala kaming quizes or exam nong umabsent ako.

"Anong break hindi nga naging kami" Sagot ko sa kanya. Biglang kumirot yung dibdib ko dahil naalala yung nangyari. Kung pano ko sinabi sa kanya yon at ano ang naging reaksyon nya.

Ang bilis ng pangyayari. Parang nakaraang araw lang yung nangyaring masaya kami magkasama tapos biglang ganito. Wala akong ibang choice dahil kung hindi ko to gagawin mawawala sa kanya ang trabaho nya at lisensya nya at ayoko mangyari yon.

Feeling ko ang dami namin pinag samahan. Mas masakit yon para sakin dahil sa araw araw namin na magkasama hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko na mahal ko sya.

"Alam na ng iba may relasyon raw kayo ni sir" Sabi ni Jeska na nakatingin sa phone nya.

"Pero sinasabi ng iba na hindi totoo dahil sila raw ni Ms. Acosta" Dagdag nya pa.

"Oh my god!" Biglang sabi ni Zaira na nakatingin sa phone nya saka pinakita samin.

Isang litrato na magkasama sila ni Ms. Acosta sa kotse nya. Magkalapit rin ang mga mukha nila.

"Sinend lang ng friend ko from 4B sila raw ni Ms. Acosta yan"

"Matagal ng alam ng ibang 4th year na may gusto si Ms. Acosta sa kanya" Sabi ni Crissie.

Nakareceive ako ng email from university about the incident. Kailangan ko magpunta sa dean at klaruhin ang totoong.

Pag pasok ko ng campus yung ibang estudyante nakatingin sakin. Nakasalubong ko naman si Lucy at hinarangan ako. Problema na naman ng isang to?

"Pumasok kapa talaga?"

Tinitigan ko nalang sya saka umalis sa harapan nya. Ayoko makipag talo sa kanya. Nakakaubos lang ng oras.

Kaso pag lagpas ko sa kanya saka ko nakasalubong ang dean kasama nito si Ms. Acosta at saka si Kai. Don na kumalabog ang dibdib ko.

"Ms. Villa buti ay pumasok kana. Papaalis na sana ako dahil may meeting akong pupuntahan ngayon"  Sabi ng dean sakin.

"Mas okay naman siguro na dito nalang natin pag usapan bago ako umalis" Ayoko sana na dito dahil merong ibang estudyante na nakatingin samin. "Mas maganda na dito nalang para marinig rin ng iba ang totoo" Dagdag nya pa.

"I'm sorry dean for misunderstanding about an issue" Biglang sabi ni Kai. Tumingin ako sa kanya habang nagpapaliwanag kay dean na tumatango lang.

"Sanay na ko sa ganyan dahil hindi lang kayo ang may issue na ganyan. Meron ring iba na hindi rin naman totoo. Totoo ba na hindi?" Tanong ni Dean sa kanya saka lumipat ang tingin sakin. Si Ms. Acosta nakatingin rin kay Kai saka tumingin sakin.

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan sa tanong na yon. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ni Kai. Kung itatanggi nya o aaminin nya ang tungkol samin.

"Wala pong katotohanan ang kumakalat na issue both of us" Sagot ni Kai sa kanya.

Don ako nakahinga ng maluwag.

"Wala kaming relasyon"

"My girlfriend is Ms. Lorraine Acosta" Dagdag nya pa. Saka tumingin si dean sa kanilang dalawa.

May kung anong kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko at naramdaman ko rin na nanghihina ang tuhod ko pero pinilit kong umaktong parang walang nangyari. Dumapo ang tingin ko kay Ms. Acosta na nakangiti na kausap ang dean at si Kai na nakatingin sakin.

Sleeping with My ProfessorWhere stories live. Discover now