Chapter 11
Sa baba ko na sila hinintay dahil nagpunta sila faculty para humiram ng susi ng room. Naiwan kasi sa loob ang cellphone ni Jeska. Nagcharge raw kasi sya kanina.
Kung anong iwas ko sa dalawa saka ko naman sila nakita ulit. Sa gilid ko ay parking lot ng school. Wala gaanong estudyante rito depende nalang kung may dala kang sasakyan.
Sumilip ako ulit sa phone ko kung may bagong message pero wala pa rin. Bakit ba ako nag aantay? Asa naman akong rereplayan nya ako.
Sa lahat siguro ng estudyante ng school na to ako lang yung hindi naniniwala na sila na. Pero malapit na kong makumbinsi na may namamagitan na nga sa kanila.
Dahil kung pano sya tumingin kay Ms. Acosta ngayon. Ganon nya rin ako tingnan dati.
Masaya ako para sa kanya.
Saka nawala ang pag iisip ko ng harangin ng mukha ni Sean ang tinatanaw ko.
"Gawin mo nalang din akong rebound promise hindi ako masasaktan" Nakataas pa ang kanang kamay nya na parang nanunumpa.
"Tangina mo tumigil ka nga" Sabay ampas ko sa balikat nya.
Nakita ko na na papalapit na rin sila Jeska samin. Hawak nya na rin ang phone nyang naiwan sa room.
Paglabas namin ng gate. Tanaw na tanaw ang sunset. Napakaganda kulay kahel. Lahat kami ay kinuhaan ito ng litrato saka ako nag my day.
Habang nag aantay ako ng masasakyan napadapo ang tingin ko sa Asia Bank. Kung san kami nagtatagpo.
May sasakyan don na nakaparada.
Bumalik ang paningin ko sa daan at saktong huminto ang mini bus ron saka ako sumakay.
"Nicy?"
Sa kanya ako tumabi pag kakita ko sa kanya. Hindi sya pumasok ngayong araw.
"San ka galing?"
"Pinuntahan ang parents ko may ipabibigay kay kuya, ihahatid ko to" Pinakita nya sakin ang dala nyang mga paper bag. Tumango na lamang ako.
Mabait sakin si Nicy. Kahit hindi ko sya nakakasama sa school hindi sya umiwas sakin. Hindi sya nagalit.
Inayos nya ang mga paper bag na dala nya. Siguro dito na sya baba. Pero pag tayo nya ang dalawang paper bag ay nabutas saka nalaglag ang mga laman non. Tinulungan ko syang damputin yon. Mukang mahihirapan sya magdala dahil nasira na ang iba.
"Tulungan na kita, mahihirapan ka mag bitbit nyan baka malaglag ulit"
Ako ang may hawak ng ibang gamit. Ngumiti sya sakin saka tumango. Sinabihan ko syang wag na mahiya dahil malapit naman na yung bahay ko rito mga 20 minutes.
Pero bakit dito?
"Dito nakatira ang kuya mo?"
Nandito lang kami sa likod ng New cost, meron rin kasing mga condominium rito na kasing taas ng palapag ng katabing hotel.
"Oo, sabi nya na kakarating nya lang" Tiningnan nya lang ako at ngumisi sya sakin, siguro sa naging reaksyon ko.
"Okay lang ba na samahan mo ako hanggang sa itaas?"
Tumango na lamang ako sa kanya. Pagsakay namin ng elevator saka nya pinindot ako 17th floor. Hindi ko maiwasan na hindi kabahan dahil doon rin ang floor ni Kai.
Sa laki ng building na to don pa talaga kami pupunta. Sa parehong floor pa talaga? Nagkataon lang ba to?
Tumunog ang elevator na hudyat na nandito na kami sa floor. Ayoko pa sanang lumabas pero hawak ko nga pala ang ibang gamit ni Nicy.
YOU ARE READING
Sleeping with My Professor
RomanceHyacinth Aramine Villa, a graduating student eager to explore life beyond academia, crosses paths with Danel Kai Anderson, a professor renowned for his intellect, As they share a night of passion, unexpected emotions and complications arise, challen...
