Chapter 20
"Regarding your car, I know someone who has a repair shop, I'll just inform you"
Nakakahiya kung tatanggapin ko ang inoffer nya sakin kaso kasi wala rin akong alam kung saan pwede magpa repair. Mas maganda rin kasi na sa kakilala diba? Para mas maayos ang pag ayos.
Hindi ako nagsalita ng sabihin nya yon pero ang tingin nya ay pumayag ako. Sila Sean at Jacob may alam kaya sila? Masyado na kasing busy ang mga yon.
Nagpanggap nalang ako na may kinakalikot sa phone ko. Wala kasing nagsasalita isa sa amin. Naka ilang balik na ko sa photos at natingnan ko na lahat ng mga picture don!
"I heard from Nicy that you stayed in Florida for a few years? Did you go on vacation?" tanong nya sakin.
Hindi siguro sinabi ni nicy ang totoo. Mas mabuti na yon, ayoko rin kasi ang may maka alam na iba. Hindi naman sa iba sya sa akin pero ayoko nalang rin na malaman nya.
Tumango ako sa kanya. "Nandon kasi ang kapatid ko, ako nuna ang nag bantay" tumango rin naman sya.
Mas masarap pakinggan na sabihin na sana nga nag bakasyon na lang ako ron. Sana bakasyon lang ang pinunta ko ron, at hindi ang namatay si mama.
"Did you also meet your boyfriend there?" tumingin ako sa kanya sa tanong nya sakin.
"Si Jacob don ka sya na meet pero... Hindi ko sya boyfriend" nakita ko ang pagtingin nya sakin sa peripheral vision ko.
"But you're going on dates with him?" tanong nya saka ako tumingin sa kanya na nasa unahan lang ang tingin.
"Friendly date? Kasama namin si Melanie at Baron kanina"
Tumingin ako sa bintana at nakita ko na papunta na sa amin yon. Alam nya pa pala kung saan ako nakatira.
Huminto kami sa tapat ng bahay. Bukas ang ilaw non sa loob. Nireset ko kasi ang ilaw non na kapag 6pm na iilaw sa loob. Kawawa kasi si Molly mag isa lang sya at madilim.
Tinaggal ko na ang seatbelt ko saka humarap sa kanya. Tumingin sya sakin pati na rin sa bahay.
"Thank you sa paghatid" sabi ko.
Tumingin ako sa pinto dahil narinig ko si Molly. Tumingin ako kay kai na nandon rin ang tingin.
"Is that molly?" tumango ako sa kanya saka natawa. "Alam nya na nandito na ko"
"G-Gusto mo ba sya makita?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin saka tumango. Bumaba kami pareho at binuksan ang gate non.
Rinig ang pag iingay ni molly sa loob habang binubuksan ko naman ang pinto, sinalubong nya ako saka ko sya kinarga. Nakita ko na nakatingin sya kay Kai. Ang daddy nya! char.
Binigay ko sa kanya si molly habang dumaretcho naman ako ng kusina. Meron pang natirang pagkain nya pero konti nalang yon, dinagdagan ko naman ito.
"I miss you" rinig kong sabi nya kay molly.
Ako kaya namiss nya? Bakit yung pusa lang ang sinabihan nya. Ang tagal rin kaya nong huli kami nag kita!
"Is she the only one here?" tanong nya sakin.
"Kahit ayoko man sya iwan mag isa rito wala naman mag babantay sa kanya" sagot ko sa kanya.
"Pero nong pumunta ako ng florida, iniwan ko sya kay zie" dagdag ko saka hinaplos ang ulo nya kahit na karga ito ni kai.
"Kilala ka pa nya"
"Do you know anyone else aside from me, Molly?" agad naman ako natawa sa tanong nya.
YOU ARE READING
Sleeping with My Professor
RomanceHyacinth Aramine Villa, a graduating student eager to explore life beyond academia, crosses paths with Danel Kai Anderson, a professor renowned for his intellect, As they share a night of passion, unexpected emotions and complications arise, challen...