"Nasaan na kaya ang tarantadong Rodney na 'yun?" tanong ni Ryan matapos ang matindi nilang muling pagtatalik ni Chona. This time, in Ryan's apartment. "May balita ka ba? Nakakainis naman 'tong mga pulis, parang walang ginagawa para mahuli siya!"
Nagkibit-balikat si Chona. Nakasimangot ito at napansin naman agad ito ni Ryan.
"O, bakit ka naman nakasimangot diyan." Pinisil nito ang baba ng dalaga. "Hindi ka ba nag-enjoy?"
"Nag-enjoy." Pero hindi pa rin ito ngumingiti.
Ngumuso si Chona, "paano naman kasi, parang everytime na magkikita tayo, it is either si Lira o si Rodney ang pinag-uusapan natin. Ano? Mas mahalaga ba sila kaysa sa ating dalawa?"
Agad namang inalo ni Ryan si Chona. "Hindi naman sa gano'n, gusto ko lang naman malaman kung may update na sa whereabouts of Rodney after natin siyang i-tip as the possible killer of Mia."
Umismid ito, "yeah, right. And Oh, pati pala si Mia. Patay na nga kakumpitensya ko pa rin yata sa atensyon mo."
Kiniliti ni Ryan si Chona upang lambingin ito, "ano ka ba naman babe, pati ba naman si Mia pinagseselosan mo rin?"
"At sino naman ang may sabing nagseselos ako?"
Natawa si Ryan, "'yang facial expression mo."
"Hindi ako nagseselos no, naiinis lang ako."
"Eh bakit ka naman naiinis?"
"Eh pa'no, kada na lang magkikita tayo, laging sila ang bukambibig mo. Hindi ba puwedeng kalimutan na natin sila? Nakakasawa na kasi eh. Ayoko na silang pag-usapan dahil bahagi na lamang sila ng mga nakaraan natin. Hindi ba mas mahalaga sa 'yo ang ngayon? Tayo...dito...magkasama. Mas importante ba sila sa 'yo kaysa sa 'kin?"
Muling kinalabit ni Ryan si Chona, "'to naman. Siyempre mas importante ka sa akin babe, ang kaso 'di ba? Kaya nga tayo nagkalapit ay dahil din sa kanila, hindi ba? Parang bitin naman kung hindi muna natin isasara ang hanging chapter about them as we move forward?"
"Ah basta, ayoko na silang pag-usapan! Simula ngayon, bawal na silang pag-usapan!" Sabay bangon at pag-alis ni Chona sa kinahihigaan nilang katre.
Napakunot-noo naman si Ryan nang padabog na isinalya ni Chona ang pinto sa banyo matapos itong pumasok doon. Medyo naiinis din ang binata dahil ganitong-ganito rin ang naging problema niya noon kay Mia. Masyadong selosa rin kasi ito at isip-bata, to the point na wala na silang mapag-usapan na hindi nila pag-aawayan dahil masyado itong delikado at sensitibo. This is turning Ryan off almost instantly as this is the kind of relationship he could barely stand; it is even traumatizing for him dahil matagal siyang nagtiis ng ganitong klaseng relationship with Mia.
Now he begins to think of the best way to exit Chona's life na hindi naman niya ito masyadong masasaktan, if there's really such a thing, or if it's even possible.
***
"Lily," pagtawag kay Lira ng isang lalake habang naghihintay ito sa kaibigan nitong Chona sa dati nilang tagpuan sa park. Nilingon naman agad ito ni Lira, ngunit nang makilala na nito kung sino ang tumawag sa kanya ay agad niya itong inismiran; naghalukipkip ito sa kinauupuan nitong bench. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo akong tatawagin sa pangalang 'yan sa pampublikong lugar? Sinabi ko rin sa 'yo na huwag mo akong kakausapin." Pagmamaktol nito.
Nakangising tinabihan ng lalaking iyon si Lira sa Bench, "pasensya ka na...Duktora Lira. Kasalanan mo rin dahil hindi ka sumipot sa usapan natin kahapon. I just need an update tungkol sa mga kahinahinalang pagkawala ng mga sanggol sa San Diego General Hospital."
Sandaling natahimik si Lira. Tila nagmumuni-muni muna ito pinag-iisipang mabuti kung kakausapin ba niya ang lalaking kumakasap sa kanya. "F.Y.I Wala na ako sa SDGH kaya humap ka na lang ng ibang informer diyan sa iniimbistigahan niyong kulto doon sa loob. Ayoko nang madawit do'n. Natatakot na ako dahil pakiramdam ko, laging may nakamasid sa akin na mga Satanistang halang ang mga kaluluwa. Napa-paranoid na rin ako at nasosobrahan sa stress. Hindi na ako makatulog. Hindi na ako mapakali. Hindi naman ako nakasipot kahapon dahil sinugod ako ng ex kong si Ryan sa Klinika ko." Sabi nang dalaga sa mababang tinig. Hindi nito tinitingnan man lang ang kausap. "Ako ang pinagbibintangan niyang pumatay sa.." bahagyang nangunot ang noo nito sa pag-iisip, "—basta, Mia raw ang pangalan. Malay ko ba kung sino 'yun."
"Baka panibagong biktima na naman ni Rodney."
Napapaiyak na sa sobrang inis si Lira, "anak ng pucha naman oo. Hindi ko na kaya 'to Sarge. Parang habang tumatagal, palala na nang palala ang sayad sa utak niyang si Rodney. Noong huli kaming nagkita, nahuli ko na namang nagsasalitang mag-isa. Pinaalis niya si Laureen sa tabi niya, eh wala naman siyang katabi."
"Laureen? Sinong Laureen."
"Ewan ko ba? Ex raw niya 'yun na inii-stalk siya. Pero sa labing-isang buwan na nakasama ko siya, wala naman akong nakikitang sumusunod sa kanya. Kaya nga sa sobrang desperasyon ko, kinakatagpo ko 'yung mga dati niyang kaibigan para lang malaman ko kung sino ba talaga 'yung Laureen na 'yon, pero ni isa sa kanila eh hindi pa naman na-meet ang Laureen na tinutukoy ni Rodney. Hanggang sa nakipag-meet ako sa isa sa mga kapatid ni Rodney sa isang restaurant sa Pasig. Akalain mong ang bungad agad sa akin eh, 'ikaw ba si Laureen? Mas maganda ka pala sa personal. Akala namin imbento ka lang ni Rodney. Totoo ka pala?' Kaya hayun pinanindigan ko nang ako nga si Laureen sa pagbabakasakaling may makukuha akong impormasyon kung magpapanggap ako na ako nga ito."
"May nakuha ka ba naman?"
Umiling si Lira, "sa kapatid niya, wala, dahil mukhang wala naman talaga itong alam kung ano-ano ang pinaggagawa ni Rodney, pero doon sa kababatang babae, oo."
"Anong sabi?"
"Nasa college pa lang daw si Rodney nang magka-mental breakdown ito dahil naging piping sakski raw ito sa brutal na pagkamatay ng nililigawan niya noong mga panahon na 'yun nang dahil sa kagagawan niya. Ang lumalabas, hindi niya talaga ex si Laureen, kundi manliligaw pa lang siya nito."
"Bakit, ano raw ba ang nangyari?"
"Parang, nag-agree raw itong si Rodney at Laureen na mag-meet sa medyo magubat na bahagi ng campus nila para makapagsarilinan. Ang kaso, na-late raw si Rodney, at nang dumating daw ito sa tagpuan ay nakita niyang pinipilahan na itong si Laureen ng mga kalalakihan. Wala raw nagawa si Rodney kundi ang magtago sa likod ng malaking puno dahil sa sobrang takot, lalo na nang nag-usong-usong na ang mga rapist nito sa pagbuhat sa isang napalaking bato upang pabiglang ipukol at idagan sa ulo ni Laureen. Pisak na pisak daw ang ulo ni Laureen. At ang masaklap, Rodney told nobody, kaya kung hindi pa nangamoy ang bangkay after several days, walang makaka-diskubre sa katawan ni Laureen. Since then, hindi na raw sila nagkita noong kababata niya dahil sa sobrang disappointment niya sa kanyang kaibigan. Lalo na noong hindi man lamang ito tumulong bilang witness para lutasin ang kaso. Mabuti na lang daw kamo at may nakunsensya sa isa sa mga rapist kaya hayun, kumanta, at ikinanta rin niya ang lahat ng kanyang mga kasama. Kaya nakulong silang lahat."
Humugot ng isang bulto ng hininga ang Sarhentong kausap ni Lira. "I think a huge Karma is about to slap Rodney's face very soon."
Bumakas sa mukha ni Lira ang pagtataka, "what do you mean?"
"May tumimbre sa itaas. Naka-receive daw sila ng report na si Rodney raw ang nakita nilang pumatay sa dalagang natangpuan sa dumpster. Nag-issue na ng warrant of arrest for him. Five counts ng magkakaibang kaso ng rape and murder."
Namilog ang mga mata ni Lira, "Five?!"
"Yes. You heard it right Duktora. Your ex is now an official fugitive. Ang problema, he's nowhere to be found. Mukhang nakapagtago na agad ang loko. May alam ka ba na maaari niyang puntahan...pagtaguan?"
Umiling si Lira. Bakas pa rin sa mukha nito ang matinding pagkagimbal.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
SIX TABOO: Forbidden Tales
General FictionLanguage: Filipino Six Pitch Dark Horror Novelettes about things humanly unacceptable. Content Warning: This material may be disturbing and traumatizing for some readers. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! SIX TABOO [6T] Six-in-One Forbidden Tales Cop...