Taboo Story 6 - Chapter 8

693 53 2
                                    

"Standby lang muna kayo." Bulong ni Neal sa kausap nito sa cell phone gamit ang hands-free bluetooth headset. "Nandito na ako sa trapdoor. Susubukan ko na ang mga susi"

"Copy, Sir." Sagot ni Tenorio sa kabilang linya, "ingat kayo, Sir."

"Ok." Nagpalinga-linga si Neal habang sinusubukan ang bawat isang susi.  The first one failed, so as the second, the third, and the fourth. "Shit!" Pabulong na bulalas niya dahil accidenteng nabitawan niya ang mga susi sa pagmamadali. Nakarinig siya ng mga yabag na umeksakto sa pagkuha niya sa mga susi kaya nagmadali siya sa paghanap ng matataguan. He was able to find a narrow space behind a cupboard, kung saan ay nasisilip pa rin niya lokasyon ng Kitchen Island—na nakalimutan niya i-slide pabalik para takpan ang trapdoor. Nakita niyang pumasok si Paul, si Olan, at ang tatlo pa nitong mga kaibigan na sina Noel, Red, at Alfred—ang limang mga positibong suspect na niya ngayon sa pagkawala ni Martina Paredes, base sa isinumbong sa kanya ni Trista. He immediately turned on his cell phone, and placed the ringer in mute, before he activated the phone camera to start recording.

"Putang ina, may pumasok ba sa basement?" Ani Paul nang mapansin nitong nakabuyangyang ang trapdoor.

"I don't think so, may kandado pa ang trapdoor oh." Ani Noel.

"Obviously, may tatanga-tanga lang siguro na nakalimutang i-slide pabalik ang Island." Si Red kay Paul

"Titingnan ko sa CCTV kung sino ang tatanga-tangang 'yon!" Ani Paul. Medyo kinabahan si Neal sa narinig, bagaman hindi naman siya nag-aalala kahit makuhanan siya ng camera dahil sa body suit at headmask na suot niya.

"Sira ang camera rito, 'di ba?" Si Alfred kay Paul, "Ilang beses ko nang ni-report sa 'yo na sira ang camera dito at doon sa likod na gate sa labas, pero ang laging sinasabi mo sa 'kin, eh ikaw na ang bahala, 'di ba? Pero nakakalimutan mo lagi, kaya hindi na rin ako magtataka, kung ikaw rin ang nakalimot na i-slide back itong kitchen Island."

"Tsk. Oo na, oo na. Maiba tayo. May problema tayo."

"Ano?" Si Olan.

"Wala na si Gonzales sa dati nitong tinitirahan." Si Paul sa lahat, "kung sino-sino na ang pinagtanungan  ko, pero walang makapagsabi kung saan sila lumipat. Wala ka bang kinalaman do'n?" Bumaling ito kay Olan.

"Ako?" Sagot naman ni Olan, "Bakit ako?"

"Eh ikaw lang naman ang alam kong may pagnanasa kay Gonzales bukod sa 'kin eh. Tangina pare. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa 'yo na akin siya?!"

"Eh gago ka pala eh." Humayang susugurin nito si Paul pero hinila naman ito agad ng mga kasama, "ikaw itong nagpapadala ng kung ano-ano do'n sa tao. Tinatakot mo pa. Tapos ngayong natakasan ka, ako pang pagbibintangan mo?!"

"Anong pinapadala?" Si Paul kay Olan, "wala naman akong ipinapadala sa kanya bukod doon sa CCTV footages. "Baka ikaw, dahil kung hindi ikaw, eh pano mo nalaman ang mga bagay na 'yan?"

"Aaminin ko." Si Olan kay Paul, "pinababantayan ko siya. At 'yun ang dahilan kung bakit alam ko na kung ano-ano ang natatanggap niya, pero ginagawa ko lang 'yun para masigurong hindi siya nagsusumbong sa mga pulis. And guess what I learned?"

"What?"

"Nakita ng private detective na inupahan ko na may kausap siyang pulis, a couple of days before she left without a trace." Ani Olan kay Paul, "malakas ang kutob ko na naisuplong na niya tayo. Kaya possibleng it is only a matter of time before she puts us five in great trouble. Kailangan ko nang umalis ng bansa bago pa pumutok ang—" 

Bigla itong sinakal ni Paul, "we are not going anywhere, do you hear me? 'We', means including you!" Binitawan din naman nito agad si Olan, "nakilala niyo ba kung sino ang pulis na kausap niya?"

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon