Taboo Story 5 - Chapter 10

1K 69 22
                                    

"Maraming salamat po at nakarating kayo." Pagbati kay Abel ng mga magulang ni Angelika sa terminal ng bus. "Pasensya na po at kayo pa po ang pinapunta namin dito."

"Walang anuman. Ano po ba ang pag-uusapan natin?"

"Gusto ko po sanang humingi ng pabor. Ilang taon na po kasi naming hindi nakikita at nakakausap man lamang si Angelika." wika ng ama ni Angelika, bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "huwag niyo po sana siyang pababayaan. Nagkaroon lamang po siya ng problema sa katinuan noon dahil sa mga masasakit na pinagdaanan niya, pero magaling na po siya at napakabait naman po niyang bata. Pinaluwas namin siya rito sa Maynila para mailayo namin siya kay Kimberly.  Nais raw niyang mag-aral ng Criminology upang maging Pulis. Nagtataka man kami kung bakit 'yun ang nais niyang karera ay pinagyagan na namin mailayo lamang ito sa masamang impluwensya ng kanyang kababata. Pero kung narito na rin pala si Kimberly sa Maynila, gusto sana naming umuwi na lamang siya sa probinsya. Tulungan niyo po sana kaming mahanap siya at maiuwi nang ligtas sa amin."

"Batid namin po na kilala niyo na naman siya," pagsingit ng ina-inahan, "pero nais po sana naming ibigay sa inyo ang mga pinakabagong mga larawang ipinadala niya sa amin, kung sakaling kailangan niyong ipaskil ang kanyang mga litrato." Nag-umpisa na itong magkalkal sa kanyang bag, "para makatulong sa paghahanap sa kanya—"

Nagsasalita pa ang babae nang sumabat si Abel, "hindi na po kailangan. Nakita na po namin siya. Ibinilin niya nga po na magpapaalam lamang daw muna siya sa mga prof niya sa school at pagkatapos ay uuwi na rin siya sa—" Iniaabot na ng ina-inahan ni Angelika ang isang maliit na photo album kaya wala nang nagawa si Abel kundi ang kunin ito. Binuklat naman ito ng binatang pulis at agad na napakunot, "Ah eh...nagkamali po yata kayo ng ibinigay sa akin."  Isinauli nito ang photo album. Para po ba sa Wanted list ito?"

Nagkatinginan ang mag-asawa, "Wanted list?"

"Puro po kasi litrato ni Kimberly Natividad iyang nasa album niyo."

Muling nagkatinginan ang mag-asawa, "h-hindi Sir. A-ano po bang sinasabi niyo?" Sagot ng Ama ni Angelika, sabay buklat sa photo album at iniharap pa ito kay Abel, "ito ang anak naming si Angelika."

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Abel dahil hindi iyon ang nakilala niyang Angelika, "y-yan si Angelika?" Dahil ang nakilala niyang Angelika ay wala palang iba kundi si Kimberly.

"Opo." Magkasabay na wika ng mag-asawa, "ito po ang aming anak—"

"Anak nga put—" nang mapagtanto niya ang kanyang pagkakamali. Agad naman nitong naisip si Bing sa gitna nang pagkataranta. Nanginginig niyang tinawagan ang kanyang presinto gamit ang kanyang cell phone, "Castro!" Halos pasigaw na ito, "mamaya na ako magpapaliwanag! Puntahan niyo si Bing Chua, ngayon mismo! Magkita na lang tayo ro'n!"

*** 

Ilang beses na gamuntik nang mabangga si Abel sa labis na pagmamadali.  Hindi pa siya ninerbyos nang gano'n katindi, at kung bakit nga ba kung kailan siya nagmamadali ay saka naman siya naiipit sa traffic sa lansangan. At nang makarating na ito sa wakas sa kanyang destinasyon at naabutan niyang nakapalibot na ang kanyang mga kasamahan sa labas ng bahay ni Bing, habang si Bing naman ay nakakipkip ang leeg sa kaliwang braso ni Kimberly, habang may nakatutok na kutsilyo sa tagiliran nito.

"Sige, subukan niyong lumapit, mapatay niyo man ako ay sisiguraduhin kong patay rin ang babaeng ito!"

Kinuha na rin ni Abel ang nakatagong baril na nakasukbit sa kanyang bandang kilikili at marahang itinutok iyon sa direksiyon ni Kimberly. Sa loob-loob niya ay hindi pa rin siya makapaniwala na naisahan siya nito sa simula pa lang.

"Ano Abel, papatayin mo ako?" pambubuyo ni Kimberly kay Abel, "hindi ba't ikaw mismo ang nagpapunta sa 'kin dito?"

"Nasaan si Angelika?!" Sigaw ni Abel.

"Ako si Angelika." Walang kagatol-gatol na sagot ni Kimberly.

"Tigilan mo na ang pagpapanggap, alam ko na ang totoo!"

Humalakhak si Kimberly, "Oh, talaga? Pero bakit ngayon lang? Kayo talagang mga pulis, bukod sa walang coordination ay lagi pang nahuhuli."

"Uulitin ko ang tanong ko, nasaan si Angelika?!"

"Baka akala mo ay hindi ko alam na magkakasabwat kayo ng magaling kong kaibigan?!"

Hindi naintindihan ni Abel ang huling sinabi nito kaya napatingin ito sa mga kasamahan. Pasimpleng nagkibit-balikat lamang naman ang mga ito sa kanya.

"Huling beses na lang kita tatanungin," Pagbabanta ni Abel kay Kimberly, "Nasaan si Angelika?!" 

Biglang nag-iba ang timpla ni Kimberly, Sumimangot ito. "bulag ka ba kayo? Kasa-kasama niyo rito hindi niyo nakikita?  Ayan s'ya oh!" Inginunguso nito ang bandang likuran ni Abel. Napakunot naman si Abel sa sinabi nito. Ngunit dahil batid nilang baliw ito at may mga nakikitang wala naman doon ay hindi nila nilingon man lang ang inginunguso nito.

"Magsialis na kayo rito, mga bobo, o papatayin ko ang traydor na ito!" Lalo nitong hinigpitan ang pagkipkip sa leeg ni Bing, saka nito mas itinutok ang hawak na punyal sa gilid ng tiyan nito.

"Bibilang ako ng tatlo," Sigaw ni Abel dito. "Pakakawalan mo si Miss Chua, o pasasabugin ko 'yang bungo mo!"

Tinawanan lamang ito ni Kimberly. "Tanga!" ibinaon nito nang bahagya ang punyal sa gilid ng tiyan ni Bing.  Napahiyaw naman sa sakit ang buntis. 

"Dalawa!"

"Bobo! Bungo mo ang sasabog dahil sa kabobohan mo!" Pinilipit nito ang kutsilyo sa tagiliran ni Bing kaya lalong pumalahaw ang kawawang buntis.

"Tat—"

Bigla na-estatwa si Abel nang makarinig siya ng malutong na pagkasa ng baril sa kanyang bandang likuran. Sa pakiramdam niya ay may nakatutok mismo sa likod ng kanyang ulo kaya tila tumigil din ang kanyang paghinga.

"Tatlo." Mahinahong wika ng isang boses babaeng nasa likuran ni Abel. Napapikit si Abel na halos kasabay ng tatlong beses na pagkalabit sa gatilyo ng babaeng nasa kanyang likuran.

Akala ni Abel ay katapusan na niya, kaya laking gulat niya nang sa pagmulat ng kanyang mga mata'y nakatayo pa rin siya bagaman nagkakagulo na sa kanyang paligid habang natatanaw pa niya ang unti-unting pagbagsak ni Kimberly dahil sa tatlong tama ng baril nito; sa lalamunan, dibdib, at puson.

Habang nangyayari ang pagsugod ng ibang mga pulis upang saklolohan si Bing ay unti-unti namang nilingon ni Abel ang asintadong babaeng bumaril kay Kimberly.

"A-Angelika?" Nang makilala niya ito base sa mga larawan sa cell phone ni Kimberly, at photo album ng mag-asawang Bustos.

Nagulat si Abel nang mapansin niyang naka-uniporme ito ng pulisya, at nang sumaludo ito sa kanya.  

"Patrolwoman Geli Bustos, reporting for duty Sir!"

Marahang sinaluduhan din ito ni Abel. Hindi naman niya maiwasang mapangiti sa napakagandang babaeng nakatingin rin sa kanya. Wari'y tumigil din ang kanyang mundo habang dumadagundong sa labis kaba ang kanyang dibdib dahil sa hindi magkamayaw na pag-tibok ng kanyang puso.

[KATAPUSAN NG IKALIMANG KUWENTO]

Abangan ang huli at ikaanim istoryang pinamagatang, TANDA.

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon