Taboo Story 6 - Chapter 7

708 52 19
                                    

"I'm sorry po talaga sa abala, Sir."

Makailang beses na rin tila napapatulala si Neal sa pagtitig nito sa mukha ni Trista, kaya makailang beses na rin siyang inantala ni Trista nang...

"S-sir?" Kumaway-kaway ito sa natutulalang mga mata ng binata, "O-ok lang po ba talaga kayo, Sir?"

"A-ah, oo. Oo naman."  Inayos nito ang sarili, "pasensya ka na, medyo  pagod lang ako mula sa duty kaya medyo nag-ha-hang na ang diwa ko." Biro nito.

"Naku Sir, bad timing po ba ako?"

"No...no...Of course not. Before anything else, puwede bang makiusap sa 'yo?"

"Ano po 'yun?"

"Neal na lang ang itawag mo sa 'kin. At tanggalin mo na 'yung 'po'. Alam kong mas bata ka sa 'kin pero hindi naman siguro nagkakalayo masyado ang edad natin. Ilang taon ka na ba?'

"Twenty-five po, Sir."

"Kita mo na? Five years lang naman ang agwat natin."

Napakamot sa ulo si Trista, "Ganun ba?  Pero siyempre 'di ba pulis ka, kaya dapat igalang pa rin kita bilang isang alagad ng batas."

"Puwede mo naman akong igalang nang 'di tinatratong lolo mo." Bumungisngis ito para hindi naman isipin ni Trista na galit siya. "Maiba nga tayo. Ano ba 'tong napakasensitibong bagay na gusto mong sabihin sa 'kin?"

Sandaling humanap ng buwelo si Trista. "Ang totoo niyan, Sir...este, Neal pala. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Medyo habang tumatagal, masyado nang nagiging kumplikado."

"Why don't you just pick the first thing that comes to mind and then we'll let it flow from there."

Napapanganga si Trista habang tinititigan niya ang pagsasalita ni Neal.

Napansin naman agad ito ni Neal kaya nginitian niya ito, "O bakit?"

"Pasensya ka na, medyo na distract ako. Ang galing mo kasing magsalita. P-parang hindi ka pulis. Parang artista ka lang na nagpapanggap na pulis.  Kasi 'yang itsura mo a-ano eh..."

"Ano?"

"Artistahin. Tapos alta-altahan pa ang tagalog at english accent mo."

Hindi mapawi ang kiliting nararaman ni Neal bagaman pilit niyang ikinukubli ito, "Sinasabi mo bang konyo ako?"

"Oo, parang gano'n. Rich kid accent. Sorry kung sakaling na-offend ka. Jologs kasi ako eh. Alam niyo na, taong skwammy, pero naka-graduate naman ako ng college kaya medyo susyal na skwammy na ko! Pero ikaw, siguro Rich kid ka no? Parang La Sallista, Atenista...ganern."

Napasingasing si Neal. "I always get that feedback so, I don't mind it anymore. Pero bilang pulis, I learned to adapt kaya 'yung accent at pagsasalita ko nag-iiba-iba rin na nakadepende sa kausap ko at sitwasyon. Kapag mga barubal, barubal din ako. Kapag mga sanggano, pangsanggano rin ang pagsasalita ko. Pero ang totoong version ng natural accent ko ay ito...kung paano ako makipag-usap sa 'yo ngayon. 'Yung family ko kasi hindi masyadong nagta-Tagalog. Usually, it is either straight out Ilocano or straight out English. Though personally, mas kuportable ako sa English dahil hindi ako masyadong marunong mag-Ilocano. But since you mentioned La Salle, I did took my MS in Criminal Justice with specialization in Criminology at De Las Salle University in Cavite before I completed by Bachelor's degree in Forensics at the University of Baguio because my whole family lives in Baguio, and then, of course, bago ako nag PMA in the same province because of my Father—"

"Taga Baguio ka?"

"Oo, bakit?"

"Naku, huwag kang magpapakita sa nanay ko." Natatawang wika ni Trista.

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon