"Hindi pa ako pwedeng magpakita kay Tita Baby hangga't hindi ko pa nakikita ang pinagtataguan niya kay Mark." Sabi ni Abel kay Angelika, upang ipaliwanag rito kung bakit sa malayo nito ipinarada ang kanyang kotse. "Dito nalang kita hihintayin."
"W-what will I tell her kapag tinanong niya kung saan ako titira? Sa kanya ako inihabilin ng mga magulang ko kaya siguradong magsusumbong 'yun."
"Tell her you found another room to rent na mas malapit sa school."
"Paano 'yung advance at deposit ko?"
"Just tell her na babalikan mo na lang."
"M-magkano ba ang share ko sa apartment mo kung do'n ako titira sa 'yo."
Napatawa si Abel, "Sira. Bakit naman kita pagbabayarin? Basta't masiguro ko lang na safe ka, sapat ng kabayaran sa 'kin 'yon."
Sandaling nag-isip si Angelika. Ngunit habang nag-iisip ito ay inadjust niya ang rearview mirror pababa upang manalamin. Sa kanyang pananalamin ay nahagip din ng salamin ang backseat kung saan ay may nakita siyang nakapatong na isang pamilyar na bagay. It was Kimberly's cell phone facing down. Sigurado siyang iyon ang cellphone ng kaibigan niya dahil sa custom made na casing nito na may nakaukit na letrang K na may puso.
Kinabahan si Angelika, pero ginawa naman niya ang lahat upang hindi ito mahalata ni Abel. Marahan niyang ibinalik ang rearview mirror sa dati nitong puwesto, saka nito nilingon si Abel na kanina pa palang nakatitig sa kanya. Wari'y sasabog ang dibdib ni Angelika sa sobrang kaba dahil sa paraan ng tingin nitong tila nagsususpetsa ito sa kanya."
"A-ah s-sige—"kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng kotse, "b-babalikan na lang kit—" Akala ni Angelika ay sasambulat na ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib nang pabigla siyang hinawakan ni Abel sa kaliwang braso.
"Huwag kang magtatagal." Anito.
***
"Naku hija, pasensya ka na kung hindi kita basta-basta mapapayagan sa gusto mo. Ibinilin ka sa akin ng mga magulang mo at alam na nila ang nangyari sa kabilang apartment. Papunta na nga raw sila rito sa Maynila. On the way na sila kaya kung pwede ay hintayin mo na lang muna sila rito hanggang bukas. Sa kanila ka na magpaalam kung talagang gusto mo nang lumipat."
"G-ganun po ba?" napakagulo naman ng isipan ni Angelika dahil hindi niya alam kung kaya pa ng dibdib niya na puntahan si Abel sa pinag-iwanan niya rito. Eksakto namang dumating si Ziggy na agad namang hinila ng dalaga at binulungan ito ng, "samahan mo naman ako."
"Saan?" Bulong nito pabalik.
"Basta."
Napapakunot-noo naman si Baby sa pagbubulungan ng dalawa, "may problema ba?"
"A-ah, wala naman po," tugon ni Angelika sa kasera, "n-nagpapasama lang po ako sa kanya s-sa tindahan dahil hindi ko po kabisado ang lugar na ito."
***
"Saan ba talaga tayo pupunta?" si Ziggy sa dalaga, habang naglalakad sila papunta kay Abel.
"Basta nga."
"Anong basta? Baka mamaya bugaw ka at gusto mo palang pagkakitaan ang beauty ko. O kaya eh, drug dealer pala 'yang kakatagpuin mo, idadamay mo pa ako..."
Abala pa sa walang prenong pagsasalita si Ziggy nang matanaw na ni Angelika ang kotse ni Abel sa malayo. Nasa labas na ang binata. Nakasandal na ito sa kanyang kotse.
"Dito ka muna." Bulong ni Angelika kay Ziggy nang makarating na sila sa kantong may malaking poste, "hintayin mo ako rito."
"Bruja ka! Isinama mo ako tapos iiwanan mo ako rito?"
BINABASA MO ANG
SIX TABOO: Forbidden Tales
General FictionLanguage: Filipino Six Pitch Dark Horror Novelettes about things humanly unacceptable. Content Warning: This material may be disturbing and traumatizing for some readers. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! SIX TABOO [6T] Six-in-One Forbidden Tales Cop...