Taboo Story 5 - Chapter 6

796 47 13
                                    

Nahimatay si Baby nang makita niya ang isang tambak ng mga bangkay sa basement. Sinipat naman agad ng mga imbestigador ang tila malaking tubo na yari sa yero ang nakakabit sa malaking butas sa kisame ng basement na may nakaharang na katre sa itaas. Sa tantya kasi ng mga imbestigador ay doon isinusuot ang mga bankay upang itambak sa basement na nakabase na rin sa paraan ng patong-patong na pagkakatambak ng mga hubo't hubad na mga babae.

"Para saan an butas na ito?" tanong ng unang imbestigador kay Ziggy at Angelika.

"Laundry Chute po yata 'yan." Sagot ni Ziggy.

"Ano ang nasa itaas nito?" follow up ng ikalawang imbestigador. Nakaturo ito sa itaas.

"Ang alam ko po," pagsagot ni Ziggy, "'yan po ang kwarto ng anak ni Tita Baby na nasa London. Pero dalawang taon na raw pong walang gumagamit niyan dahil hindi pa naman po umuuwi ang anak niya."

Tumango naman ang imbestigador ngunit agad din naman itong bumaling sa mga pulis sa paligid, puntahan niyo ang silid sa itaas nito." Utos niya sa mga ito. Agad namang sumunod ang mga inutusan nito.

"Sir!" Pagtawag naman ng isa sa mga natitirang pulis sa ikalawang imbestigador. "Mukhang iisa po ang pumatay sa mga ito. Lahat po, butas ang dibdib. Wala na po ang puso."

***

Hindi maawat sa paghihisterya si Baby ang isa-isa nang binibitbit ng mga pulis ang mahigit sa pitong bangkay ng mga babae mula sa basement ng kanyang paupahan. Ilang beses rin itong nahihimatay at kapag natatauhan ay muli na naman itong umiiyak nang walang hinto. Di Umano'y dalawang linggo lamang siyang nawala ay ginawa ng katayan ang kanyang paupahan. Iniiyakan din nito ang tuluyang pagkasira ng imahe ng kanyang paupahan.

"Kailangan na naming ideklarang crime scene ang buong bahay." Wika ng unang imbestigador kay Baby at sa dalawang kasera nito. "Unfortunately, kahit po kayo ay kailangang humanap muna ng ibang malilipatan." Sabi nito kay Baby. "Hindi niyo po maaaring iokupa ito hangga't hindi pa natatapos ang aming imbestigasyon. Meron ba kayong ibang mapupuntahan?"

"M-meron pa po akong isang paupahan sa Cainta." Sagot ni Baby sa imbestigador, "kung gusto niyo—" nakatingin na ito kay Ziggy at Angelika, "doon na rin muna kayo pansamantala. Kailangan niyo nga lang mag-share ng kuwarto dahil iisa ang bakante ro'n. Bigyan niyo ako ng isang linggo para maibalik ko ang deposit at advance niyo kung nais niyong humanap ng ibang mauupahan, pero libre na ang pagtigil niyo ro'n para sa abala. Pasensya na mga anak. Hindi ko rin inaasahan na mangyayari ito sa akin." Muli na naman itong umiyak.

"Tahan na Mamu." Pag-alo ni Ziggy sa landlady, "naiintindihan naman namin ni Angelika. 'Di ba Angelika?" Tumango naman si Angelika sa tinuran nito, "Ok lang din na mag-share muna kami. Tutal, pareho naman kaming dalagang pilipina. Huwag niyo na kaming intindihin dahil mas mabigat itong problema niyo oh!"

"Maraming salamat." Humihikbi-hikbing sagot ni Baby.

***

"O di ba tama na naman ako?" Sabi ni Bing sa tatlong kaibigan, "malakas talaga ang hinala ko na may hindi tama sa Mark..o kung sino man 'yon!"

"Bakit, napatunayan na ba na si Mark ang may gawa n'on?" pagdadahilan ni Joanna. "Wala naman sa hitsura niya ang pagiging Serial Killer 'no!"

"Eh sino pa bang ibang gagawa no'n?" Sagot dito ni Bing. "Bakit? Si Ted Bundy ba mukhang serial killer before he was proven one?"

"Ah basta," sagot ni Joanna, "I don't think he did it."

"Yan...yan!" Naiinis na reaksyon ni Bing sa inasta ni Joanna, "'yang ganyang mindset mo ang dahilan kung bakit maraming nabibiktima ang mga tulad niya."

"Ano ka? pero 'yang mindset ng mga tulad mo rin naman ang dahilan kung bakit maraming inosente ang nakukulong!" Sagot naman ni Joanna dito. "Guilty agad until proven innocent?"

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon