Nakatutok sa paghihintay ng resulta ng Background Check para kay Kimberly si Abel nang nagsidatingan sa presinto ang mga inatasan nitong imbestigador na kumausap sa mga magulang ni Angelika.
"Anong balita?" Bungad ni Abel sa mga bagong dating, "may nakalap ba kayong bagong impormasyon mula sa mga magulang?"
Tila nanlalatang sumalampak sa kani-kanilang swivel chair ang dalawang imbestigador. Mukhang pagod na pagod ang mga ito.
"Nakakabaliw ang kasong 'to!" Pagmamaktol ng una sa dalawang imbestigador. "I quit!" Natatawang biro nito. "Eh Chielf! Balita ko, meron daw bagitong bagong graduate ang idedestino rito sa 'tin anumang araw, baka puwedeng siya na lang ang pumalit sa 'kin sa kasong 'to!"
Sinimangutan ito ni Abel,"batang graduate tapos isasalang mo agad sa ganitong kakumplikadong kaso?"
"Bakit ikaw Sir? Nilulungad ka pa rin naman no'ng naging Hepe ka ah! Mas matanda pa nga ako sa 'yo!" Kantyaw ng ikalawang imbestigador, "at ikaw na rin ang nagsabi na wala sa edad 'yan, nasa tamang diskarte at mahusay ng skill set lang 'yan!"a
"Tsk. Tama na nga 'yan. Ano na? May update ka ba?"
"Humihingi ng tulong sa 'tin ang mga magulang ni Angelika na mahanap at maproteksiyunan ang anak nila doon sa Kimberly Natividad." Sagot ng unang imbestigador.
"So, kilala raw nila si Kimberly Natividad?"
"Positive, Sir." Sabi naman ng ikalawang imbestigador. "Anak raw 'yun ng mayamang haciendero doon sa kanila na may mga bahay at ari-arian din dito sa Maynila. Pero hindi raw naman nila masasabing matalik na kaibigan 'yun ng kanilang anak, bagkus ay 'yung Kimberly daw na 'yun ay isang spoiled brat na laging nambu-bully kay Miss Bustos sapul pa sa pagkabata. Paborito pa nga raw nitong paglaruan ang anak nila at isama sa mga kalokohan noon na nagdulot ng matinding trauma na unti-unti naman daw nagmanifest sa depresyon, confusion, at samo't saring diperensya nito sa pag-iisip. Lalo na no'ng pinatay ang tunay na ina nito at isa si Angelika sa pinaghihinalaan ng mga pulis probinsya. Wala nga lang nakalap na ebidensya laban sa kanya. Puro hinala lang kaya tinanggal din siya eventually as one of the suspects sa karumaldumal na pagkamatay ng kanyang ina."
Lalong nagusamot ang mukha ni Abel saka nito ginulo ang sariling buhok, "Ibang anggulo na naman, tsk!" Bulong nito. "Did you get any information about this quote unquote, trauma? Na-trauma siya saan?"
"Yun daw ang hindi sinabi sa kanila ng kanilang anak." Ang unang imbestigador, "sa tuwing tinatanong raw kasi nila ito tungkol doon ay bigla na lang itong umiiyak, nagagagalit, nagwawala, o 'di kaya naman ay sinasaktan ang sarili. Pero may ibinigay silang pangalan ng tao na maaari nating pagkunan ng impormasyon dito sa Maynila. Heto ang pangalan at address—" may iniabot silang square na sticky note kay Abel.
Binasa naman agad ito ni Abel, "Bing Chua?" Sandali itong natigilan, "so Bing is a real person?"
"Hindi lang 'yun, Sir." Ang ikalawang imbestigador. "Sinabi rin nila na may mga naging kabarkada nga si Miss Bustos na nagngangalang, Joanna, Jackie, at Peachy, bukod doon kay Bing."
"May sinabi ba sa inyo kung saan matatagpuan ang mga ito?"
Umiling ang dalawang imbestigador, "kay Bing na lang daw natin itanong."
***
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Abel, dahil siya mismo ang nagtungo sa address ng itinurong kaibigan ni Angelika na si Bing, kinabukasan.
"Kumusta na po si Geli?"
Matapos na magpakilala at mailahad ni Abel ang detalye ng pakay niya. "We are still searching for her. By the way, ga'no na kayo katagal na magkakilala?"
BINABASA MO ANG
SIX TABOO: Forbidden Tales
General FictionLanguage: Filipino Six Pitch Dark Horror Novelettes about things humanly unacceptable. Content Warning: This material may be disturbing and traumatizing for some readers. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! SIX TABOO [6T] Six-in-One Forbidden Tales Cop...