Bahagyang napaatras si Angelika, "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi sa 'kin nanggaling ang cell phone na 'yan. Tatanungin pa ba kita kung alam kong nasa akin 'yan?"
Naghalukipkip si Abel. Nakangisi ito kay Angelika na may halong pagdududa. "Nasa'n ang kaibigan mo?"
Umiling si Angelika, "I have no idea."
"Hmmm...you have no idea pero nasa 'yo ang cell phone niya?"
"Sinabi nang hindi sa 'kin nanggaling ang cell phone na 'yan eh!"
"Sa 'yo." Maigting na wika nito sa dalaga. "Ako mismo ang nakakita nang malalaglaga ito sa bag mo."
"May ebidensya ka? Kung sa 'kin nga nanggaling ang cell phone na 'yan? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin nung nalaglag sa 'kin kaysa iitsa mo sa kotse mo?!"
Muling ngumisi si Abel, "kailan mo huling nakausap ang kaibigan mo?"
"Pati ba siya damay na rin sa mga iniimbestigahan mo?"
"Isa ang Mother niya sa mga natagpuang bangkay, s'yempre damay siya. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Kailan mo huling nakausap ang kaibigan mo, at ano ang pinag-usapan niyo?"
"Don't you think that's too personal?"
"No, if she is connected to either the suspect or any of the victims."
Napailing si Angelika, "I am not going to be a part of this." Sabay talikod. Akmang lalakad na ito nang pinigilan ito ni Abel sa braso. Nilingon naman agad ito ng dalaga at sinamaan ng tingin, "may warrant ka?" Nang hindi nakasagot si Abel ay pabiglang binawi nito ang kanyang braso. "You stay away from me from now on, asshole!" Sabay takbo.
"Hey. Bakit ka tumak—ay putang ina—!" Hinabol ito ni Abel. Muntikan na niya itong maabutan ng ilang beses sa makailang beses nitong pagliko kung saan-saan, ngunit lagi naman siyang naka-cut ng either sasakyan, pedikab, sidewalk vendors at mga tao sa paligid hanggang sa tuluyan na itong nakapuslit sa kanya. "Anak ng—"
***
"Okey ka lang Sir?" tanong kay Abel ng isa sa mga tauhan nito habang nakasubsob siya sa kanyang lamesa sa presinto.
"Huwag niyo muna akong kausapin, utang na loob!" Singhal nito sa mga kasamahan. "Siya nga pala." Biglang pag-switch ni Abel sa bagay na bigla niyang naalala, "nagawa niyo na ba ang pinagagawa ko sa inyo?"
"A-ang alin po?" tanong na ng isa sa mga anim na pulis.
Tumunghay na ito, "'Yung updated background check para kay Angelika Bustos?"
"Opo sir." Sinenyasan nito ang isa sa kanyang mga kasamahan upang kunin ang written report. Agad nitong nakuha ang manila folder at ibinigay ito kay Abel.
Binuklat naman agad ni Abel ang folder na ibinigay sa kanya at inisa-isang basahin ang lahat ng mga dokumentong naroro'n. "Tsk-tsk, bakit walang malinaw na litrato at mugshots dito?" Nang dumako ito sa iba't-ibang profiles nito na nanggaling pa sa records ng pulisya sa probinsyang pinaggalingan nito.
"Eh Sir, na-damage daw ng baha ang mga orihinal na documento mula sa probinsya."
Nagpatuloy naman sa pagbabasa si Abel."Psychotic breakdown...1...2...3...after named as a person of interest for the brutal murder of her own biological mother—" pabulong na pagbasa nito ng summary ng police, regional court, and medical records ni Angelika for the past three years. "—her biological mother?" inulit nito ang nakapukaw na linya sa kanyang mga kasamahan, "eh sino 'yung nasa probinsya with her father?"
"Second wife ng tatay niya na mas kinilala niyang ina kaysa doon sa tunay. 'Yun 'yung kakausapin namin bukas along with the biological father. On the way na raw ito ayon kay Aling Baby." Sagot ng isa sa mga imbestigador na isa rin sa mga imbestigador na rumesponde sa apartment ni Baby. "Naka-note naman sa likod ng third page 'yung ikinamatay ng biological Mother niya."
BINABASA MO ANG
SIX TABOO: Forbidden Tales
General FictionLanguage: Filipino Six Pitch Dark Horror Novelettes about things humanly unacceptable. Content Warning: This material may be disturbing and traumatizing for some readers. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! SIX TABOO [6T] Six-in-One Forbidden Tales Cop...