Taboo Story 4 - Chapter 6

865 41 4
                                    

"Posible po ba 'yun Doc?" tanong ni Chona sa nilapitan niyang Psychotherapist. Ito agad ang pinuntahan niya pagkatapos niyang makipagkita kay Ryan. The possibility of being under Lira's control without her conscious knowledge freaked her out, "can a hypnotist, ethically or not, actually make me do something I do not want to do while under hypnotism?"

"No. (1)" Sagot ni Dr. Vazquez, "but an unethical practitioner can possibly tap on your innermost fantasies or even Pseudo Memories (2) that can somehow be tweaked and manipulated through leading suggestions."

"Does the hypnotic effect on the mind even wear off?"

"May mga effects and hypnosis na nawawala rin agad. Typical posthypnotic suggestions do not tend to persist over long period, pero..."

"Pero?"

"Hypnosis can permanently distort memory if the hypnotized subject come to believe that he or she has remembered something that had not actually occured (1). Pseudo memory (2) may persist like any other memory even though it can be totally false. I this case, the subject may spend the rest of his or her life believing the false memory."

***

Sinundan ni Chona si Lira, from the moment na umalis ito ng bahay papunta sa klinika nito, at sa paglabas nito during lunch time to meet up with a guy in a black sedan towards a high-end restaurant. Umupo si Chona sa pinakamalapit na table na magkatalikuran sila ni Lira. She made sure she is close enough to hear their conversation. Halos mabulunan siya sa inorder niyang inumin when the guy called Lira, Laureen, and by how the conversation went, ang lumalabas ay Laureen nga ang ginagamit ni Lira na pangalan sa lalaking kausap nito. The subject of their conversation revolve around tying up loose ends.

Buong pagtatiyaga inaraw-araw ni Chona ang pagsubabay sa kaibigan, at habang tumatagal ay mas lumalakas ang mga nakukuha niyang ebidensya laban dito.

"Sigurado ka ba r'yan sa ginagawa mo?" ani Ryan kay Chona. Ito agad ang pinuntahan ng dalaga matapos niyang makakalap ng mga bagong impormasyon sa pagsunod-sunod nito kay Lira. "I'll stay out of trouble if I were you. Hindi ka pa ba nag-freak out sa mga sinabi ko sa 'yo tungkol kay Lira? Bakit kailangan mo pa siyang tiktikan?  Paano kung mahuli ka?"

Natawa rito si Chona, "hindi mo ba muna papakinggan ang tungkol sa mga nakalap kong impormasyon bago ka dagain d'yan? Takot ka ba kay Lira? Hindi kaya 'yun ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break ka sa kanya?"

"Heck no! Ba't naman ako matatakot sa kanya? Hindi na lang talaga ako interasado sa kung ano man 'yan pilit mong hinahalungkat tungkol sa kanya.  I do not want to have anything to do with her. Kung posible mga na i-delete ko na lang siya sa memorya ko, 'yun ang gagawin ko. Hindi ko nga inaasahan na babalik ka pa rito to update me. I don't meen to be rude, Chona, dahil okey ka namang kausap, and you're nice, pero I don't want to take any part of what it is you're trying to do involving Lira."

"So, hindi ka interesado sa mga information na nakalap ko?"

Umiling si Ryan pero nakangiti naman ito, "mas interesado pa siguro ako kung kukuwentuhan mo ako ng mga bagay tungkol sa 'yo that has nothing to do with Lira. Para naman magkakilala tayo."

"Hindi ka pa rin kaya magiging interesado kahit na sabihin ko sa 'yona isa ka na rin ngayon sa mga target ni Lira?

'"W-what? Ako, target na rin niya? But why? Saglit lang naman naging kami, at okey naman siya nang nakipaghiwalay ako sa kanya."

"Because the truth is, she can't accept that you dumped her? You pulled her narcissistic strings, dude! Lalong-lalo na dahil ikaw ang kauna-unahang lalake na nang-iwan sa kanya?"

Sandaling nagmaktol si Ryan. Napapamura at naiinis, ngunit hindi naman ito kay Chona, kundi dahil sa sitwasyon.

"A-ano raw plano niya sa 'kin?" Nang kumalma na si Ryan. 

"O, bakit ikaw naman ang atat ngayon?" pabirong kantiyaw ni Chona, "wait lang, may itatanong muna ako sa 'syo bago tayo magtungo ro'n."

"A-ano 'yun?"

"May balita ka ba sa ex mo? I-I mean, kay Mia? Have you seen her recently?"

Sandaling tinitigan ni Ryan si Chona, "b-bakit mo naman natanong 'yan?"

"Just answer my question."

Umiling ito, "matagal na kaming walang communication ni Mia."

"Can you help me find out if she's ok? Hindi ko siya personal na kilala.  Ikaw ang may kilala sa kanya kaya ikaw lang ang puwede kong pagtanungan. Maybe kahit sa Social Media connection niyo?"

"She unfriended me a long time ago."

"Naka-private ba ang wall niya?"

Sandaling nag-isip si Ryan, before he decided to check his smart phone to find out.  Hindi nagtagal ay bumakas na sa mukha nito ang matinding pagkagulat at pamumutla. Hindi ito makapagsalita kaya si Chona na mismo ang tumabi sa kanya upang silipin ang binabasa nito sa kanyang phone. At doon ay nakita na nga ni Chona ang isang bagay na hinahanapan na lamang niya ng kumpirmasyon. Mia's wall was filled with tags by her social media friends who wish their condolences to her family. Namutla at natulala si Ryan matapos niyang makumpirma na patay na nga ang dati  niyang nobya.

"Naalala mo ba 'yung kinuwento mo sa 'kin tungkol sa chant ni Rodney after he was left into a trance by Lira in a partking lot?" si Chona.

Muling tumitig si Ryan kay Chona.  Bakas sa mukha nito ang matinding pagkabahala sa insinuation ni Chona na malamang ay may kinalaman doon ang pagkamatay ni Mia. "It can't be."

"Why don't you call anyone from your common friends to know the cause of her death?"

Nanginginig na nag-scroll si Ryan to find someone to call, and dialed right away after he made up his mind on who to call, "P-pare?" sabi nito sa kausap nito sa cell phone, "w-what happened to Mia?" sandali nitong pinakinggan ang sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya, "w-what? I-in a dumpster?" muling nagtama ang mga mata nila ni Chona, "n-natagpuan na ba kung sino ang gumawa?" muli nitong pinakinggan ang nasa kabilang linya. At maya-maya pa'y ini-end na rin niya ang call. Sandali itong natulala.

"W-what? Natagpuan na raw ba kung sino ang gumawa?" tanong ni Chona.

Marahang umiling muna si Ryan, bago ito unti-unting nanginig sa impit na pagtangis.  Agad naman itong inalo ni Chona at niyakap. "What the fuck is happening, Chona?" Pabulong nitong tanong, "bakit kailangang madamay si Mia?"

Sa halip na sumagot ay mas lalo lamang hinigpitan ni Chona ang yakap kay Ryan.

"What does this mean, Chona? Ibig sabihin ba nito ay si R-Rodney ang pumatay kay Mia?"

Natigilan si Chona, dahil kahit na naging saksi siya na si Rodney nga ang pumatay kay Mia ay wala naman siyang balak na ipahamak ito sa kamay ni Ryan. In her mind, Lira should still be the one to blame dahil siya ang nagpasimuno, at siya ang suggest kay Rodney na patayin ito.

"That's not what I'm saying, Ryan. Ang sinasabi ko lang ay kung sino man ang gumawa nito kay Mia, alam na natin kung sino ang tunay na mastermind."

"Where fuck is Rodney is anyway?"

Umiling si Chona, "who knows?" kahit na alam naman niya kung nasaan ito.

Sinapo ni Ryan ang magkabilang pisngi ng dalaga, "Ako na ba ang susunod, ha Chona?"

Sa halip na sumagot ay sinapo rin ni Chona ang mukha ni Ryan. Saglit din silang nagkatitigan bago nito sinabing, "t-that's what I heard."

[ITUTULOY]

Footnote:

(1) Based on Hypnosis "Useful in medicine, dangerous in court." U.S. News and World Report, December 12, 1983, Interview with Dr. Martin Orne, M.D. Expert on Hypnosis.

(2) Psuedo Memory - fake memory, such as a spurious recollection of events that never took place, as opposed to a memory that is merely inaccurate

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon