Taboo Story 6 - Chapter 9

746 56 10
                                    

"Captain Magpayo." 'Yun agad ang bumungad na pagbati sa kabilang linya ng Pulis Bagiuo na pinakiusapan niyang siyasating ang bahay nila sa probinsya. "Hinalughog na po namin ang bahay niyo kasama po ang inyong ina at mga kapatid pero wala po roon ang mag-inang ipinapahanap niyo. Sinuyod na rin po namin ang paligid pero wala po talaga. Pero may mga kapitbahay po kayong nakapansin sa itim na kotseng nakaparada sa tapat ng bahay niyo kanina. Pero hindi naman daw nila napansin kung isinakay o nakasakay roon ang mag-ina. Tinimbrehan na rin po namin ang mga karatig bayan, kaya kung may masasagap man po kaming bagong update, makakaasa po kayo na ako po mismo ang tatawag sa inyo."

Tumango si Neal, "Sige, maraming salamat." Siya na mismo ang pumutol sa tawag. "Shit!" Bulong niya sa sarili. Sandali muna itong nagmuni-muni sa tapat ng refrigirator na kinatatayuan niya, saka niya ininom ang energy drink na hawak niya.

Alam niyang kailangan niya ng pahinga, but he can't afford that right now. He have to get out and keep going para kay Trista.  Ngunit, hindi pa man ito nakakasakay sa sasakyan niya upang muling lumarga may muling tumawag sa kanya. Nag-flash sa screen ang pangalang Matthew, ang nakababatang kapatid ni Neal. Saka na lang naaalala ni Neal ang mga missed calls nitong hindi pa niya nare-return.

"Matt, I'm sorry sobrang busy la—"

"Kuya," napansin agad ni Matt na tila humihingal at bumubulong ito.

"O, bakit? Are you ok?"

"N-no Kuya, I-I'm not ok." Umiiyak na ito. "Si Mommy."

"W-what? Why, ano si Mommy? What's going on?"

Pero biglang naputol ang linya, at unreachable na ito nang tinawagan niya ito pabalik

"Fuck!" Nasuntok niya nang hindi sinasadya ang kotse n'ya. Agad namang tumunog ang alarm nito. Muling tinawagan ni Neal ang Pulis na kausap niya sa Baguio para ipakiusap na tingnan ang kanyang pamilya. Tinanong rin nito kung sino sa mga kapatid niya ang tumulong sa kanila na pagsisiyasat sa mag-inang Trista at Marites.

"Matthew at Alena po ba kanyo ang pangalan ng mga kapatid niyo?" 

"Oo, sila ang tumulong sa inyo, hindi ba?"

Sandaling natahimik ang Pulis na tila may binubuklat itong pahina, "Sorry sir, naniniguro lang ako na tugma rito sa notes ko ang sasabihin ko. Makakalimutin po kasi ako sa mga pangalan.  Hindi po Matthew at Alena ang ibinigay nilang pangalan, pero kasama po nila ang iyong ina na mas kilala na namin dito kumpara sa inyong magkakapatid."

"W-what?  Eh ano?"

"Paul at Minerva po."

***

Naaburido man sa sitwasyon at kalagayan ni Trista at ngayon ay pati na rin ng sariling ina ay wala namang magawa si Neal kundi ang habaan ang pasensya sa pagmamatyag sa pinagsususpetsahan niyang dumukot kay Trista, sa ina nito, at sa kanyang ina. Ilang araw na rin niyang minamatyagan ang itim na kotse ni Paul De Lara, pero si Amethyst lang ang nakikita niyang lumalabas at sumasakay roon, mula sa factory, sa bahay, at sa Pub. Kaya labag man sa kanyang kalooban ang bumalik sa Pub sa katauhan ni Isaac, ay 'yun lang ang nakikita niyang paraan para makalapit kay Amethyst, at sa mga De Lara.

Bilang si Isaac ay nagagawa niyang palihim na magmatyag sa mundo ng mga De Lara. Kasama na ang isang beses na nakapasok siya sa opisina at Factory ng mga ito para mag-install ng mga hidden cameras sa iba't ibang anggulo.

Sa kasamaang palad, ni anino ni Paul at ng apat na kaibigan nito ay hindi man lamang nakikita ni Neal, kaya sa labis na desperasyon ay napilitan siyang tanungin si Amethyst.

"Bakit mo itinatanong kung nasaan si Paul?"

Nabahiran ng labis na pagtataka si Neal sa pasinghal na tanong pabalik sa kanya ni Amethyst, na tila ba isang mortal na kasalanan ang itinanong niya rito.

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon