Taboo Story 6 - Chapter 1

969 44 4
                                    

Ilang linggo nang laman ng mga balita ang mga natatagpuan na bangkay na may tattoo na inverted star sa lalamunan. Ang lahat ng biktima, mapababae man o mapalalaki ay wala nang mga mata. Tapyas na ang mga utong na may bakas ng binudbod na asin at siling labuyo sa tinapiyasang bahagi. Sa noo ng bawat isa ay may nakatato na hugis mata. Sariwa pa ang mga tatong iyon na para bang tinatuan ang mga ito postmortem na nagsisilbing clue na iisa lamang ang pumaslang sa mga ito.

"Ayon sa report mula sa forensics," pagbe-brief ng head ng task force sa mga pulis na in charge sa kaso ng Serial Killer na binansagan nilang Maloccio Killer, "ang lahat daw ng puwerta ng mga babaeng biktima ay may nakatanim na putol na ari ng lalaki sa loob. Sa ari ng lalaki ay may nakapulupot na kuwintas na may palawit na agimat na hugis tatsulok. Ang agimat ay may naka-ukit na Eye of Horus sa gitna. Base sa lacerations and trauma sa mga tissues around the vaginal wall, they were suggesting na sapilitan itong ipinasok sa loob gamit ang isang matigas na stick while the victims were still alive."

"What about the male victims sir?" tanong ng isa sa mga miyembro ng task force.

Nagbuntong hininga ang head ng task force nang binuklat nito ang mga litrato ng mga lalaking biktima. "It looks like their genitals were forcefully removed...ugh!" hinawakan nito ang dibdib na tila damang-dama nito ang sakit na inabot ng mga lalaking biktima, "by tightly tying a nylon rope around the shaft, tapos 'yung rope, itinali perhaps sa isang mobile vehicle para bunutin ang ari in that manne—putang ina," pabulong ang pagmumura ng head, "—while the victim was still alive. It appears na 'yung mga penis na nakikitang nakatanim sa mga babaeng biktima ay nanggaling din sa mga lalaking bitima. They are still trying to figure out if the pairing is intentional or random."

"Pucha Sir!" Reaksyon ng isa sa mga miyembro, "nagmumukhang santa si Lorena Bobbitt (1) sa killer na 'to ah. Parang di hamak namang mas masakit ang literal na bunutin ang ari kaysa hiwain o tagain."

"Sir," pagsabat naman ng isa pa, "may nakikita na po ba kayong pattern ng mga binibiktima nito?"

"Oo. All of them were former members of a cult under investigation called Infanoj de Horus. But we need to hold this information to the media for now para hindi natin mabulabog ang grupo that can compromise the people we assigned to infiltrate the group." May sinipat ito sa mga kaharap niyang pulis. Huminto ang tingin niya sa isang matangkad na mestisuhing pulis, "Captain Magpayo!"

"Major?"

"I need your team in my office after this meeting."

"Yes, Sir!"

***

Ilang oras ding pinaglabanan ni Trista ang hindi masuka, hanggang sa tuluyan na siyang dumuwal sa inodoro sa pagkauwing-pagkauwi pa lamang niya sa bahay. Hindi naman talaga siya madiriing tao, pero ibang usapan na kapag pagkain na niya ang pinag-uusapan.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" kinatok siya ng kanyang ina. Nakapansin kasi nito ang kanyang paghagunot habang nanonood ito ng telebisyon sa kanilang salas.

"A-ayos lang ako, Inay." Matapos n'yang i-flush ang toilet, lumabas din naman ito agad at nakitang nakaabang na sa labas ang kanyang ina. Nakapamayawang ito at nakataas ang isang kilay.

"Buntis ka ba?"

Agad namang nagusamot ang mukha ni Trista, "pa'no naman ako mabubuntis eh wala naman akong boyfriend. Ano 'yun, immaculate conception?" Nilagpasan na nito ang kanyang ina upang dumiretso sa kanyang silid. Binuntutan naman ito agad ng kanyang ina.

"Aba, malay ko ba. Eh kung 'yun ngang dating mong boypren eh hindi ko pa man din nakikilala eh nag-break na pala kayo."

"Sinong dating boypren?"

"Ahh, so hindi lang pala isa?"

Napakamot na si Trista, "Ikaw talaga, Inay, sa lahat ng mga tunay na Marites, ikaw lang yata ang laging nabibiktima ng fake news. Laging sablay!"

"Anong sablay?"

"Eh paano naman ako magkakaroon ng dating boypren kung wala pa naman talaga akong nagiging boypren? At saka kung meron man, eh bakit ko naman isusuko ang pechay ko sa kanya kung hindi ko pa naman siya asawa? Anong palagay mo sa akin, tulad mo?" Natatawa na ito, "nakindatan lang ng pogi eh isinuko na agad ang bataan. Ayan, tuloy, nagkaroon kayo ng anak na ubod ng ganda pero walang ama!" Sabay halakhak.

"Oh eh at least pogi ang pinili ko, 'di ba? Para madisgrasya man ako, siguradong maganda ang anak ko." Napangiti na nang bahagya si Marites sa biro ng anak, "Kaya ikaw, iningatan mo na lamang at lahat 'yang pechay mo for twenty-five years, aba'y huwag mo namang ipapitas sa pangit. Kailangan pogi lang, 'yung matangkad, malusog, at malaki ang hinaharap, para kahit iwanan ka ng souvenir, eh hindi ka naman isumpa ng anak mo na binigyan mo siya ng amang pangit kaya pangit din siya.Tsk. Mabalik nga tayo sa 'yo! Ba't ka nga kasi nagsusuka kung hindi ka naman buntis?"

"H-ha? A-ahh.. Eh Naku, 'Nay. Hinding-hindi na talaga ako kakain sa karinderyang malapit do'n sa pinagtatrabahuhan ko. Magbibinalot na lang ulit ako bukas. Nakakain ako ng butiki, buwiset!" Muli na naman itong napapaduwak kaya muli na naman itong tumakbo sa banyo.

"Buong butiki?"

"Opo, buong baby butiki sa adobong pusit." Muli na naman itong sumuka.

"Hmp. Para butiki lang. Mas malinis naman 'yon kaysa ipis."

Namimilog ang mga matang tumunghay si Trista, "nakakain ka na ng ipis?"

"'Yung kalahati ng katawan lang. Nasama kasi sa dinuguan no'ng ipinagbubuntis kita. Kaya technically speaking, tayong dalawa talaga 'yung nakakain ng ipis."

"Ewwwww! Nay naman eh!"

"O, bakit? Nagtanong ka eh." Napapatawa itong muli sa anak.

"Hmp. D'yan ka na nga 'Nay! Lalo lang akong nasusuka sa 'yo eh."

Nagdali-dali sa pagpasok si Trista sa kanyang silid. Agad niyang ikinandado ang pinto bago niya sinandalan ito. Saglit din siyang natulala, hanggang hindi na niya napigilan ang mapaiyak habang unti-unti siyang nagpadausdos sa sinasandalan, hanggang sa mapalupagi na siya sa sahig. Dahil ang totoo'y hindi naman siya nakakain ng butiki, kundi mas malala pa roon; nakasaksi siya ng isang krimen sa pabrika ng processed meat na kanyang pinagtatrabahuhan bilang isang filing clerk. At kalakip ng kanyang nasaksihan ay ang isang sikretong hindi kinakaya ng kanyang sikmura.

Footnote:

(1) Lorena Bobbitt became a public figure after she sliced off her husband's penis in 1993.

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon