Chapter 4.

11 7 0
                                    

Bumangon ako sa kama at pumuntang kusina para magluto ng pagkain.

Naghilamos muna ako at nagpunas ng tuwalya bago simulan ang balak kong gawin.

Kumuha ako ng kaldero at bigas bago yon hugasan ng tatlong beses, matapos kong gawin yon ay sinalang ko na ang kaldero sa kalan.

Habang niluluto ang kanin ay pumunta naman ako sa refrigerator at kumuha ng sangkap na gagamitin sa pagluluto ng chicken curry.

Nang maayos ang mga sangkap ay sinimulan ko na yong hiwain samantalang habang ginagawa ko yon ay may sumilay na ngiti sa labi ko matapos maalala si Moonlight.

Ito ang unang ulam na natikman niya nung bata pa siya dahil pinakain siya ng ganito ni Karsen, isang taon at kalahati pa lang si Moonlight ng mga panahong yon kung kayat hindi ko muna siya binibigyan ng ibang pagkain bukod sa gatas.

Nagustuhan niya ang lasa ng pagkain subalit pinagbawalan ko siya kung kayat umiyak siya ng malakas at hindi tumigil hanggat hindi niya ulit yon natitikman.

Mula nang araw na yon, hindi na pumayag ang anak ko na gatas lang ang kakainin niya kung kayat sumasabay na siya sa pagkain namin pero kaunti lang ang binibigay ko sa kaniya.

"Good morning, Ate Miya. Tulugan na po kita," tumingin at ngumiti ako sa kaniya matapos marinig ang boses niya.

"Magandang umaga rin, Arianna. Sige, pero gisingin mo muna ang iba nating kasama." Tugon ko samantalang tumango siya at nagpaalam para puntahan ang iba.

Sa mahigit kumulang na isang libong kalahok sa pagsusulit, ilang pursiyento lamang ang nakapasa samantalang mahigpit sa kalahati ang nalagas.

Bilang gantimpala sa'min dahil kami ang unang nakatapos sa pagsusulit, binigyan kami ng malaking pwesto na kung saan may magandang sala, anim na kuwarto, at malawak na kusina bilang tahanan o mas kilala sa tawag na dormitory.

At hindi lang yon dahil malapit ang dormitory namin sa mga royalties.

Kahapon ko lang rin nalaman na kasama sa royalties si Kuya Gab.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa hanggang sa makabalik si Arianna at tinulungan na niya ako sa pagluluto.

Makalipas ang kalahating oras ay hinanda na namin sa lamesa ang mga pagkain na siya namang pagdating ng iba naming kasama.

"Good morning, Ate Miya and Arianna!" Masiglang pahayag ni Fiona.

Nginitian ko siya at tinignan mula ulo hanggang paa.

Nakasuot siya ng white longsleeve and skirt with black sleeveless coat na may marka ng Light Academy.

Samantalang black longsleeve with white coat and black trousers pants naman ang sa mga lalaki.

"Good morning, Fiona. Ang gwapo mo naman Kuya Karsen," tugon at komento ni Arianna kila Fiona at Karsen.

"Hindi naman, mas gwapo pa rin para sa'kin si Marcus."

"Hehe, salamat po Ate Miya." Nahihiyang tugon ni Marcus.

Nang tumingin ako kay Karsen ay nakasimangot siya habang masama ang tingin sa'kin bago umirap.

Ginulo niya ang buhok ni Arianna at nagpasalamat bago pumwesto sa lamesa kung kayat ganun rin ang ginawa ng bawat isa.

Inumpisahan na naming kumain na walang sinoman ang gumagawa ng ingay sapagkat iyon ang tinuro sa'min ng aming mga magulang.

Makalipas ang sampong minuto ay tapos na kaming kumain.

"May introduce yourself pala dito mamaya, Ate Miya. Sasabihin po ba namin ang totoong kakayahan namin sa ibang estudyante?" Tanong ni Marcus at sumandal sa upuan niya.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon