Chapter 1.

16 7 0
                                    

"Where are we going Mommy Miya?" Naguguluhang tanong ni Moonlight habang nakasakay kami sa Tirex.

Simula ng magkaisip si Moonlight, ito ang unang beses niyang lumabas sa sekretong kampo namin sapagkat tinatakot siya ni Karsen na may mga demians sa ibang lugar kung kayat ayaw niyang umalis doon.

Tinignan ko siya at hinaplos ang kulay pula niyang buhok, at tinignan ang asul na mata.

"We're going to meet your father," nakita kong nanlaki ang mga mata niya matapos marinig ang sinabi ko.

"Really?! I'm going to meet, my Papa?! Yehey!" Masayang sigaw niya at tumayo pa para tumalon ng tumalon kung kayat hindi ko napigilang ngumiti habang tinitignan siya.

Tumingin ako sa ibang kasama samantalang nakita kong nakangiti rin sila habang nakatingin kay Moonlight.

Tinignan ko ang suot na uniporme, katulad rin ito ng uniporme nila ama't ina noon, subalit iniba ang estilo para sa mga babae.

Ang para sa lalaki, katulad pa rin nung una na black long sleeve at stretchable black pants with combat boots.

Para sa mga babae naman ay black sleeveless uniform at black palda with legs to knee pants cover and combat boots.

"Who's my Papa, Mommy Miya?! Who's my Papa?!" Tumawa ako matapos marinig ang masayang boses ng anak ko.

Kumapit pa siya sa braso ko at hinahatak yon habang masayang tumatalon kung kayat tinignan ko si Fiona.

Ngumiti naman siya at tinawag si Moon kung kayat tumingin ang bata sa kaniya.

"Isa sa dalawa kong kuya ang magiging asawa ni Ate Miya, Moon." Tumahimik si Moon at tumabingi ang ulo tanda na nasa malalim siyang pagiisip.

Kalaunan ay tumingin siya sa'kin na para bang nagtatanong.

"Who's my Papa, Mommy Miya?" Tanong niya samantalang ngumiti naman ako at hinawakan ang maliit niyang kamay.

"To be honest, I still don't know who will become your father Moonlight. Goddess Luna said, kailangan ang magiging tatay mo ay tanggap at mahal ka. Hindi ka pa nila nakikilala anak," malumanay na paliwanag ko samantalang ang masaya niyang mukha kanina ay biglang lumungkot.

Napansin ko rin na bahagyang bumagsak ang balikat niya at ang pagtungo.

Ilang sandali pa ay napansin kong gumagalaw ang balikat niya senyales na umiiyak siya, yumakap ako sa kaniya na mabilis niya namang ginantihan.

"What if, they don't like me because, I'm not their biological child? I don't wanna die yet, Mommy Miya. Huhuhu!" Umiiyak na tanong niya sa'kin kung kayat hinaplos ko ang likod niya.

"Think positive Moon, we're sure that he will like you because you're amazing kid." Nginitian ko si Marcus matapos marinig ang sinabi niya.

"Don't worry Moonlight, my father and Tita Queen have an agreement before that their children should marry each other. Stop crying baby," pagpapakalma rin ni Fiona at pumunta sa'min para haplusin ang ulo ng bata na patuloy pa rin sa kakaiyak.

"At sigurado naman kami na may magiging Papa ka ngayon Moon, ang ganda kaya ni Ate Miya. Silang dalawa ni Tita Queen ay kabilang sa may pinakamagandang mukha sa buong Light Kingdom." Nginitian ko rin sila Fiona at Arianna dahil sa sinabi nilang dalawa.

Tinaas ko ang ulo ni Moonlight hanggang sa pinunasan ko ang magkabilang pisngi at mata niya na may luha.

Hinalikan ko ang magkabilang mata niya matapos kong punasan ang mga yon.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon