Third Person Point of View.
Patuloy sa pagdadalamhati si Karsen samantalang lahat ng kasama niya ay puno ng awa habang nakatingin sa kaniya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang medical team na siyang kukuha sa bangkay ni Margaret.
"We want to inform all of you that Commodore Kaiser Fujimoto is gone, I'm sorry." Mas lalong umiyak si Karsen matapos marinig ang sinabi ng lalaki.
Lumuhod at sinubsob niya ang mukha sa mga palad habang umiiyak samantalang pinuntahan at niyakap naman siya ni Arianna.
Maging si Miya ay pinuntahan ang kaibigan at niyakap subalit kahit ginawa nila yon, hindi mabura sa isip ni Karsen na wala na siyang mga magulang.
"I have no family anymore, I don't have anyone else except from them!" Umiiyak na pahayag ni Karsen sa mga kasama niya.
"Don't say that Karsen, we're still here for you. We love you, kapatid ka namin nila Kuya Jay-Jay. We're your family," tugon ni Miya at hinalikan ang noo ni Karsen.
Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa kaibigan subalit tanging pagiyak lang ang kaya niyang gawin, makalipas ang ilang sandali ay umalis na ang medical team at naiwan ang Hunter Squad.
Tinignan ni Jay-Jay ang mga kasama niya, lahat sila ay apektado sa nangyayare kay Karsen.
"There are many monsters approaching here!" Babala ni Marcus sa mga kasama niya at pagkatapos ay mabilis nagpakawala ng mga palaso.
Hinanda ng iba ang mga sarili sa paglaban, hindi nagtagal ay tuluyan ng nakapunta ang mga halimaw kung nasaan sila.
Ginamit nila ang mga hawak nilang hawk upang mabilis na mapatay ang mga demians, subalit patuloy lang sila sa pagdating.
"We'll guard him, Ate Miya."
"Thank you," tugon ni Miya kina Fiona at Arianna bago iwanan ang kaibigan niya.
Mula sa taas ng bubong, nandoon si Aviona at binabaril ang mga demians.
Mula sa ibaba ay kinakalaban naman nila Matteo, Gabrielle, Icen, Ocean, at Jay-Jay ang mga demians samantalang nasa kabilang bubong rin si Marcus.
"Lumina!" Tinawag ni Miya ang legendary light dragon na kaniyang guardian.
Mula sa langit, bumaba ang puting dragon na may gintong kalikis at pulang kuko.
Sumakay si Miya sa likod ng dragon at inutusang tapusin ang mga halimaw.
Umangil muna si Lumina bago nagbuga ng gintong liwanag sa mga demians, matapos silang tamaan ng atake ng dragon ay mabilis sila nagiging abo.
Nagpatuloy ang dragon sa ginagawa niya hanggang sa matapos ang sampong minuto ay pawisan na sina Matteo at pagod na si Lumina.
Ganun pa man, hindi nila maiwasan maging masaya dahil nabawasan ng malaking bilang ang mga demians sa kanilang mundo.
Subalit lahat sila ay nagulat matapos dumilim ng buong kalangitan, hanggang sa nagkaroon ng kulog at kidlat na tumama sa lupa.
Mula sa taas, bumaba si Miya sakay sa kay Lumina at pinuntahan ang mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
FantasyDalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2