Chapter 21.

9 6 0
                                    

Third Person Point of View.

Magmula nang mangyare ang gulo sa Light Academy, labis na nagulantang ang mga kalaban.

Hindi nila lubos akalaing ganun lang kabilis mababalewala ang kanilang pinaghirapan.

Subalit ganun pa man, hindi nila hahayaang matapos ang lahat ng ganun lang kadali.

Tinignan ng kasalukuyang pinuno ng kalaban ang kanyang mga kakampi, hindi niya mapigilang ngumisi sa tuwing makikita ang ilan sa dating estudyante ng Light Academy.

Lahat ay naghahanda para sa parating na labanan, sinadya nilang hirangin ang mga malalakas na estudyanteng bihasa sa pagkontrol ng kanilang mga kapangyarihan.

Nagsimula ang kanilang plano, nung oras na tumuntong si Armando sa puting akademya sa katauhan ni Benedict.

"Everything is set."

"Thank you, Tito Armando. But how about, Darwin? My cousin still choose to be with his family than us,"

"We'll kill him, I don't care even though his my son. He choose them, and that means I no longer consider him as my child. We need to eliminate him a soon as possible," ngumisi ang pinuno sa narinig niya sa kaniyang tiyohin.

Batid niyang seryoso ang lalaki sa kaniyang tinuran, sa totoo lang ay walang pakialam si Armando sa mga anak niya.

Ginagamit niya lang sila para sa mga plano niya, katulad na lang sa ginawa ng lalaki sa pinsan niyang si Benedict.

Nang gabing yon, malinaw na malinaw sa mga mata niya kung paano pinatay ng mga prinsepe ang pinsan niya.

Samantalang mula sa kalayuan ay tanaw ng prinsepe kung nasaan ang ama at tiyuhin niya.

Kumuyom ang mga kamao niya at umiwas ng tingin matapos maalala si Arianna.

Labis siyang nangungulila sa babae, mula nang makita at nakasama niya ang babae ay tumiwalag na siya sa pinaglalaban ng kaniyang ama.

Pumikit siya at binalakin kung kailan niya unang nakita ang babae.

Umaga pa lang ay dumating na ang grupo ni Zachary sa puting akademya para sa gaganaping pagsusulit.

Hindi man alam ng mga kasama niya subalit malakas ang pakiramdam niya at nabatid na hindi lang sila ang nasa lugar.

"Yow dude, masyado ka namang seryoso diyan. Don't be so hard to yourself, huwag mong intindihin ang sinabi ng tatay mo." Tumango lang siya sa kaibigan na ngumiti naman at inakbayan siya.

Brix Joseph, his childhood bestfriend.

Nakilala niya ang lalaki nung sila ay mga bata pa lang, at hindi siya makapaniwala nang sumali siya kanila upang tumulong sa pinaglalaban nila.

"I'll check the whole area first," nakangiting tumango naman ang kaibigan niya at marahang tinapik ang balikat niya.

Tumalikod siya at pumunta sa mapunong bahagi ng lugar, habang naglalakad siya ay tinitignan niya ang buong paligid.

Hanggang sa ilang sandali pa ay may natanaw siyang anino.

Tinago niya ang presensiya at nagteleport sa taas ng puno, subalit mabilis rin siyang umirap nang makilala kung sino ang mga ito.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon