Third Person Point of View.
Mula sa dalawang palad ay pinalabas niya ang mainit na enerhiyang nagmumula sa katawan niya.
Gumawa ng kaunting liwanag sa madilim na lugar ang gintong apoy sa kamay ni Miya.
Pinakiramdaman niya ng mabuti ang buong paligid, mukhang payapa ang lugar subalit hindi maitatago sa kanya ng kasama niya ang aking lakas ng enerhiya nito.
Walang pagdadalawang isip niyang binato ang holy flame sa direksiyon kung nasaan ang lalaki, gumawa naman ang lalaki ng barrier upang salagin ang atake niya.
Nagkaroon ng usok at pagsabog matapos tumama ng atake niya sa barrier ng kalaban, tumingin siya sa taas at nakita ang mga bumabagsak na meteor shower papunta kung nasaan siya.
Gumawa siya ng tatlong malakas na wind tornado at pinakawalan yon sa mga parating na atake mula sa kalaban.
Naglaho siya matapos gawin yon at lumabas sa harapan ng kalaban niya, buong lakas niyang sinuntok ang kalaban subalit mabilis itong nasalag ng kalaban niya.
Nagpalitan sila ng atake samantalang naririnig mula paligid ang malalakas na pagsabog galing sa mga ginawa nilang atake kanina.
Hanggang sa nagpalabas ng espadang apoy ang lalaki at mabilis yon ginamit laban kay Miya.
Mabilis nakaiwas si Miya subalit hindi niya napansin ang ginawang fire shuriken ng kalaban niya.
"Focus!" Pahayag ng lalaki matapos siyang tamaan ng atake nito.
Ngumisi siya at nagpalabas ng dalawang pulang apoy sa kamay, sabay niya itong binato kay Miya.
Eksperto itong iniwasan ng babae at pagkatapos ay nagpalabas rin siya ng mga apoy na binato sa lalaki.
Umiwas ang kalaban niya hanggang sa nagpalitan na sila ng bolang apoy, subalit sa huling atakeng ginawa ng lalaki ay iba ang ginawa niya.
Gumawa siya ng malaking buhawing apoy at mabilis na pinakawalan papunta kay Miya.
Hindi gumalaw ang babae at hinintay lang ang apoy, nanlaki ang mata ng lalaki matapos mapagtanto na walang balak gawin ang babae.
Bago pa man niya mapaglaho ang atake niya ay tuluyan na nitong nilamom ang babae kung kayat napamura siya.
"Shit!" Pinaghalong takot at gulat na reaksiyon niya.
Nasa loob sila ng dimension, apat na araw na sila sa loob nito at patuloy na nagsasanay.
Lahat ng tinuro niya ay mabilis nakuha ni Miya nung una pa lamang kung kayat dwelo naman ang ginagawa nilang dalawa.
Balak na dapat humakbang ni Drake subalit natigilan at napaatras siya matapos masilaw sa liwanag.
Hanggang sa may mainit na hangin ang tumulak sa kaniya kung kayat tumalsik siya sa hindi kalayuan.
Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala matapos makita ang kalaban niya kanina.
Wearing a gold armor that was covering her chest up to navel height and gold three inches above the knee skirt standing on the top of light dragon, the most powerful and beautiful Goddess Miya.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
FantasyDalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2