Chapter 16.

8 7 0
                                    

Third Person Point of View.

Nung araw na pumunta ang Hunter Squad sa palasyo ng Light Kingdom ay patuloy na sinasagawa ang klase sa Light Academy.

Kakatapos lang ng klase nila Fiona kung kayat sabay sabay silang lumabas sa kanilang silid aralan.

"Hello Glimmer, can I join you guys eating on the cafeteria?" Tumigil sila matapos sumulpot ni Zachary.

"Oo naman Zachary, basta ikaw." Nakangiting tugon ni Fiona sa lalaki na masaya namang tumango at tinabihan si Arianna.

Nagkatinginan sila at ngumiti sa isat isa samantalang pasimple namang umirap ang nakasimangot na Marcus sa likod ng maskara.

Matapos nila makapunta sa cafeteria ay kumuha na sila sa bakanteng pwesto, umalis sila Arianna at Zachary upang bumili ng pagkain.

Sabay na tumingin sila Fiona sa kabilang direksiyon matapos maramdaman ang mga tingin sa kabilang lamesa.

Pasimpleng ngumiti at kumaway ang mga prinsesa kila Fiona, nagbigay galang naman ang dalawa at ngumiti rin samantalang nakatingin naman sa ibang direksiyon si Matteo.

Mula sa pwesto ng prinsepe ay nakita niya kung gaano kasaya si Arianna kasama si Zachary, kumuyom ang kamao niya nang makita na umakbay at bumulong sa babae si Zachary.

"Kuya Matt," tumingin siya sa katabi nang marinig ang boses ni Gabrielle.

"Now I know," batid ni Matteo kung ano ang ibig sabihin ng nakababatang kapatid kung kayat pilit siyang ngumiti at ginulo ang buhok ng kaharap.

Mabilis at nakasimangot namang lumayo si Gabrielle kung kayat mahinang tumawa si Matteo.

Nang muli siyang tumingin kila Arianna ay nakita niyang pabalik na ang dalawa sa pwesto ng mga kasama nila, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang mata nila ng babae.

Mabilis ngumiti si Arianna at pasimpleng kumaway.

"Kuya Matteo," narinig niya ang malambing na boses ng babae sa isip niya samantalang may iba siyang naramdaman matapos marinig yon.

'Damn it,' mura niya sa isip at tinignan ng masama ang babae.

Nagulat si Arianna at mabilis na umiwas ng tingin nang makita yon, malambing ang mukha ng prinsepe kanina habang nakatingin sa kaniya ngunit bigla na lang naging malamig ang mga mata nito habang tinititigan siya.

"Glimmer," nakangiting kumaway si Zachary sa babae at sinenyasan itong pumunta na sa kanilang lamesa.

Ngumiti si Arianna at pumunta na sa kanilang lamesa samantalang tumayo naman si Zachary at pinaghila ng upuan si Arianna.

"Thanks Zach,"

"Your welcome beautiful," tugon ng lalaki at kumindat sa babae samantalang kinagat naman niya ang labi bago umupo.

Hanggang sa sinimulan na nilang kumain at magkwentuhan, nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang makarinig sila ng nakakabinging sigawan mula sa labas.

Napansin nila na nagtatakbuhan sa isang direksiyon ang mga estudyante kung kayat nagkatinginan sila bago pumunta doon.

Matapos lumabas sa cafeteria ay pumunta naman sila sa open space kung saan pumupunta at may tinitignan ang lahat.

Malakas na sigaw ang namutawi sa mga estudyante matapos makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng iba.

"What the heck?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Zachary habang nakatingin sa taas ng flag pole kung saan nakalagay ang watawat at ulo ng babaeng kinakain ng uwak ang ibang parte.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon