Chapter 11.

10 7 0
                                    

Dumaan ang dalawang linggo magmula nang mawala siya. Hanggang ngayon at kahit kailan ay hindi ko matatanggap na wala na sa'kin ang anak ko.

Tinignan ko ang mga larawan niyang nakasabit sa bawat sulok ng silid ko at hindi na naman napigilan na lumuha habang tinitignan ang mga yon.

Simula ng araw na yon hanggang ngayon ay walang tigil na kalungkutan ang nararanasan ko.

I really missed my little boy.

Umaga hanggang sa matapos ang araw ay nandito lang ako sa loob ng kwarto sapagkat pakiramdam ko ay bibigay ang katawan ko kung wala ako dito.

This place served as my comfort zone for the passed days.

Gigising, iiyak, kakain ng kaunti, tapos iiyak ulit hanggang sa makatulog.

Narinig kong bumukas ang pinto at may pumasok doon subalit nasa mga larawan pa rin ang paningin ko.

"Your slowly killing yourself, Gabriella Miya. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Moonlight sa oras na malaman niyang nagkakaganyan ka dahil sa kaniya? Malulungkot siya, parang awa mo na anak. Huwag ka naman magkaganito, maawa ka sa'ming pamilya mo na nagaalala sayo." Malungkot na pakiusap niya sa'kin.

Tinignan ko siya, mas lumakas ang iyak ko dahil nadurog ang puso ko nang mapansin sa mukha niya ang labis na pagod at pagaalala.

Yumuko ako at kinagat ang labi para mapigilan ang malakas na pagtangis subalit bigo akong gawin yon.

Pumunta siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit bago haplusin ang buhok ko kung kayat hindi ko na napigilang umiyak ng mas malakas.

"Mommy Queen, si Moon. Gusto kong makita si Moon~light, ibalik niyo sa'kin ang ana~k ko. Parang awa niyo na, hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Apat na taon, apat na taon ko siyang kasama at inalagaan Mommy Queen. Moonlight, anak balik kana sa'kin. Hindi ko ka~ya, huhu!" Walang tigil ang paglabas ng masaganang luha sa'king mata papuntang mukha na hindi ko na lang binigyang pansin.

Patuloy ako sa pagiyak.

Wala akong narinig kay Mommy Queen.

Sinamahan niya lang ako habang hinahaplos ang ulo ko.

"Listen to me Gabriella." Sa wakas ay nagsalita na siya at tinignan ako.

May mga luha rin sa mata niya habang puno ng awa akong tinitignan.

"You need to be strong. Sa sitwasyon na ganito, walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo. I believe you'll get through of this, bumangon ka at hanapin mo kung sinong pumatay kay Moonlight. Ikaw ang ina niya, sayo siya siguradong tatakbo at magsusumbong sa oras na may manakit sa kaniya. Huwag mo siyang biguin anak, stand up and do your duty. Not as a member of Hunter Squad, nor a princess of Fire Kingdom, but a mother who will do anything for her child." Lumuluhang pahayag niya at hinalikan ang noo ko kung kayat pumikit ako bago yumakap ng mahigpit.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare dahil tila nawalan ako ng lakas matapos magising sa katotohanan.

Inaasahan ako ni Moonlight.

Ako ang ina niya at wala siyang ibang tatakbuhan kung hindi ako kung kayat kailangan ko maging matibay at malakas.

Nagising ako matapos maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon