Gumising ako katulad ng kinasanayan at pumuntang kusina. Kumuha ako ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng kare kare.
Hinugasan ko ng mabuti ang karne ng baka na gagamitin ko, naghiwa na rin ako ng mga gulay at nagluto ng kanin.
Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa mga salitang natanggap ko sa kaniya, sa lumipas na tatlong linggo matapos maganap ang kaguluhan ay tinigil muna ang mga klase.
Napagpasiyahan ni Headmaster Benedict na umuwi muna ang ibang estudyante sa mga tahanan nila subalit mahigpit niya silang binilinan na huwag magsasabi ng kahit anong naganap dito.
Ayon kaila Tito Jacob at Tita Flame ay gumagawa na ng hakbang ang Academy upang alamin kung ano talaga ang nangyayare.
"Mommy," tumigil ako sa ginagawa at tinignan si Moonlight matapos marinig ang boses niya.
"Yes baby? Bakit ang aga mo gumising?" Pumunta siya sa'kin at yumakap samantalang nakangiti ko namang hinaplos ang ulo niya.
"I used to wake up early because my Papa Icen and Papa Ocean were no longer beside me when I'm still on their palace,"
"What do you mean, Moonlight? Did they let you to sleep alone?" Naguguluhang tanong ko sa bata na naramdaman ko namang umiling habang nakayakap sa'kin.
Dumating si Arianna at nagprisinta na siya na muna daw ang magluluto samantalang pumayag naman ako dahil gusto kong kausapin si Moonlight.
Binuhat ko siya at binilinan si Arianna kung ano ang lulutuin niya.
Lumabas ako sa kusina habang karga ang bata bago pumunta sa living room.
Umupo ako sa sofa at kinandong si Moonlight na yumakap naman sa leeg ko bago pinatong ang baba niya sa balikat ko.
"I saw her hugging Papa Icen from behind, the next day she talks to me, and when I got distracted in just a minutes. She and Papa Ocean were kissing," mahinang sumbong ng anak ko samantalang hindi ako makapaniwala.
Tinignan ko ang mukha ng anak ko at napansing malungkot siya, hinawakan ko ang mukha niya at tinignan siya sa mata.
"I told that to Tita Fiona, she got so furious and because of that she punch her on the face, then my Papa Ocean and even Papa Icen shouted at her. They said, dapat hindi niya daw ginawa yon kasi kaibigan nila siya. Kissing another girl means cheating, right Mommy Miya?" Naramdaman kong may kumikirot sa dibdib ko matapos malaman yon.
Matapos ng huling pagsasama namin ng dalawang prinsepe, nagpaalam silang babalik sa kaharian kasama si Fiona dahil may dumating na bisita.
Pumayag naman ako dahil bukod sa abala kami sa pangangalap ng impormasyon, binabantayan rin namin kung ano pa ang posibleng mangyare.
Hindi ko lang lubos akalain na magagawa ng magkapatid sa'kin ang bagay na yon, kilala ko si King Frost kung kayat buong akala ko ay hindi nila gagawin ang ganung bagay.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Marcus at sinabing handa na ang pagkain kung kayat ngumiti naman ako bago tumango.
Tinignan ko si Moonlight at hinalikan ang noo niya.
"Don't tell to anyone about this, okay?
"Even to Papa Gab and Dadda Matteo?"
"Oo anak, huwag muna." Tumango naman ang anak ko kung kayat nginitian ko siya bago alalayan papunta kung nasaan ang iba.
Nakita namin na nandoon na silang apat at kami na lang ang hinihintay.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
FantasiaDalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2