Dumating ang pangalawang gabi, hindi namin inakalang doon magpapakita ang bughaw na buwan.
Lumalabas lamang ang ganitong uri ng buwan sa mundo ng mahika sa tuwing ika dalawampo at walong taon bawat dekada.
Ibig sabihin, may bagong abilidad na namang isisilang sa mundo ng mahika.
Nakangiti kong tinignan si Moonlight, nakabihis siya ng puting polo at black pants.
"Where are we going po Mommy Miya? Gabi na po, manonood po kami ng cartoons ni Tito Argus." Nginitian ko ang bata at hinalikan sa noo.
Tinignan ko sila Icen at Ocean, parehas silang ngumiti sa'kin kung kayat ganun rin ang ginawa ko.
Nakita ko rin ang buong pamilya ko sa likod, ang buong pamilya ni Tito Frost, Tito Kaiser, at Tito Drake.
Hanggang sa mas lumiwanag na ang sinag ng buwan, at hindi nagtagal ay nabalutan na ng liwanag ang buong kapaligiran.
Nasilaw kami at pumikit dahil sa liwanag na dulot nito.
Matapos maramdaman na wala na ang liwanag ay dumilat at napagtanto kong napunta kami sa magandang paraiso.
Tinignan ko ang ibang kasama, maging sila ay nandito at namamangha habang nakatingin sa buong lugar.
"Maligayang pagdating sa aking tahanan, aking mga panauhin." Lahat kami ay tumingin kung saan nagmula ang magandang boses.
And there she is, standing on the top of the rock was the gorgeous goddess I've ever seen in my life.
Katulad pa rin ng dati, walang pinagbago.
Napakaganda.
Nagbigay galang kami sa kaniya.
"Thanks for your compliment, Goddess Miya." I was stunned after hearing those words.
"Pardon, your highness?" Ngumiti siya at naglaho papunta sa unahan namin nila Icen.
"Sa bawat henerasyon na matatapos ay may bagong kapangyarihan ang mabubuhay. At sa bawat dekada na lilipas ay may ipapanganak na bagong diyos. And you are the new goddess, Miya." Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko sa mga oras na ito.
I'm a goddess.
"You're the goddess of power, you inherited the power of the most powerful goddess, none other than Goddess Bia. While your son, Moonlight." Tinuro niya si Moonlight na mabilis namang ngumiti at kumaway sa kaniya.
"Is a demigod, a halfblood god."
"Ibig pong sabihin,"
"Oo, ang mga susunod mong anak ay magiging makapangyarihang diyos rin." Naramdaman kong hinawakan ng magkapatid ang kamay ko kung kayat tumingin ako sa kanila.
Nginitian nila ako samantalang ganun rin ang ginawa ko bago muling tumingin sa unahan.
Tinignan kami ni Goddess Luna ng may ngiti sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
خيال (فانتازيا)Dalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2