Walang buhay kong pinanonood ang paglalaban ng mga estudyante kung nasaan ako.
Mabilis na dumaan ang tatlong araw samantalang patuloy pa rin ang leveling examination.
Tapos ng lumaban ang mga kasama ko maliban sa'kin.
Sila Fiona, Arianna, at Marcus ay mapupunta sa silver section samantalang sa gold naman si Karsen.
Handa na akong lumaban subalit may impormasyon akong nalaman na hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa'kin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap kung anong nangyare kay Moonlight.
Hindi lang nila kinuha ang kapangyarihan niya, sinaktan nila ng sobra ang anak ko.
#flashback.
Nasa gitna ako ng kagubatan.
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito pero patuloy lang ako sa paglalakad.
Nang makalabas ako sa kagubatan ay bumungad sa'kin ang pamilyar na lugar.
"Mommy Miya!" Nanlaki ang mata ko at dahan dahang tumingin sa pinagmulan ng boses.
Hindi ako makapaniwala habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.
Nakangiti siyang pumunta sa'kin at yumakap ng mahigpit samantalang hindi naman ako nakagalaw matapos maramdaman ang mainit niyang katawan.
Yumuko ako at tinignan siya ng mabuti, nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba siya dahil baka bigla siyang mawala.
Pero nawala ang lahat ng pangamba ko nang hawakan niya ako sa kamay at nginitian.
Mahigpit ko siyang niyakap habang may tumutulong mainit na luha sa mga mata ko.
"Moon~light," umiiyak na tawag ko sa pangalan niya habang nakayakap sa kaniya.
Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya habang nakayakap sa'kin.
"They've hurted me. They stoled my powers, Mommy Miya. Huhu!" Umiiyak na sumbong niya sa'kin samantalang tinignan ko ang mukha niya.
Nadurog ang puso ko nang makita na basang basa ng luha ang namumula niyang pisngi.
Pinunasan ko ang mga yon at tinignan siya sa mata.
"Sino sila anak? Sinong nanakit sayo?"
"Ate Fritzell, Papa Ocean and Papa Icen's childhood friend. Huhuhu!" Umiiyak na tugon niya at dinetalye king paano nakuha ang kapangyarihan niya.
Ginamit ng babaeng yon ang stoller locket na may kakayahang magnakaw ng kapangyarihan ng sinoman.
I will surely kill that bitch.
#endofflashback.
"Ikaw na ang lalaban, Ate Freya." Nagising ako sa malalim na pagiisip nang marinig ang boses ni Marcus.
Tinignan ko ang mga kasama ko at nakitang lahat sila ay nakatingin sa'kin.
"Once again, Freya Bautista." Tumayo ako at binigay kay Karsen si Mirana bago bumaba sa pwesto kung nasaan kami ng mga kasamahan ko.
Habang naglalakad ako papunta sa gitna ay nararamdaman ko ang pagtitig ng karamihan subalit hindi ko sila pinansin.
Matapos kong tuluyan na makapunta sa gitna ay ngumisi ako ng makilala ang makakalaban ko.
Walang iba kundi ang pumatay sa anak ko.
Pinigilan ko muna ang sarili kong sumabog sa gilid.
Sobrang inosente ng mukha niya. Mayroon siyang magandang itim na buhok at asul na mata.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
FantasíaDalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2